Naiiling si Ice sa nangyari. Bakit ba naman si Jonas ang inirekomenda na Lawyer niya. Kung alam niya lang ay hindi sana siya nagpakita rito. Pilit nga niyang iniiwasan ang lalaking ito ngunit tadhana na ang nagpipilit na magkita sila. Tadhana nga ba o nagkataon lang? Muli siyang nailing habang nagmamaneho ng sasakyan niya. Kahit saan pa tingnan ay mali kung tatanggapin niya ang serbisyo ni Jonas. Para na rin niyang ibiningit ang sarili niya sa kasalanan. Ganoong siya mismo ay hindi maiwasan ang tumitinding damdamin niya para kay Jonas. Mas mabuti na ang nag-iingat. Makailang beses na rin siyang nagkasala sa asawa at ayaw na niyang maulit pa ulit ito. Kahit pa nagawa ito ng asawa niya sa kanya ay hindi ibig sabihin na gagawin niya rin. Ang paulit-ulit na pagkikita nila ni Jonas ay maling

