Bomba sa Valentines Quiniella's POV KINAKABAHAN AKO, hindi ko alam kung ano ba'ng gagawin ko. Nakakahiya kasi wala lalo na't wala 'kong regalo kay Mido. Pinaghandaan pa naman niya ito samantalang nakalimutan ko naman. Kinakabahan tuloy ako lalo na't wala pa naman kasi akong kamuwang-muwang dapat na ipinagdiriwang ang ganito. "Baby, ano'ng nangyayari sa 'yo d'yan?" tanong niya at saka marahang kinatok ang pintuan ng banyo. Halos magdadalawang oras na rin akong nasa loob. Napatingin ako sa 'king sarili at nakita ko sa repleksyon ko ang isang babaeng nakasuot ng maiksing damit na hinatak ko lang sa kabinet. Napabuntonghininga na lang ako at binuksan ang pintuan ng banyo at saka lumabas. Napakagat ako ng aking labi dahil nakita ko siyang halatang nagulat sa 'king itsura. Pinasadahan niya

