(Luke's POV) "Inta! Inta!" Pasigaw kong pagtawag sa kasambahay kong natanaw ko sa bandang kusina pagkatapos kong makausap si Manang Terry at bigla na lang niya akong p*****n ng tawag. Pakiramdam ko ay bigla na lang nag-init ang ulo ko! Nakaramdam ako na kakaibang galit sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag! Gusto kong magwala! Gusto kong pagsisigawan lahat ng taong makikita ko at kakausap sa akin. Lucas... Who the hell is Lucas?! Tama ba ang dinig kong kinumpirma ni Manang Terry na boyfriend ni Sharina ang Lucas na iyon? Akala ko ba nagresign siya para mag-aral? Tapos magbo-boyfriend lang pala siya?! At isang taon pa lang ang nakakalipas mula nang umalis siya rito, huh! Akala ko pa naman ay may ni katiting siyang pagtingin sa akin dahil sa mga pinaramdam niya. Paiyak-iyak pa siya noon

