(Sharina's POV) Nagising na lang ako na nasa loob na ng isang magarang kuwarto. Kaagad namang napatayo si Luke mula sa pagkakaupo sa tabi ng kamang kinahihigaan ko at mabilis niyang sinapo ng dalawang kamay ang magkabilang pisngi ko. "Baby, you're awake! Thank you so much, baby! I love you so much!" Pinaghahalikan niya ang buong mukha ko at sa huli ay hinalikan niya ng mariin ang lips ko. Hindi ko maintindihan kung bakit umaakto siya ng ganoon. Naalala kong nahimatay pala ako habang nagsasaya kami matapos ang wedding proposal niya sa akin. Pero bakit nagta-thank you pa siya at ang saya-saya niya matapos ang nangyari sa akin? "Ano'ng meron? Bakit ang saya mo yata?" Kunot-noong tanong ko sa kanya dahil matapos akong halikan ay tinitigan pa niya ako ng nangingislap niyang mga mata. "You

