Chapter 1 - Her

3065 Words
BM's "Dude, I'm telling you. You really need to get laid. Look at you. Ang layo pa ng biernes santo pero yung mukha mo pang semana santa na." Said his asshole of a friend Achilios Downey na bahagya nang namumungay ang mga mata dahil sa nainom. "Can you just leave me alone, you brute?" Iritado niyang wika dito. "Sige, ikaw bahala. But in case you change your mind--- "I won't. Leave." Matigas niyang sabi pagkatapos ay sinalinan muli ng alak ang kanyang baso at tinungga. Mukhang nakaintindi rin ang luko-luko niyang kaibigan at iiling-iling na lang na nilayasan siya. Napaka-babaero talaga ng isang ito. Sumama siyang mag-inuman sa mga ito sa bahay ng doktor na si Argel Quizon-- na kapit-bahay lang din ng bahay nila kaya wala siyang dahilan para tumanggi. DK member din ang nasabing doktor. Isa pa wala siyang maisip na gawin ngayong araw. He's bored and f****d up. He doesn't want to go at Studio Nine either and work his ass off there. The air in his office is suffocating and he just can hardly take the controversies that their family has that have been revolving around the news and internet. Hindi rin siya pwedeng magpunta sa DKRC dahil dalawang buwan siyang suspendido roon matapos niyang makipag-away sa kapwa din niya member na si William Alonzo-- turned out to be his biggest rival in Gabbrielle's heart. Dammit! Idagdag pa ang ilang patong-patong na kasong kinahaharap ngayon ng kaniyang senador na ama na si Arthuro Gamboa sapagkat napagbibintangan itong kasabwat ng isang corrupt na senador na si Jaime Gonzalez na sangkot rin sa mga mabibigat na ilegal na gawain na sa tindi ng kapit ay hindi makulong-kulong. Dahil doon ay maraming mga netizens ang humusga sa kaniyang ama at sa kanyang buong pamilya. Nadamay pa ang Studio Nine na gustong ipasara ng ilang kongresistang hindi kapartido ng kanyang ama. At kasalanan lahat iyon ng isa pang gago at traydor niyang kaibigan na si Steven Lo na isa palang FBI secret agent. Matagal na pala nitong iniimbestigahan ang pamilya niya, his father specifically, kaya ito pumasok bilang isang TV host sa Studio Nine. At ang pinaka-masaklap sa lahat, patuloy pa rin silang nakakatanggap ng mga death threatening notes na hindi nila sigurado kung galing ba sa kalaban sa pulitika ng kanyang ama o may iba pang gumagawa ng mga iyon. Hindi madali ang mga kinahaharap niyang problema at ng kanyang pamilya kaya hindi siya masisisi ng mga gago niyang kaibigan kung hindi talaga maipinta ang kanyang mukha ngayon. Nabulabog lang naman ang kanilang not so private life na siya niyang pinakaiiwasan sanang mangyari. May kapatid siyang babae at natatakot siyang pati ito ay madamay. Matigas pa naman ang ulo nito. Labas pa rin ng labas kahit nagkakagulo na. Pero kahit paano ay nagpapasalamat siya dahil marunong pa din itong sumunod sa kanya kapag nakikita nitong seryoso na ang sitwasyon. "Ey, guys. Take a look at this." Narinig niyang sabi ng isa pang babaero niyang kaibigan na si Zzayden Greene. Nakatalikod siya sa mga kaibigan at mag-isang umiinom sa bar counter. Wala siyang pakielam sa pinag-uusapan ng mga babaerong 'yon. Patuloy lang siya sa paglagok ng kanyang alak. Ang may-ari naman ng bahay na si Argel ay nagluluto sa kusina ng pupulutanin nila. That doctor has a talent in cooking. "O. Anong meron diyan?" Boses naman ni Achilios na halatang curious sa tono ng pananalita. "Woah! Whoah! Whoah! Tuloy na talaga next week 'yan? I'll go." Excited naman na sabi ni Darius Klatten. Pinsan ng presidente nila sa DKRC na si Mauricius Klyde Klatten. Halos Aqua Team pala ang kasama niya ngayon. Bakit nga naman hindi eh si Argel ang leader ng grupo nila. Siya naman ay sa 4-Wheel Team nakasama. He's into drag racing kasi. And his fascination of fast cars brought him to Dark Knights Riding Club bukod pa sa hilig niya na talagang magpatakbo ng mabilis dahil pakiramdam niya ay naiibsan noon ang kanyang mga frustrations sa buhay. "You should. We all should. I mean who's f*****g wanna miss this, right?" Masiglang boses ni Zzayden. Wala pa rin siyang kaideya-ideya sa pinag-uusapan ng mga ito. Kaya nanatili siyang walang pakielam. "Hey, BM." Tawag sa kanya ni Darius. He moved his head on his side to acknowledge him pero hindi niya ito nakikita. Tinatamad siyang umikot pa sa kinauupuan. "Sama ka sa'min, friday next week." Saad nito. "No thanks." Pagtanggi niya. Uunahin pa ba naman niya iyon-- whatever that is kaysa sa mga problema niya? "Oh come on, Mr. CEO. Minsan lang mangyayari 'to. You know Colette Jones, right? One of your talents in Studio Nine?" Giit pa muli nito at determinadong mapa-oo siya. Ngumiwi siya. Oo naman. Kilala niya lahat ng artista at talents ng kanilang istasyon. Specially her. "What about her?" He asked flatly. "She's about to showcase her pole dancing skills at The Club 2G's! Isn't that exciting?" Tugon naman nito. At kahit hindi niya ito nakikita ay sigurado siyang nagniningning na ang mga mata ng gago. "Yeah!" Halos sabay-sabay na koro ng iba pa nilang kasama. Mga excited din. Siya lang yata ang hindi at walang kainte-interes. Well, he can't blame these fucktards because that's Colette Jones. And she's hot. Flaming hot and very beautiful too. She's really good in dancing and everytime she performed in their entertainment TV programs she's in, matataas lagi ang nakukuha nilang ratings. Kaya marami-rami rin itong TV guestings, commercials and endorsements. Madalas din itong mapasama sa listahan ng most beautiful faces in the world kaya nga nabansagan itong "pinaka-magandang kulot sa balat ng lupa" ng mga netizens at kamakailan lang ay tinanghal rin itong sexiest woman ng isang kilalang men's magazine sa Pinas. Teka nga muna. Eh bakit parang pinupuri na niya ang babae? "Ano, sasama ka ba o sasama ka?" Pangungulit pa ni Zzayden sa kanya. "Ting'nan ko." Walang gana niyang sagot. Alam niyang hindi siya titigilan ng mga ito kung hindi siya sasagot ng maayos. "What kind of answer is that, huh, Mr. CEO? She's one of your talents and probably one of your asset too at Studio Nine. Can't you just give her a little support? I'm sure matutuwa 'yon to see you there." Zzayden again. See? Ang kukulit ng mga siraulo! "Yah. Support mo naman paminsan-minsan ang mga talents niyo. Remember, they're the major reason for your good profit." Singit pa ni Aaron Chui. An Aqua Team member also. "Oo nga." Hirit naman ng ilan bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Tsss. Nangonsensiya pa ang mga gago. Umikot na siya paharap sa mga ito. "Okay. I'll go. Happy?" Sarkastiko niyang saad sa mga kaibigan bago tumalikod muli. Nagpasalamat siyang hindi na siya ginulo pa ng mga ito pagkatapos niyang sumagot. Maya-maya ay sumalo na rin siya sa mga kaibigan nang maluto ang kanilang pulutan. Alangan naman kasing magsolo flight pa din siya sa bar habang nagkakasayahan ang mga gunggong. "Geeez. I can't wait to see how Colette Jones spread her creamy long legs on that stage and sway her hips seductively. Damn! I think I'm gonna have a freaking b***r by just thinking about it." Tila nangangarap na sabi ni Zzayden kapagkuwan. Agh! Zzayden and his kalibugan. Iiling-iling niyang saad sa isip. Paano ba niyang naging kaibigan ang isang 'to! Isa siyang respetadong may-ari ng pinakamalaking TV Network sa buong bansa at anak rin ng isang respetadong senador--- well, at least before the controversies happened. Dahil ngayon ay kanya-kanya pa yatang f*******: page ang bashers ng pamilya nila. "Maniac." Komento naman ng kapatid nitong si Zzaylen na isa ring doktor. Tahimik lang ito kumpara sa kapatid. At siyempre mas matino. "Hypocrite." Ganting pang-aasar naman ni Zzayden dito. "Hoy, mga Berde. Balita ko until next year lang ang membership niyo sa DK? Why is that? Afford niyo naman ang lifetime ah." Ani Xavier Kim sa magkapatid na siyang umiba sa takbo ng usapan. Bigla naman natahimik ang dalawa at parang mga na-tensiyon na nagtinginan. "Kung kapos naman kayo, I can pull some strings at ako na rin ang bahalang kumausap kay Klyde." Si Darius na halatang sineryoso ang usapan. Nagkaroon din siya ng interes at matamang nakinig. Kung pera lang usapan ay sigurado siyang mayroon nun ang mga Greene. Kaya siguradong kaya naman ng magkapatid na Zzayden at Zzaylen ang lifetime membership fee sa DKRC. "Nope. We're fine. But thanks, anyway." Sagot ni Zzaylen. Nakulangan siya sa sagot nito. "Well honestly, medyo hesitant talaga kami ng kapatid ko to join the club before kaya yun... temporary lang yung kinuha naming membership. But yah. We're good. So let's not talk about that." Dagdag ni Zzayden na naging seryoso na ang tono ng pananalita. Something's off. At sigurado siya don. "You sure?" Paninigurado pa ni Darius. "Definitely." Tugon muli ni Zzayden. They got him bloody curious. Kaya pinagsalit-salit niya ang tingin sa magkapatid na kakaiba ang pag-uusap ng mga mata. There is something going on at hindi niya matukoy kung ano 'yon. Ugh. Whatever that is, ay ayaw na niyang pakaisipin pa. Ipinagpatuloy na lang niya ang pag-inom at panaka-nakang pakikipag-usap sa mga kasama. At siyempre pa hindi pa rin mapuknat-puknat ang usapan ng mga isa't-kalahating malilibog niyang mga kaibigan tungkol sa natanggap nilang complimentary tickets mula sa The Club 2G's. Imbitado ang lahat ng DK members dahil pag-aari iyon ng girlfriend ni Mayor Juanczo Vergara na kanila namang VP for operations sa Dark Knights Riding Club. "At may bonus pa daw na performance from the co-owner." Masigla pa ring ani ni Zzayden sa gitna ng kanilang kwentuhan. "You mean Jazon Chan's wife?" Darius asked with his creased forehead. "A-huh." Tugon naman ulit ni Zzayden. Kilala niya kung sino ang pinag-uusapan ng mga ito. It's Margaux Sy. The one and only heiress of Asia Pacific Food Corp. At ka-tie up nila ang kompanya. "I thought she's not into singing on stage?" Sabad naman niya. Ilang beses na nilang inalok ng exclusive contract ang dalaga ngunit palagi itong tumatanggi dahil nga daw wala itong balak maging isang professional singer. Sobrang talented ni Margaux kaya naman palagi niya itong pinapakulit sa kanilang talent managers upang alukin ng kontrata sa kanila. "Maybe that's her way of coping from what happened. Hindi biro ang mawalan ng anak." Seryoso nang ani ni Zzayden. Tila may dumaang anghel naman at natahimik silang lahat sa sinabi nito at parang nagkasundo ang kanilang mga bibig na manahimik sandali. Nakalarawan sa mga mukha nilang lahat ang pakikisimpatya sa biglaang pagpanaw ng isang munting anghel. They knew the sad story between Jazon and Margaux. Maagang napagdaanan ng mag-asawa ang mabibigat na pagsubok na siyang dahilan kung bakit nagkahiwalay ang mga ito. Kapwa mga naging biktima ng pag-ibig. Mapakla siyang natawa sa isip. Katulad na lang nang nangyari sa kanyang mga magulang na naghiwalay na rin years ago. Kaya siya? Never siyang tutulad dito at sa pinsan nitong si Juanczo na ngayon ay in-love na inlove kay Stevielyne Alonzo na kasintahan nito. He'll make sure na si Gabbrielle na ang huling babaeng pinag-tuunan niya ng pansin. At ayaw na niyang subukan ulit. Tama na ang isang kabiguan. Sakit lang sa ulo ang love na 'yan. He said to himself and drink another shot of JD. KINABUKASAN ay late ng pumasok sa opisina si Bryce dahil sa hang over. Pagkabukas niya ng pinto ng kanyang opisina ay bigla rin niya iyong isinara ng pabalang at masamang tinignan ang kanyang sekretarya. Mas lalo yatang sumakit ang ulo niya sa naabutang tao na naghihintay sa kanya roon. "Anong ginagawa ng taong 'yon sa loob ng office ko?" Singhal niya kay Sarah. Di hamak na mas matanda ito sa kanya at kabastusan kung tutuusin na sigaw-sigawan niya ito pero nag-init talaga ng husto ang kanyang ulo ng makita si Steven sa loob. Mukhang hindi naman natakot si Sarah. Malumanay pa itong ngumiti at sumagot. Marahil ay sanay na sa kanyang ugali. Matagal-tagal na rin kasi itong nagtatrabaho sa Studio Nine. Si Sarah din ang sekretarya ng kanyang ama noong ito pa ang kasalukuyang nag-ma-manage sa network. "Nagmakaawa siyang papasukin ko. Muntikan pa ngang lumuhod pinigil ko lang. Please spare that poor guy some time to at least explain himself. I can feel he's sincerely sorry for what happened." Sarah said softly. Bahagya naman lumambot ang kanyang facial expression dahil sa malumanay na tinig ni Sarah. Naging malapit na ito sa kanilang pamilya at para na rin siyang anak kung ituring nito-- na hindi niya kailanman naramdaman sa sariling ina. Alam rin nito ang lahat ng nangyayari. He uttered a silent curse before going inside his office. "Bryce, pare." Agad na tumayo si Steven mula sa visitor's chair. Hindi niya ito pinansin at kuyom ang mga kamaong lumapit siya rito. Isang malakas na suntok ang pinadapo niya sa mukha ng lalaki. "Ang kapal ng mukha mong tawagin akong pare, traydor ka!" Sigaw niya at muling inundayan ito ng malakas na suntok. Nabwisit pa siya lalo nang mukhang hindi man lang nito iniinda ang mga suntok niya. "Masaya ka na ba sa nangyayari sa pamilya ko ha!? 'Yun ba? 'Yun ba ang gusto niyo at ng put*ang-in*ang FBI na 'yan!?" Gigil na gigil niyang sigaw at hinablot pa ito sa kuwelyo. Doon naman pumasok si Sarah na marahil narinig ang kumosiyon sa loob ng kaniyang opisina. "Jesus Christ!" Nagmamadali itong lumapit sa kanila. "Let go of him, anak! Huwag mong daanin sa galit ang lahat! Mag-usap kayo ng maayos, parang awa niyo na." Pakiusap nito. "Bryce Maverick!" May pagbabanta sa tinig nito nang hindi pa rin niya binibitawan si Steven. Duguan na rin ang labi ng lalaki. Pabalabag naman niyang binitiwan si Steven na nasadlak sa office table niya. "Stay out of this, Sarah. Go back to your work." Mariin niyang utos habang humihingal. Namumula na rin siya sa sobrang galit. "No! Hindi kita hahayaang manakit ng tao! And I'm warning you, Bryce Maverick. Makakarating talaga ito kay Arthuro kapag hindi kayo nag-usap ng maayos." Matigas nitong banta. Ayaw patalo. Sa narinig ay pinilit niyang huminahon. T*ang'na! That's not fair! Hindi ito pwedeng malaman ng ama niya. He then gave Steven a death glare before he sat on his swivel chair. Pagkaupo ay hinilot niya ang sintido dahil masakit na pumintig iyon pagkaupo niya. "Now talk, Mr. Steven Lo. Andito lang ako hangga't hindi kayo natatapos mag-usap." Kausap ni Sarah sa lalaki ngunit sa kanya nakatingin. Binigyan na rin nito ng tissue si Steven para punasan ang putok na labi. He made face when he said thank you to Sarah. Tsss. Plastic! "Look,par-- Sir Maverick. Sinunod ko lang kung ano ang iniatang sa'kin na misyon ng FBI. And believe it or not, kahit ako hindi ako naniniwalang kayang gawin iyon ni Senator." Panimula ni Steven. Mabuti na lang at maaga niyang natuklasan ang ginagawa nitong pag-iimbestiga sa kanila. Hindi kasi nito sinasadyang maiwan sa conference room nila sa DKRC ang flash drive na naglalaman ng daily reports nito patungkol sa imbestigasyon na ginagawa and he accidentally got it. Akala niya ay kung ano lang ang laman ng flash drive na iyon pero dahil kasama niya ang magkapatid na Greene that time, pinakielaman ni Zzayden iyon at doon nga nila natuklasan ang lahat. Kinompronta niya ito agad-agad at doon din ito umamin sa kanya na isa nga itong secret agent na padala ng FBI. Hindi lang niya itong nagawang saktan noon dahil nasa loob pa sila ng conference room at may CCTV roon. Ayaw niyang masuspinde. Pero hindi naman niya inaasahan na paglabas niya ay makikita niyang umiiyak si Gabbrielle ng dahil kay William Alonzo. Agad na umakyat ang dugo sa kanyang ulo at sinugod ang lalaki. Nagkasuntukan silang dalawa kaya nasuspinde sila ni William dahil kasama sa DK Rule ang never make an enemy with the members at malinaw na sila ay lumabag. Malas pa nila at nasaksihan lahat iyon ng bise presidente nila na si Juanczo. "May nabasa ka 'bang masama doon sa report na ginawa ko? Nothing, right? Pero hindi ko pwedeng basta-basta na lang sabihin sa mga superiors ko na wala siyang kinalaman at inosente siyang tao. I need to gather more proofs." Patuloy nito. "And what are you implying, huh? Well if you think you can justify that by your lame reasons, then you're absolutely wrong and flash news, I am absolutely not buying it! And how would you explain the leaked information na nagkalat na sa media ngayon?" Malakas at pasarkastiko niyang singhal. Marahas din niyang pinukpok ang tempered glass table ng kanyang kanang kamao. "Bryce Maverick Gamboa!" Sita sa kanya ni Sarah. Pinanlalakihan pa siya ng mata. "Please patapusin mo muna siya. Makinig ka muna bago ka sumagot." "Thanks, Sarah." Pasalamat muli nito sa sekretarya niya. Sometimes he's thinking where the hell Sarah get the audacity to boss him around. At hindi naman niya alam sa sarili niya kung bakit napapasunod siya nito. Kung hindi rin siya nagkakamali ay isa ito sa pinagselosan ng kanyang ina noon. Steven cleared his throat before continuing his lame explanations. "As I said, I need concrete evidence to prove your father's innocence at hindi iyon ganoon kadali katulad ng iniisip mo. And I'm sorry for the leaked informations that caused you troubles. I tried telling them about it but they wouldn't believe me without proper evidence. So please, Sir, allow me to continue the investigation to prove our point to my superiors. Isa pa, Sir. Nakatutok din ang US President sa kasong ito kaya mas lalo akong nahihirapang magpaliwanag sa kanila. But I will do everything para mas mapabilis ang imbestigasyon ko. Ipinapangako ko." Sinserong pahayag ni Steven. Saglit siyang nawalan ng imik at nag-isip ng malalim. Though he hates to admit, he can feel Steven's sincerity through his words. "Did you think I am stupefied to believe in your words and promises that easily? Lemme tell you what, secret agent. Hindi ako nakukuha at nadadaan sa mga pangako." Mahinahon na niyang tugon. Tila nahismasmasan ang kanyang mga kasama. "I won't make a promise that I can't keep, Sir. Gagawin ko din ang lahat para makabawi ako sa inyo. Sa buong pamilya niyo." Belib din siya sa pagpapakumbaba ng isang 'to. He got his point now. Kung tutuusin nga naman ay wala naman itong kasalanan. Sumunod lamang ito sa ipinag-uutos dito. Sana lang ay tuparin nito ang pangako. A/N - may sariling story po sina Jazon at Margaux entitled Victims Of Love. Pati rin sina Juanczo Vergara at Stevielyne Alonzo na pinamagatan namang The Mayor. Completed po parehas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD