(Sharina's POV) Naiinis na naman ako sa buwisit na Luke Alvarrado na iyon! Gagala-gala sila ni Lucas para raw mag father and son bonding naman sila pero bigla naman akong pinapasunod ngayon sa isang restaurant sa Destiny Hotel na pag-aari ng kaibigan niya. Grrr! Ang sarap sana ng higa ko sa kama kahit hapon pa lang pero inistorbo niya ako dahil nangungulit na raw sa kanya si Lucas na pasunurin ako doon. Arghh! Mag-ama nga sila. Nakakainis na talaga kung minsan! Kahit napipilitan at tamad na tamad ang pakiramdam ko ay bumangon pa rin ako. Mabilisan akong naligo at nag-ayos. Naglagay din ako ng light make-up dahil parang namumutla yata ako lately. Siguro ay dahil palagi akong pinupuyat ng malibog na Alvarrado na iyon. Hayss. Pagkarating ko sa Destiny Hotel ay may nag-aabang na pala sa

