Naihanda na ni Ice ang lahat ng gamit niya para sa business trip nila. At ngayon nga ang flight nila. Hinihintay na lamang niya si Rosser na dumating. Nasabihan naman niya ito sa daanan siya sa opisina niya. Eksaktong napatingin siya sa pintuan ng office niya nang may kumatok rito. Matapos ay iniluwal nito ang bulto ng kaibigan na si Rosser. Ngiting-ngiti pa ito at tila maganda ang mood. Pagpasok nito ay agad itong napatingin sa maleta niya. "Ready?" baling muli ni Rosser sa kaibigan nang makitang handa na ang maleta nito na nasa malapit sa pinto ng opisina ni Ice. Kasalukuyan namang nagliligpit si Ice ng gamit niya nang dumating ang binata. Nang matapos magligpit at ini-lock na niya amg drawer niya. Ngayon sila naka-schedule na umalis papuntang overseas para sa business trip. Matagal n

