Hindi nakatulog nang maayos si Ice kaiisip sa pag-uusapan nila ni Jonas. Hindi niya maintindihan ang sarili kung excited ba siya o kung ano ang nararamdaman niya. Parang kapipikit pa lamang niya pagkatapos ay humalik na sa balat niya ang liwanag ng sikat ng araw. Nais pa sana niyang matulog nang mawala na ang antok niya. Agad siyang bumangon at sinilip ang oras sa cellphone niya. Pasado alas-nuwebe na. Kaya naman pala maaraw na. Hindi naman mahapdi ang sinag ng araw dahil maayos ang lamig ng aircon niya. Nang pagbangon niya ay agad siyang nagtungo sa shower. Hinubad ang saplot at binuksan ang heater at shower. Sa unang patak ng tubig ay napapikit pa siya. Pagkatapos ay in-enjoy ang bawat sumunod na patak. Pakanta-kanta pa siya ng version ni Sarah Geronimo na "Can this be love." "Can thi

