New Third Person's POV "MIDO!" nag-aalalang sigaw ni Madam Natasha sa apo na si Mido na halos maglupasay dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita si Quiniella. Wala na ang mansyong puno ng kasiyahan dahil napalitan na ito ng lungkot at katahimikan. Namatay si Manang Patricia samantalang si Manong Lagmar nama'y inatake sa puso nang dahil do'n habang si Paula ay hindi na rin makausap nang maayos at panay lang ang pag-iyak. Nakaramdam ng awa si Madam Natasha sa nangyayari. Hindi na rin niya napigilang lumuha sa sobrang stress. "Apo, malalampasan natin ito pero may sasabihin pala 'ko sa 'yo at sana'y patawarin mo 'ko," sambit ni Madam Natasha. Napalingon naman si Mido habang hilam ng luha ang mukha. "Ano po 'yon, Lola?" Napabuntonghininga naman si Madam Natasha. "Si Quiniella ay

