"Bes anong maganda sa dalawa? Itong dark blue, itong apricot or itong green?" Pinakita ni Kim kay Camille ang hawak na dalawang sapatos. Namimili kasi sila ngayon ng sapatos na gagamitin niya para sa 'bridal shower' niya mamayang gabi. Hindi naman mapigilang mapangiti ni Kim sa tuwing maaalala niyang magiging Mrs. Perez na siya very soon. Tinignan niya ang best friend niya at nakatulala lang ito habang hawak hawak ang isang kahon ng sapatos. "Huy." Untag niya pa sa best friend. Nagulat pa ito at napakurap kurap. "Ayos ka lang ba? May problema ka ba ha?" Pagaalala niya. First time kasing mawala sa sarili ang dalaga. Kaya hindi niya maiwasang magalala. "Sorry Bes. Ano nga ulit 'yon?" Napailing na lang siya at binaba ang dalawang sapatos na hawak at hinawakan sa magkabilang balika
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


