(Sharina's POV) After two months.... Napatakbo ako sa sariling banyo ko nang magising akong parang nangangasim ang tiyan ko. Naduduwal ako at medyo masakit ang ulo ko. Mabuti na lang ay may sarili na akong banyo dito sa kuwarto ko kaya hindi na ako masyadong nahihirapan, lalo't napansin kong madalas na akong maihi ngayon kahit sa alanganing oras. Ilang araw ko na rin itong iniinda at pilit itinatago kina Mama at Papa. Oo, nagtagumpay ako sa plano kong magpabuntis kay Sir Luke at sobrang saya ko! Ilang araw pa lang mula nang makauwi ako ay nag PT na ako. Paulit-ulit akong nagPT sa mga sumunod pang araw hanggang sa masigurado ko na ngang buntis ako at kaagad akong nagpatingin sa isang OB Gyne na walang kaalam-alam ang mga magulang ko. Nagtaka rin sila kung bakit online course ang kinu

