Chapter 22 ILANG ARAW NA RIN ANG lumipas at masyado nang obvious sa pagpapakita ng feelings niya sa akin si Milo. Aaminin ko, crush ko na siya simula noong araw na pumunta siya sa mansyon namin. Ang bait niya kasi sa akin bilang kuya, at hindi ko rin alam kung bakit ganoon na lamang ang puso ko'ng tumibok para sa kanya. Hanggang ngayon, hindi ko nakalimutan ang damdamin ko para sa kanya. Mas lalo yata iyong lumalalim, sa tuwing mas tumatagal pa ang mga araw na pagsasama namin. Tapos na ang misyon nila sa kabilang bayan ng Batangas. Nahuli na nila ang ilan sa mga NPA at marami ang kanilang napatay. Pero hindi rin maiiwasan ang mabawasan ang bilang ng kanilang mga hukbo ni Milo sa pagsugod sa isang geyra. Malungkot at masaya sila sa kabila ng lahat. Malungkot dahil nawalan sila ng mga

