(Sharina's POV) Sumasakit na ang ulo ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko para patigilin si Sir Luke sa mga pinaggagagawa niya. Araw-araw na lang siyang pumupunta dito sa bahay at iba-iba pa ang dala niya kada araw! Kahapon lang ay dalawang sasakyan ang idineliver dito sa bahay. Isang kotse para kay Papa at isang van naman para sa pamimili raw nila Mama at Papa ng mga paninda sa Mini Grocery nila. Nung isang araw naman ay mga de kalidad na kasangkapan sa bahay, na malamang ay galing sa kumpanya niya! At ngayon naman... Por Diyøs por Santo... Mga semento, bakal, tiles at kung anu-anu pang materyales para sa pagpapagawa ng bahay ang ipinadeliver niya! Para raw mapalakihan ang Mini Grocery nina Mama at Papa at para mapa-renovate na rin ang bahay. Leche siya! Hindi ba niya alam na sob

