(Sharina's POV) "Baby, pumayag na ang Mama at Papa mo na sumama kayo sa akin ni Lucas at pansamantalang tumira sa bahay... But why don't you want to go with me?" Heto na naman si Sir Luke sa pangungulit sa akin na isama niya kami ni Lucas sa bahay niya at doon muna pansamantalang tumira. Maghapon na lang siyang nangungulit sa akin tungkol sa bagay na iyon. Nag-volunteer na rin sa akin si Mama na siya na raw ang bahala sa Café ko. At ito namang si Sir Luke, nawalan na yata ng hiya at palagi na lang nakabuntot sa akin. Panay lingkis pa ng kamay niya sa akin kahit alam niyang may nakatingin. "Sir Luke... Ayos lang naman sa akin na hiramin mo si Lucas. Bibisi-bisita na lang ako—" "Bakit ba 'Sir' ka pa rin ng 'Sir' sa akin? I told you to just call me by my name. Paano masasanay si Lucas na

