"Mga hangal!" sigaw ni Haring Ezekiel at saka n’ya winasiwas ang hawak na espada sa lalaking nasa gitna. Kan'ya naman ito pinugutan ng ulo. Nakahinga siya nang maluwag nang paslangin ang lalaki. Ako'y nabigla sa aking nasaksihan at napahawak sa bibig, pinipigilan na 'wag kumawala ang aking sigaw. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkagalit, tunay siyang nakakatakot. Muntikan ko na mawaglit sa aking isipan na isa s'yang mamamatay tayo. Masyado ako naaliw sa pinapakitang kabaitan niya. "Sa tingin ko naman ay wala na manghahangas pang salungatin ako," inis na wika niya. "Sa oras na may marinig ako tungkol dito, mas malala pa ang gagawin ko sa mga pesteng katulad n’yan." Nanggigigil at tinuro ang lalaking nakahandusay. "Heneral Osis, isabit mo sa tapat ng palasyo ang kan'yang ulo. Magsis

