(Luke's POV)
I woke up feeling strange.
As far as I could remember, I drank with my friends last night at Clinton's bar.
It was Brian's birthday yesterday and we, the whole gang made a birthday surprise for him trying to make him happy.
The man just lost his family in an instant few weeks ago. Sabay na namatay sa isang aksidente ang asawa at anak niya kaya ngayon ay mag-isa na lang ang kawawang kaibigan kong iyon.
Brian has been so devastated since he lost his family, kaya bilang kaibigan niya ay pinipilit naming mapasaya siya, o kahit papaano ay mabaling ang isip niya sa ibang bagay. Kung hahayaan na lang kasi namin siyang mag-isa at magmukmok gaya ng gusto niya ay baka mabaliw na siya sa sobrang lungkot or worst ay mamatay siya o magpakamatay.
We drank until midnight at talagang nalasing ako! Hindi ko na nga maalala kung paano ako nakauwi. There are vague memories of last night wherein I was riding in my car but someone was driving it instead of me. Sino naman kaya iyon?
But what's troubling me today as I woke up was my strange dream last night. Para kasing totoong-totoo iyon sa pakiramdam ko! But I was too drunk to discern dream from reality, I could even barely open my eyes while having that dream, illusion, or whatever was it!
And in my dream, I was having s*x. f**k!
Yumuko ako at tiningnan ang katawan ko. I'm still wearing the same clothes I was wearing yesterday. Nakabutones pa ang polo ko though hindi na ito naka tuck-in ng maayos sa pantalon ko. But my pants are still properly intact. Nakasinturon pa rin ako at nakasarado rin ang zipper ko and there's really not a single indication that I had s*x last night!
But what the hell was that dream? Tigang na ba ako?!
Last week lang ay may naka-one night stand ako. Damn.
Iiling-iling akong bumangon sa kama ko pagkatapos ay kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko. Naroon nga ang cellphone ko kaya kaagad ko iyong hinugot at tinawagan si William. I am not sure if I can talk to him seriously especially that it's still morning, madalas kasi ay hindi nakakausap ng matino ang gagong iyon! But who else will I call? Gerard is surely busy with his wife. Tsk. That monkey is now so deeply and madly inlove! Si Bruce Axell naman ay ganoon din, sobrang inlove rin sa asawa niya at bukod sa asawa niya ay malamang busy rin siya sa anak niya. Si Clinton naman? Lalong-lalo na ang gagong 'yon! Kung hindi nga lang birthday ni Brian kagabi at kung walang problema ang lalaking iyon ay paniguradong hindi susulpot doon si Clinton. That punk recently got married to the woman he loves for the longest time! At may anak na rin sila, huh! Ilang beses ding naghabol si Clinton noon kay Becka na asawa na niya ngayon at matalik na kaibigan din ng asawa ni Bruce na si Rona. Hayst. And Brian? Paano ko naman makakausap ng matino ang lalaking iyon? Malamang ay tulog pa o nagmumukmok na naman iyon. So I really have no other choice but William. Tsk.
I dialled his cellphone number and after about 4 rings, he answered it.
"Pare? Why did you call this early?" Paos pa nitong tanong mula sa kabilang linya. Halatang kagigising lang nito.
"I was so drunk last night and I couldn't really remember how did I get home... But I vaguely remember that someone sent me home last night. Am I right?" diretsahan na tanong ko rito habang naglalakad na ako papunta sa comfort room. Ihing-ihi na ako, damn it!
"You were totally drunk last night, pare! Actually, you were about to call for an escort to drive you home. Pero nag-alok na si Gerard na ipahatid ka sa isa sa mga bodyguards niya. So that's the answer you need, pare. Why?"
"Nothing. I just thought that something strange happened to me last night." sagot ko.
If I was sent home after getting drunk, then it's really impossible that those vague scenes are real. Siguro nga ay panaginip lang talaga iyon. Tsk.
Kinalas ko na ang sinturon ko at hinubad ang pantalon pati na rin ang brief ko. Maliligo na rin ako para mapreskuhan ang katawan ko.
My head is a bit aching, and so I think I need a refresh, eat some breakfast and drink a medicine. Tsk.
"I enjoyed last night. Next time ulit." Bigla ay narinig kong sabi ng isang babae sa kabilang linya. Ang gagong William at mukhang napalaban na naman sa s*x kagabi!
"Keep in touch, babe." Sagot naman ng babaerong si William sa babae.
"Gago ka! Di ba, may girlfriend ka na?" Gulat at nangongonsensiya kong tanong sa kanya dahil sa pagkakaalam ko ay wala sa Manila ang girlfriend niya!
"Tss. May tanong ka pa ba? Sige na at busy na ako." bigla ay paalam na nito sa akin porket nahuli ko siya sa kalokohan niya!
Sinasabi ko na nga ba at hindi siya seryoso sa pagkakaroon ng girlfriend. Nag-girlfriend lang siya dahil napasubo na siya sa sinabi niya sa amin noon!
"Wait! Lalaki naman ang naghatid sa akin, di ba?" pahabol kong tanong sa kanya.
"Of course! Kung gusto mong malaman kung sino ay si Gerard ang tawagan mo. Sige na pare, bye!" at tinapos na nga niya ang tawag. Tsk.
Itinuloy ko na ang gagawin ko para makababa na ako at makakain. Papasok pa ako sa opisina ko pagkatapos.
Pero bago ako tuluyang naligo ay tinext ko muna si Gerard para kumpirmahin ang sinabi ni William. Nagreply naman agad si Gerard at pinatotohanan nito ang sinabi ni William. Ihinatid daw ako ng bodyguard niya hanggang sa labas ng gate at nang makapasok ako ay umalis na rin daw agad ito. Ewan ko lang kung saan sumakay iyon paalis pero hindi ko na lang inisip. Diskarte na niya iyon.
Habang naliligo ako ay napatitig ako sa b***t ko. Something is really strange. and I feel strange! Para kasing magaan ang pakiramdam ko na para bang nilabasan ako? f**k!
Pero paano naman mangyayari iyon? Last week pa ako huling nakipagsex at bihira rin akong magmasturbate.
And if I m*********d last night while having that dream, eh di sana ay may katas ko ang brief ko, pero wala!
Maybe I will ask my maids if something else happened to me last night after I was taken home by Gerard's bodyguard.
Shit. Masama pa naman ang kutob ko sa ibang maids ko.
Pagkababa ko sa kusina ay nagtaka pa ako kung bakit wala doon si Sharina. Saka ko lang naalalang day off nga pala niya. Hayst.
"Fe, gising pa ba kayo pag-uwi ko kagabi?" Tanong ko sa isa sa mga kasambahay ko.
Tatlo silang naririto ngayon sa kusina, may nagluluto at ang isa ay mukhang kakagaling lang sa paglilinis sa labas.
"Good morning, Sir!" panabay na bati nilang tatlo na halatang nagulat sa biglang pagdating ko.
"Ah, eh, pasensiya na Sir, tulog na tulog na po ako kagabi." Nakangiti pero bahagyang yumuko na sagot sa akin ni Fe.
Tumingin ako sa dalawa pa at agad napaiwas ng tingin ang mga ito sa akin.
Tssk. Akala siguro nila ay hindi ko alam na madalas nila akong titigan nang pahilim.
I am good-looking, yeah no doubt about that. Kaya hindi na ako nagugulat kung napapatitig sa akin ang mga maid ko. Sa totoo lang ay marami na akong napaalis sa bahay ko dahil naiirita na ako kung minsan sa palaging pagtitig nila sa akin. So I just decided not to talk to them often kasi naaalibadbaran lang ako. Si Manang Terry lang talaga ang naging kasambahay ko na talagang tutok lang sa trabaho, kaso ay kinailangan na nitong magresign sa pagtatrabaho sa akin dahil sa health issues niya. Ang ipinalit naman niyang si Sharina.... Well, Sharina works well. She's pretty too and has a sexy body, I noticed. May pagkaweird nga lang siya ng kaunti para sa akin because even though she always smiles at me innocently, para bang ang dami niyang iniisip. I dont know, maybe I'm just assuming things. Still, mas tiwala pa ako kay Sharina dahil pamangkin siya ni Manang Terry kaysa sa ibang mga kasambahay ko na alam kong lihim na nagnanasa sa akin.
Aside from that, Sharina is too young for me. I'm way older than her at mukhang wala naman siyang interes sa akin.
"How about the two of you?" Tanong ko sa dalawa pang maids na sina Inta at Jen.
"Tulog na rin po ako noon, Sir." - Jen
"Ako rin po. Hindi na namin namalayan kung anong oras ka nakauwi, Sir." - Inta.
Saglit akong napatitig sa kanila. Itong si Inta ay nagbeautiful eyes pa sa akin! Akala mo naman ay walang asawa na gusto pang lumandi. Tsk.
Napairap tuloy ako dahil bigla akong naalibadbaran sa kanila nang tila kinikilig silang mapangiti sa akin.
"How about Shari— Nevermind. Umalis na ba siya?" pag-iiba ko ng usapan.
Most of the time, nagigising si Sharina kapag umuuwi ako ng bahay. It just means to me that she's really doing her job properly. She's always being attentive to me.
"Maaga po siyang umalis, Sir." Sagot naman ni Jen na nakangiti na ng ubod-tamis sa akin.
"Okay. Just prepare my breakfast and bring it to the dining table ASAP."
Tumalikod na rin ako kaagad sa kanila pagkasabi niyon. Narinig ko pa ang impit na tili nila. Tssk.
I'm the kind of man who is often snobbish and serious. Ewan ko ba kung bakit kinikilig pa rin sila sa akin kahit madalas akong suplado sa kanila. Maybe many women find that attitude challenging and attractive, not to mention I'm hot and undeniably handsome. Single din tapos mayaman pa. Tsk.
Ilang sandali akong naghintay sa dining table hanggang sa mai-serve na nila sa akin ang breakfast ko. There is coffee, bread, waffles, hotdogs, fried rice and omelet.
I tasted the coffee. It's fine, pwede na. Then I tried the omelet and oh my God it tasted so salty! Maybe they put too much seasonings in it! Pinagtyagaan ko na lang iyon at ipinalaman sa toasted bread together with the hotdog that's a bit overcooked. Haist.
Mas matagal na silang nagtatrabaho sa akin kaysa kay Sharina pero hindi nila makuha-kuha ang timpla ko!
I just hope this day would be over soon. I need my reliable maid.