Quirara Third Person's POV SA ISANG BAYAN sa ibaba ng bangin ay may mag-asawang nakapulot sa katawan ng isang babae. Ilang mga buwan ang nakalipas at nasa pangangalaga nila ang dalaga. Masaya silang mag-asawa lalo na't sabik na sabik sila na magkaroon ng anak. Mas lalong nasiyahan sila na may maliit na anghel na dadagdag sa kanilang pamilya. "Kay gwapo-gwapo naman ng aming bunso," tuwang-tuwang turan ni Aling Maring habang karga-karga ang sanggol na lalaki. "Kawangis talaga niya si Quirara, Mahal ko." pagsang-ayon ni Mang Boyet sa asawa. Pinangalanan nila ang dalagang kanilang napulot ng Quirara dahil panay ang sambit na Qui-qui, ang pangit namang pakinggan kaya't naisipan nila na gano'n na lang ang tawag. Pagod na pagod si Quirara sa panganganak at ang komadrona naman na kanilang i

