MORE THAN YEAR AGO... Hindi na alam ni Andrew kung gaano na ba kadaming alak ang naiinom niya basta salin lang siya ng salin sa hawak na baso. Nandito lang siya sa veranda ng kwarto niya at nagpapaka-emo dahil sa iniwan na naman siya ng babae. Nung una iniwan siya ni Dawn dahil mas pinili nitong magaral sa abroad. Pangalawa iniwan naman siya ni Kim para magpagamot sa abroad. "Tanginang abroad yan!" Muli niyang ininom ang alak at wala na siyang pakialam kahit pa magpakalunod na siya dito. Sasamahan naman siya sana si Kim e. Sabay silang makikipaglaban kay kamatayan pero bakit mas pinili ng babaeng iwan siya? Bakit mas ginusto ni Kim na saktan siya? Dati nung panahong iniwan siya ni Dawn, hindi niya na alam ang gagawin niya. Sobrang sakit para sakaniya 'yon at umabot pa siya

