Minerva Third Person's POV "ANO'NG PLANO?" tanong ni Bruce sa kaniyang asawa na si Malorie na paikot-ikot sa sala. "Hindi ko alam basta't kailangan kong makuha si Quiniella sa lalaking 'yon. Paniguradong magkakagulo ang lahat oras na magtagal pa ang bobitang 'yon sa mansyon ng mayamang lalaki. Mukhang may kakalaban na sa 'tin," sagot ni Malorie at bakas ang iritasyon sa kaniyang mukha. Napatayo naman ito mula sa kinauupuan. "Hindi ba kilala siya ng pamangkin mo? Ano kaya kung makipagsabwatan ka para naman may back-up tayo? Kailangan natin ng pera lalo na't dapat may mga tauhan tayo sa gagawin nating plano." Napatango naman siya. Balak nilang dalawa na ibenta sa isang matandang bilyonaryo si Quiniella dahil kailangan nilang mabawi ang kanilang mga nagamit na kayamanan mula sa pagkalu

