(Sharina's POV) Ilang araw na lang at aalis na ako sa mansiyon ni Sir Luke. Pero masasabi kong sulit na sulit talaga ang mga huling araw at gabi ko rito kapiling si Sir Luke! Gabi-gabi akong natutulog sa kuwarto niya at gabi-gabi rin naming walang humpay na pinaliligaya ang isa't-isa hanggang sa kusa nang bumigay sa pagod ang katawan naming dalawa. At kapag araw naman habang nasa trabaho siya ay bahagya lang akong pinagtatrabaho ni Sir Luke para makapagpahinga pa rin ako, dahil sa gabi ay sobrang pinapagod niya ako. Minsan ay naiisip ko ang girlfriend ni Sir Luke, kung nasaan na kaya ito at bakit hindi na ito ulit bumibisita sa bahay ni Sir Luke? Nagtataka rin ako at napapaisip minsan kung hindi ba siya nami-miss ng labs ko? Pero iniisip ko na lang na baka nga sinadya ni Sir Luke na i

