(Sharina's POV) Nagising na lang ako na nakayakap sa akin si Luke. Nakahubad pa ako at kasalukuyan niyang kubkob ng isang kamay niya ang s**o ko sa ilalim ng makapal na kumot. Napangiti kaagad ako nang maalala ang nangyari sa amin kanina, lalo na kung paano niya sinabing mahal niya rin ako at kung paano niya paulit-ulit sinambit iyon habang inaangkin niya ang buong katawan ko. Gumalaw ako at niyakap na rin siya pero nagising siya sa kaunti lang na galaw ko. "Hello, love... How's your sleep?" Sobrang lambing niyang tanong sa akin. Nakangiti rin siya ng matamis at pinisil niya ang dibdib ko bago umakyat ang kamay niya sa pisngi ko at masuyo iyong hinaplos. "Ayos lang... Ano'ng oras na ba?" Sagot ko sabay tingin sa wall clock niya. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang alas Diyes na p

