After Four Years... "Titow Rowser, I mit yow." sabi ni Jangjang sa Tito niyang si Rosser. Mula nang ipanganak ito si Jangjang---isang taon matapos ang kasal nina Jonas at Ice ay parati na nitong kausap ang Tito Rosser niya. Wala yatang araw na lilipas na hindi nito kausap si Rosser. Minsan pa nga ay umiiyak ito kapag hindi nito nakakausap ang tito niya. Pagkatapos ay magmamaktol. Iniisip tuloy ng mag-asawa kung ano ba ang ipinakain ni Rosser sa bata ay naging ganito ito sa kanya. "I love you more, Jangjang namin." nakangiting sagot naman ni Rosser sa cute na cute na bulilit na ito. Tuwang-tuwa siya rito lalo pa kapag kausap niya ito ay parang matanda kung magpaalala sa kanya. Magtatanong pa ito kung kumain na ba si Rosser o kung nakaligo na ito. At kapag sinabi nitong hindi pa ay ngun
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


