KABANATA XXIII: PAG-AMIN

1649 Words

“Huwag ka na magsalita pa,” nakangiti kong tugon. Saka ko s'ya binitawan. "Sa tingin ko, nagkakamali ka ng iniisip," mabilis niyang usap. Hinabol niya ang aking kamay at marahal n'ya hinalikan ang aking pulso. Binigyan niya ako ng mariin ngunit nakakapang-akit na titig. "Hindi agad ako nakasagot sapagkat maraming dahilan ang pumapasok sa aking isipan. Iniisip ko rin kung saan ako magsisimulang ipahayag sa iyo kung gaano kita kamahal. May mga alaala pa ngang bumabalik sa aking isipan no'ng napagtanto ko na mahal ko na ang babaeng nasa harapan ko," masaya niyang paliwanag. Ako'y bahagyang napaatras sa kadahilanang muli na naman niya pinalambot ang aking puso. "Inaamin ko na noong una kita nakita, ang iyong pisikal na anyo ang una ko nagustuhan. Ngunit nang lumaon at nang akin kitang lubos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD