Chapter 2 - Him

2347 Words
CF's She is gracefully moving her body slowly. The sultriness of the atmosphere hyped up her adrenaline specially that she can see that her audiences are enjoying her performance. She's flipping and bending herself like she's a piece of paper. Malaya niyang naipapakita sa pamamagitan ng pagsasayaw ang kanyang nararamdaman. Akala niya ay hindi na siya magkakaroon pa ng pagkakataon na maipakita ang pole dancing skills niya sa madla at mananatili na lang itong hidden talent. But thanks to her friends and supporters online because they are the reason why she's on stage right now, performing in front of everyone in solo. This is not her first time doing a pole dancing. But, it's her first time to show it publicly. Dati rati ay mga co-dancers at ilang malalapit na kaibigan lang niya ang nakakakita sa kanyang sumayaw gamit ang pole. Because before, she's afraid to get bombarded with harsh comments from the bashers. Hangga't maaari ay ayaw niyang may masabi sa kanya ang tao. Most specially him. Pero dahil na rin sa suporta ng kanyang mga kasamahan sa Versatile Moverz PH ay nagkaroon din siya sa wakas ng lakas ng loob para ipakita ang kaya pa niyang gawin aside from other genres of dancing. Marami ang nagsasabing she's a walking choreography daw dahil kaya niyang sayawin lahat. Freestyle! At doon siya labis na hinahangaan ng mga netizens. Hindi rin biro ang followers niya on social media dahil sa hindi maipagkakailang karisma niya sa tao. She's very beautiful and infact, she was once hailed as the most beautiful woman in Asia at palaging nasasali sa top 100 most beautiful woman in the world. Pinaka-magandang kulot sa balat ng lupa ika nga ng iba. Though hindi niya iyon napapansin sapagkat mas may pinagtutuunan siya ng atensiyon. And that's to win his heart. She continue dancing and swaying her hips seductively but in a finesse way. Yung tipong hindi mo pwedeng sabihing professional stripper lang siya dahil nagagawa niya iyon kundi dahil makikita talaga sa bawat indak ng kanyang katawan na hindi kabastos-bastos ang kanyang sinasayaw at talagang gustong-gusto niya ang kaniyang ginagawa. She did another breathtaking spin on the pole that makes people who's watching her shouting for her. Urging her to do more. And so she did. She climbed up to the pole once again and spin herself effortlessly like she was born doing that. The cheering of the crowd boost up her confidence while plunging herself in to the pole. She feels free everytime she's on stage and doing her passion. Kahit na nga ba tutol ang kanyang mga magulang sa kanyang propesyon. Kahit kailan ay hindi niya naramdamang proud sa kanya ang mga ito. They're living in the US kasama ang dalawa pa niyang nakakabatang kapatid at siya na lang ang naiwang mag-isa dito sa Pilipinas. She's independent since she turned eighteen. At kahit na kalahati ng kita niya sa VMPH ay napupunta sa chosen charities, ay kayang-kaya niya pa ring suntentuhan ang kanyang sarili through her verified social media accounts. Her IG and YouTube account are already under monetization. May natatanggap naman siyang sustento sa kanyang mga magulang every month but her pride never let her use her parent's money. Iniipon lang niya ang mga iyon sa bangko dahil gusto niyang ipakita sa kanyang mga magulang na kaya niyang magtagumpay sa sariling sikap sa pamamagitan ng pagsasayaw. "I'm telling you, Colette! Wala kang mapapala diyan sa pagsasayaw mo! Why don't you just help your dad in running our company. You're just wasting your life in the Philippines!" That was her mother's words and she will prove her wrong. She sacrificed herself once for the sake of their company and that's enough. Sarili na muna niyang pangarap ang kanyang iisipin sa ngayon. At gusto niyang patunayan sa kaniyang pamilya na hindi pag-aaksaya ng oras ang napili niyang propesyon. Ang pagsasayaw. She spinned herself one more time and landing on the floor doing a split. Hiyawan at palakpakan ng mga tao ang nakadagdag sa kyumpyansa niya sa sarili. She bowed her head and smiled to the people inside of The Club 2Gs tonight. Marami ang humihingi pa ng isang number but she intensionally planned an only one performance for this night. May mga susunod pa naman. Isa pa ay gusto niyang maagang magpahinga ngayon para naman fresh siya bukas. She grabbed her go pro and started talking to the camera. Kasalukuyan na siyang nasa dressing room. "Hey you, guys! I hope you enjoyed my performance back there. Please don't forget to hit like and leave your comments. I wanna know your reactions. And sa mga hindi pa nakakapag-subscribe sa channel ko. Subscribe na po kayo. Love you all guys." She checked the video if it's fine. "Okay na, Colette?" Her cameraman and editor James appeared in the room. "Yeah. Edit mo na para ma-upload na din mamaya." Nakangiti niyang tugon. Excited na siya sa magiging reaction ng kanyang viewers. Sana naman ay walang mag-comment ng mga bastos. Madalas din kasi siyang makatanggap ng mga ganoon dahil marami na siyang nagawang sexy dance cover. Mga manyak! Akala yata sa Youtube ay P*ornhub. Mga makikitid ang utak na hindi alam ang pinagkaiba ng professional na sayaw sa sayaw pokpok lang. "Consider it done, babe." James said and wink. Nasanay na siyang tinatawag nito sa ganoong endearment pero mas masarap pa din sa pandinig kung manggagaling ito kay... She sighed. "O. Lalim nun ah. Problem?" Untag ni James ng marinig ang buntung-hininga niya. "Nothing. I'm just tired." Sagot niya at tinungga ang tubig na laman ng kanyang tumbler. Kahit gusto niyang maglabas ng hinaing dito ay hindi maaari. James is her companion ever since she started vlogging ilang taon na rin ang nakakaraan. Pero never pa siyang nag-share dito ng kanyang private life. Including him. It's her deepest secret na walang pwedeng makaalam kung hindi ay mawawala ito sa kanya. "So hindi mo na papanuorin ang number ni Miss Margaux?" Si James ulit habang nag-uumpisa ng magligpit ng kanilang mga gamit. Si Margaux ang may ari ng The Club 2Gs at ka-business partner nito ang friend at co-dancer niyang si Stevie Doré kaya siya nagkaroon ng chance na makapag-perform sa naturang club. "Nah. May next time pa naman. Saka maaga rin ako sa Studio Nine bukas. Nakausap ko na din si Marj kanina. Nagpaalam na 'ko." Tomorrow is VMPH signing of contract na every two years nilang nire-renew. Sa ngayon ay nasa pang-anim na niyang taon sa grupo. At hanggang ngayon ay boom na boom at in demand pa rin sila sa mga tao. Mga professional dancers and choreographers kasi silang lahat. "Dumaan pala si Stevie dito kanina. Pinabibigay 'to. Congrats daw." Iniabot nito sa kanya ang isang paper bag ng mamahaling jewelry shop na sa abroad lang mayroon. Nanlaki ang kanyang mga mata ng mabuksan ang laman nito. It's the limited edition diamond earing na matagal na niyang gustong bilhin but she has no time to do it. Alam kasi ni Stevie iyon at hindi siya makapaniwalang hawak na niya ang pares ng diamond earrings. "Ay. Sana all." Biro ni James ng makita ang hikaw. "Well. We all know that Stevie girl. Sobrang galante." She immediately dialed Stevie's number to thank her but she didn't answer. Busy siguro sa boyfriend nitong Mayor. Tinext na lang niya ito at nagpasalamat sa regalo. "Okay lang ba kung hindi na kita masasamahang umuwi sa condo mo? Hindi pa kasi ako tapos mag-linis sa apartment ko. For sure masesermon na naman ako ni Mom 'pag naabutang marumi 'yon. But don't worry. Tatapusin ko namang i-edit ang content natin ngayon. Ako na rin ang mag-a-upload. Just tell me if you want some changes." "No. Wala na. Ikaw na ang bahala." Tiwala naman siyang magiging maayos ang kalalabasan ng kanilang vlog ngayon. "So pa'no. Una na 'ko." "Alright. See you." Pagkalabas ni James ay excited niyang isinuot ang hikaw na bigay ni Stevie. "Perfect!" Tuwang-tuwa niyang sabi habang sinisipat ang sarili sa salamin. Nakalimutan na niya tuloy na naka two piece pa rin siya na ginamit niya kanina. Kinuha niya ang robang inihanda ni James para sa kanya. Ito na rin kasi ang nagsisilbing PA niya. In other words, all around si James. Hindi sa nagtitipid siya sa pasahod. Mas gusto niyang kaunti lang ang taong nakapaligid sa kanya para na rin sa proteksiyon ng inaalagaan niyang lihim. Ang lihim na ilang taon na rin niyang itinatago. Ang lihim na bumago sa kanyang mga pananaw at prinsipyo. Ang lihim na nagturo sa kanya kung paano umibig ng totoo ng walang hinihintay na kapalit. Hinigpitan niya ang tali ng kanyang roba ng makarinig ng mga katok. She opened the door and she's shocked to see the man who knocked. And he's holding a bouquet! Pero hindi ito nag-iisa. Kasama nito ang mga nag-gugwapuhang DK members na imbitado ngayong gabi. But her focus is on her boss only. She can't believe that he's here. Napanuod nito ang performance niya! "S-sir Maverick. Good evening." Nahihiya niyang bati dito. Ito ang may-ari ng Studio Nine kung saan sila nakapirma ng kontrata. So technically, Bryce Maverick Gamboa is her boss. The ruthless handsome CEO of the largest operating TV network in the Philippines. Bryce cleared his throat and handed her the bouquet. "Congratulations for a wonderful performance, Miss Jones. You did pretty well back there." Hindi niya maiwasang kiligin dahil doon kahit na nga ba walang kangiti-ngiti ang binata. Well, wala naman ng bago doon dahil napakailap at napakamahal ng mga ngiti nito. "T-thank you, Sir. Mabuti nakapunta kayo." Saad niya at nginitian ang mga kasama nito sa likod. "Hi, Miss Colette. We've finally met. I'm Zzayden Greene. And congratulations. Sold out pala ang tickets for your act tonight." "Thanks, Sir Zzayden." "Ah. No. It's Zzayden. Wala ng sir." "Oh. Okay." Napangiti siyang lalo. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. Tumikhim naman muli ang boss niya. "They badly want to meet you that's why we're here." Seryoso sabi ng kaniyang boss na nag-isang linya na ang mga kilay. Ba't parang galit ka, Sir? Medyo disappointed siya sa sinabi nito. Akala niya pa naman ay bukal sa loob nito ang panuorin siya. Nun pala sinamahan lang ang mga kaibigan. "I'm Argel Quizon. Na-meet mo na 'ko before, right?" Ang doktor na may-ari ng Quizon Medical Center. "Yeah. I know you, Doc." Famous din kasi si Argel dahil pawang celebrities at bigating personalidad ang mga nagpapakonsulta at nagpapagamot sa QMC. Madalas niya ito makita dito sa club nina Margaux at dito niya ito na-meet. Natutuwa siya at pinag-aksayahan pa ng mga DK members na makipagkilala sa kanya. Si Argel na rin ang nagpakilala sa iba pang kasama ng mga ito. "This is Achilios Downey." Turo nito sa katabi ng boss niya. "Hi." Ngiting-ngiti sa kanya si Achilios at kumaway pa. "Beside him is Zzaylen Greene, brother of this pangit." Patuloy ng gwapong doktor. Umalma naman si Zzayden ng tawagin siyang pangit ni Argel. Na siyempre, alam nilang lahat na hindi totoo dahil wala kang itulak kabigin sa mga ito. Actually, lahat ng miyembro ng Dark Knights Riding Club ay gwapo. Bawal yata ang pangit doon eh. "And huwag kang magpapaniwala sa mga sasabihin sa'yo ng pangit na 'yan, Miss Colette. Delikado ang taong 'yan. I'm Darius Klatten pala. At your service." Singit naman ng pinsan ng may-ari ng DKRC. Sa totoo lang ay kilala niya na halos lahat ng DK member. Dahil lahat ng malapit sa boss niya ay kinikilala niya talaga. Nagpakilala pa ang ibang DK member at si Bryce ay nananatili pa ring seryoso lang sa isang tabi. Halata ring nababagot na ito at parang gusto ng umalis sa lugar na iyon. Panay na kasi ang tingin nito sa wristwatch na suot. Lumala pa ang pagkakasalubong ng kilay nito. "Ahm, guys. As much as I want to do chatting with you pero kailangan ko na kasing umuwi and magpahinga. Maaga pa 'ko sa S9 bukas eh. Okay lang ba?" Kahit nahihiya ay nilakasan niya ang loob na sabihin iyon. Kilala na niya si Bryce kapag ganoon na ang kinikilos nito. At ayaw niyang siya ang pagbuntunan na naman nito ng inis. Mabuti na lang at madaling kausap ng mga kasama nito at nagpaalam na rin. Ni hindi man lang sumulyap sa kanya ang boss niya bago umalis. Asa ka pa, girl. Malungkot niyang saad sa isip. Nagpasya siyang umuwi na rin matapos makapagbihis at maiayos ang kanyang mga gamit. Pagkarating niya sa underground parking lot kung nasaan ang kanyang white Cadillac CT5 ay nagulat siya sa taong naghihintay na nakasandal doon. Nagpalinga-linga muna siya sa paligid bago lumapit rito. "S-sir. You're still here." Halos pabulong niyang sabi dahil ang pamilyar na kalabog ng kanyang dibdib sa tuwing nakikita niya ito ay ramdam na ramdam na naman niya ngayon. Nakapamulsang nakasandal ang binata sa kanyang sasakyan at sobrang gwapo nito sa suot nitong white long sleeve shirt at maong na pantalon. Naka white rubber shoes din ito at talaga namang bagay na bagay dito ang suot nito ngayon. He has this perfect features that made her drool countless of times and his oozing s*x appeal that makes her knees wobbled everytime he's near to her just like now. And his intimidating aura that makes herself fall for him even more. Medyo weird pakinggan pero wala eh, tinamaan siya ng pana ni kupido eh. "We need to talk. Where's your key. I'll drive." Malamig nitong tugon. Marami pa sana siyang gustong itanong at sabihin dito ngunit katulad ng dati ay pinili na lamang niyang huwag magsalita hangga't hindi ito nagtatanong. Walang kibo na lamang niyang ibinigay dito ang susi ng kanyang sasakyan at hindi na siya umimik pa. Sanay na siya sa ganoon eh. Yung manahimik na lang dahil alam niyang hindi rin naman siya sasagutin ni Bryce. She didn't even bother to ask him where are they going because she already knows where. Ang tinatawag niyang safehouse. Doon sila pupunta ngayon. At kinakabahan siya sapagkat ngayon lamang sila ulit pupunta roon after two months. But at the same time, she's excited with the thought of being with him for this night.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD