Bullets and Lost Third Person's POV IKALIMANG ARAW na wala si Mido sa mansyon at sobrang sabik na sabik si Quiniella para rito. "Anak, miss na natin si Papa mo 'no? Iba talaga kapag nandito siya at kasama nating dalawa," aniya habang hinihimas ang kaniyang tiyan. "Quiniella, nand'yan si Ma'am Minerva. Aalis na rin ako kasi may ipinapabiling rekados si Nanay," pagtawag sa kaniya ni Paula. Tumango naman siya at saka siya nito inalalayang bumaba para makarating sa sala kung nasaan naghihintay si Ma'am Minerva na may ngiti sa labi. "Hello po!" masigla niyang bati at saka niyakap ito. Nagpaalam na rin si Paula sa kanila para makaalis para bilhin ang rekados na kulang. "Anak, nagluto kasi ako ng Kare-kare at napakarami kaya't napagpasiyahan kong dalhan ka. Ito kasi ang paborito ko no'ng

