"He's waiting for you at the cafe. Hindi ako makakasama." sabi ni Ross kay Ice. Nakontak na nito ang lawyer na sinabi ng kapatid nito kay Ice. At natuwa naman ito dahil tinanggap nito kaagad ang kaso ni Ice kahit hindi pa nito alam ang buong detalye. Hindi alam ni Ice kung bakit napagdesisyunan niyang ituloy ito. Marahil ay dahil napuno na siya. Pagod na siya at nais na niyang mawakasan ang paghihirap niya. Kaya naman nang malaman niya na okay sa lawyer ang kaso niya ay agad niya itong pina-contact kay Rosser. "Okay." sagot ni Ice sa matalik na kaibigan na si Rosser. Pagkababa ng telepono ay agad siyang nagligpit ng gamit saka tumungo sa cafe. Eksakto naman na dumating si Enrique sa opisina niya ilang minuto nang makaalis si Ice sa opisina nito. "Good morning, Mr. Valendiez." bati ni Jo

