Chapter 5 - Responsible Maid

1912 Words
(Sharina's POV) "Good morning Ma, Pa!" masaya kong bati sa mga magulang ko pagkarating ko rito sa may di kalakihan naming bahay. Day-off ko ngayon at napagpasyahan ko munang umuwi. Natikman ko naman na sa wakas si Sir Luke kagabi kaya lie low muna ako mamayang gabi. Pasalamat siya dahil pagpapahingahin ko siya sa pangmamanyak ko sa kanya! Pero oras na makabalik ako sa mansiyon ay susunggaban ko na talaga bawat pagkakataon. Lagot ka sa akin pagbalik ko, Sir Luke! Matitikman mo gabi-gabi ang subo ng isang sabik na babae! "Oh, himala at umuwi ka?" sarkastikong tanong ni Mama matapos kong humalik sa pisngi niya. Lumapit naman ako kay Papa at sa kanya naman ako humalik sa pisngi. "Akala ko ay wala ka nang balak umuwi. Aba, masyado ka na yatang nag-eenjoy sa pagiging katulong, Shasha." dugtong pa ni Mama na hindi ko alam kung natatawa o naiinis. Di na kasi maipaliwanag ang ekspresyon niya. "Huwag mo na munang sermunan. Kakauwi lang, eh. Oh, kumusta naman ang trabaho mo doon, anak? Mabait ba ang amo mo?" nakangiti namang tanong sa akin ni Papa matapos niya akong ipagtanggol kay Mama. "Ayos naman po, Pa. At opo, sobrang bait po talaga ni Sir Luke!" sagot ko naman na todo ang ngiti. Hindi lang mabait, masarap pa at sorbang gwapo! Yummy! "Yan, yan ang dahilan kaya ayaw nang umalis ng anak mo sa pagkakatulong doon. Kumekerengkeng na. Sabi mo 2 months ka lang magkakatulong habang bakasyon. Ano na ba ngayon? Mag aanim na buwan ka na sa trabahong iyon ah. Imbes na college ka na, tumigil ka pa." pasimpleng sermon ulit sa akin ni Mama. Napanguso tuloy ako at niyakap siya para lambingin. Siguro ay nami-miss lang niya ako. Hehe. "Mama naman... Eh pinag-iisipan ko pa nga po kung ano ang kursong gusto ko. Tsaka nag-iipon din po ako." paulit-ulit kong itinaas-baba ang mga kilay ko habang nakangiti kay Mama para ipaintindi ang side ko kahit alam ko sa sarili ko na hindi talaga iyon ang pinakadahilan kaya nag-stop muna ako sa pag-aaral ko. Secret ko lang ang pagiging malandi, siyempre! Baka kalbuhin pa ako ni Mama kapag nalaman niyang naging manyak ako bigla. "Isa pa, Ma, malayu-layo rin po itong Caloocan sa kamaynilaan kaya nakakatamad din pong magbyahe minsan. Isang araw lang naman po ang day-off ko. Kaya minsan gumagala na lang po ako." dagdag pagdadahilan ko pa. "Oh, iyon naman pala.. Oo nga naman, Trina. Mahirap talagang bumiyahe nang bumiyahe." Nakangiting sang-ayon sa akin ni Papa para hindi na ako sermunan ni Mama. "Kuhh... Siguraduhin mo lang Shasha na iyan talaga ang dahilan mo. Sabi pa naman ni Ate Terry ay ang gwapo-gwapo raw ng Amo mo. Oy, Shasha, wag na wag mong pag-iilusyunan ang Amo mo ha, iba ang buhay nilang mayayaman sa mga katulad nating mahihirap lang." bigla ay advice sa akin ni Mama. Napangiti na lang ako sa kanya. Naku Ma, huli ka na! Hindi lang ako nag-ilusyon, isinakatuparan ko pa! "Tsaka sabi ni Ate Terry matanda na raw iyon." Napanganga akong bigla. Matanda?! Grabe naman itong si Auntie Terry kung makasabing matanda na si Sir Luke! Para lampas ten years lang naman ang agwat ng edad niya sa edad ko. Hmp. KJ talaga iyon si Ante! Porket tumanda nang dalaga. Hihi. "Grabe naman Ma sa matanda... Nasa 30 pa lang naman si Sir Luke." Ngunguso-nguso kong saad. Kung sakali palang magkagustuhan kami ni Sir Luke ay mukhang magiging hadlang pa sa amin si Mama. Tsk tsk! Kung sakali lang naman! Eepal na naman kasi itong isang parte ng utak ko at sasabihing nag-iilusyon na naman ako. Kung sakali nga eh, kung sakali! "Oh, kita mo na yang anak mo, Sholo..." Baling ni Mama kay Papa na nanlalaki ang mga mata at tila may nadiskubreng isang pasabog! "Wag mong sabihing type mo nga ang amo, Shasha. Sinasabi ko sa iyo, ngayon pa lang ay tigil-tigilan mo na 'yan. Walang mangyayari sa'yo kapag pinursige mo yan. Masasaktan ka lang." pairap na paalala na naman sa akin ni Mama. "Mama naman... Sinasabi ko lang naman po na kung matanda na si Sir Luke sa edad na 30 plus, eh ano pa po kayo na malapit nang magsingkuwenta? Si Auntie Terry nga po, di ba magsi-senior na siya? Siya talaga iyong matanda!" dinaan ko na lang sa biro ang pagkakasabi ko niyon para mawala na sa isip ni Mama ang posibilidad na may gusto ako kay Sir Luke. Hindi nga ako nahuli ni Sir Luke sa pangmamanyak ko sa kanya tapos ay biglang papalayuin naman ako ni Mama at Auntie Terry sa kanya? Saklap! "Ay lintik na bata ka, halika ka rito!" Nagmamadaling lumapit sa akin si Mama para kurutin ako sa tagiliran pero nagmadali rin akong magtago sa likod ni Papa. Natatawa lang ako dahil alam kong nagbibiruan na lang kami ni Mama. Ganito kaming maglambingan, kunwari ay nagsasakitan. "Joke lang naman, Ma!" Sa huli ay naabot din ako ni Mama at kagat-labing kinurot ng bahagya ang isang hita ko. "Hala! Magbihis ka na muna sa kwarto mo at maghahanda ako ng pagkain mo. Kwentuhan mo kami ng Papa mo tungkol sa trabaho mo." maya-maya ay mahinahon at maaliwalas na ang mukhang sabi ni Mama. Napangiti na lang din ako sa kanya. "Sige po, Ma." Nagtungo na ako sa kuwarto ko at nagpalit ng kumportableng damit pambahay. Pinili ko ang isang maikling short at sleeveless. Kapag naririto ako ay hindi naman ako masyadong lumalabas. May munting sari-sari store kami na karugtong lang din nitong bahay namin at dahil nasa may labasan ang bahay namin ay medyo malakas din ang negosyong ito. Dati ay private driver si Papa ng isang mayamang pamilya. Pero nitong mga nakalipas na taon ay inaatake na siya ng arthritis niya. Si Mama naman ay dating namamasukan sa isang factory sa Laguna. Pero nang magsimulang makaramdam ng arthritis si Papa ay napagdesisyunan nilang tumigil na sa pagtatrabaho at magtayo na lang ng maliit na tindahan. Ginamit nila ang kaunting naipon nila para pangkapital sa pagpapagawa ng tindahan kasama na rin ang mga tinda namin dito. At sa awa ng Diyos ay naging matagumpay naman ito. Sakto rin kasing kailan lang nagsara ang sari-sari store malapit sa amin dahil lumipat na ang may-ari sa ibang lugar at ang nakabili ng bahay at lupa nila ay ipinarenovate naman ang bahay. At nitong nakaraang taon lang ay naging masasakitin na si Auntie Terry kaya naghanap siya ng pansamantalang papalit sa kanya na mapagkakatiwalaan niya. At dahil wala naman na kaming ibang kamag-anak dito sa Caloocan, at hindi rin naman mairecommend ni Auntie Terry ang mga kapitbahay naming kababaihan dahil medyo pihikan daw ang amo niya ay ako ang inirekomenda niya kahit pansamantala lang daw tutal ay bakasyon ko naman. Ang kaso, iyong super duper gwapo at super duper hunk na lalaking iyon pala ang amo ko! Eh di grab the opportunity na para makalandi! At totoo rin namang nag-iipon ako at pinag-iisipan ko ng maigi ang kukunin kong kurso. Para kasing gusto kong magtrabaho kay Sir Luke pagkagraduate ko, pero sa opisina na niya. Ehe. At least, baka sakaling may pag-asa na ako sa kanya. Oh, di ba? Kapag sa opisina na rin ako nagtatrabaho ay mas maaachieve ko na siya! Pero sa ngayon ay ang panggagapang ko muna sa kanya ang focus ko. Matapos makapagbihis ay lumabas na ako sa kwarto ko. Lampas isang buwan din yata akong hindi nakauwi kaya nakatikim kaagad ako ng sermon kay Mama. Naabutan ko sina Mama at Papa sa kusina. Mukhang gusto talaga nilang makarinig ng kuwento tungkol sa trabaho ko. "Ma, Pa, eto po pala, itabi niyo na lang po at gastusin kung may kailangan kayo." Inilapag ko sa mesa ang isang sobre na may lamang 30 thousand pesos. Iyon ang mga perang naitabi ko mula sa pagtatrabaho ko. "Aba, ano 'to? Bakit ibinibigay mo sa amin ang pera mo?" nagtataka at kunot-noong tanong ni Mama sabay hawak sa sobre na inilapag ko. Binuksan niya iyon pero hindi na pinagkaabalahang bilangin. "Iyan po ang ipon ko—" "Oo nga, pero bakit ibinibigay mo sa amin? Akala ko ba nag-iipon ka para sa pag-aaral mo? Eh bakit ipinapagastos mo sa amin? Tsaka wag kang mag-alala sa amin ng Papa mo dahil malakas naman itong tindahan natin. Tingnan mo nga at afford na natin na kumuha ng bantay. Kaya wag mo kaming alalahanin." itinulak sa akin mi Mama pabalik ang sobreng inilapag ko. Nang tingnan ko si Papa ay nakangiti ito sa akin at tumango. "Eh..." Napakamot ako sa ulo ko. "Pakitago na lang din muna, Ma. May panggastos pa naman ako dito." sabi ko sabay tulak muli ng sobre palapit sa kanya. Umupo na rin ako sa isang silya at nagsimulang lantakan ang mga pagkaing nakahanda sa mesa. Mga simpleng pagkain lang naman iyon pero kakaiba ang gana kong kumain ngayon. Siguro ay dahil marahil sa kasama ko sila. Kinuna na lang din ni Mama ang sobre pero ipinilit niyang sa akin iyon at itatago lang niya. Muli din naming pinag-usapan ang tungkol sa trabaho ko at ipinilit ni Mama na sa susunod na taon ng pasukan ay mag-aral na raw ako. Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango kahit sa loob ko ay hindi pa rin ako sigurado. Para kasing ayaw ko na talagang malayo kay Sir Luke! Gusto ko na lang siyang palaging pagsilbihan at gapangin! Maghapon lang akong nagbeauty rest sa day-off kong iyon! Kailangan ko ring makabawi ng tulog dahil madalas akong napupuyat kakaabang kay Sir Luke. Tsk. Landi pa more! Gapang at subo pa more! Tapos bukas ay gigising na naman ako ng madaling-araw para maaga akong makarating sa mansiyon. Ngayon pa nga lang ay miss ko na kaagad si Sir Luke! Kung gayumahin ko na lang kaya siya?! Kaso ay ayaw ko namang mahalin niya ako dahil lang sa gayuma. Tsaka baka may side effect pa iyon at magmukha siyang asong ulol kakahabol sa akin. Hays. Maaga akong natulog kinagabihan. Hindi ko man lang nakita si Aunte Terry dahil nasa amiga niya pala siya at nagbabakasyon daw. Kinabukasan ay excited at maaga akong nag-asikaso. At bago sumikat ang araw sa Silangan ay nakasakay na ako ng tricycle papunta sa sakayan ng bus na papuntang Metro Manila kung saan nandoon ang Mansiyon ni Sir Luke. *** "Good morning, Sir Luke!" Saglit na natigilan si Sir Luke matapos ko siyang batiin dito sa ibaba ng hagdan. Nakasuot na siya ng pang-opisina niya at mukhang paalis na siya. Sayang naman iyong mga inihanda kong breakfast kung hindi na siya mag-aalmusal! "You're back." Feeling ko ay natuwa siya pagkakita sa akin. Ewan ko lang, ha, pero iyon ang nabasa ko sa mukha niya. Hindi siya ngumiti sa akin pero pansin kong nagliwanag ang mukha niya. "Yes, Sir! I'm back." ulit ko sa sinabi niya sabay ngiti sa kanya. "Miss mo ko este ang luto ko, Sir?" Napangiti siya at napailing sa akin. Ayy, shet! Ngumiti siya sa'kin! Malalaglag ang panty ko, help! "Did you prepare my breakfast?" bigla ay seryoso niyang tanong. Kaagad naman akong tumango sa kanya at muling ngumiti ng tipid. "Oo naman po, Sir! Responsable yata ako sa trabaho ko kahit galing ako sa day off ko." "Alright. Maaga pa naman. I still have few more minutes to spare." anito at nagpatiuna na sa hapagkainan. Lalo lang lumapad ang ngiti ko dahil talagang paglalaanan pa niya ng oras na kainin ang inihanda ko kahit halata namang papasok na sana siya sa trabaho. Kinilig tuloy ako pati tìnggil ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD