(Luke's POV) "Luke, Pare, I saw your hot babe at a coffee shop!" Marahas akong napalingon kay William mula sa pakikinig ko sa masayang kuwentuhan nina Bruce Axell, Clinton at Gerard tungkol sa mga anak nila. Naririto kami ngayon sa bar ni Clinton. Naisip lang magyaya ni Clinton dahil matagal na raw kaming hindi umiinom na magkakasama. Pero pagdating ko naman dito ay puro tungkol sa anak nila at kanya-kanya nilang asawa ang pinag-uusapan nila. Ang saya-saya pa nila at hindi ko maiwasang makaramdam ng pait sa puso ko sa hindi ko maunawaang dahilan. Wala si Brian, hindi pa rin siya bumabalik sa Manila pero alam na namin ngayon kung saan siya nakatira. Pinili muna niyang manirahan mag-isa at mamuhay sa isang isla, sa isang tahimik na lugar kung saan ay may bahay at lupa pala siya. Si Wil

