Present Mido's POV HINDI AKO magkandaugaga sa pagmamaneho at kulang na lang ay paliparin ko na ang aking sasakyan sa kinalalagyan ni Quiniella. Sobrang saya ko nang nahanap na ito ng kaibigan ko. Apat na taon na punung-puno ng pagdurusa. Papunta ako ngayon sa Nayon Hospital dahil dito isinugod si Quiniella dahil hinimatay. Sobrang kaba ang nadarama ko ngayon. Nang nakarating ako sa hospital ay agad kong ipinarada ang aking sasakyan. Kahit medyo malayo-layo ang biyahe ay wala 'kong pakialam. Humahangos akong pumasok sa loob ng hospital at saka dumiretso sa nurse na nasa front desk para sabihin ang pangalan ni Quiniella ngunit nagtaka ako na wala. "Miss, ang hinahanap ko ay ang babaeng nahimatay. Nasaan na siya ngayon?" tanong ko. Naalala ko ang sinabi ng kaibigan ko sa 'kin. "Ay! A

