KABANATA XXV: MAPANIBUGHO

2071 Words

Kami ngayon ay naglalakad sa mahabang pasilyo. Sa ngayon, hindi ko alam kung saan kami patungo. Napatingin naman ako sa aking kamay at nakaramdam ng kaba nang makitang hawak-hawak niya ito. "Kamahalan, saan ba tayo pupunta? Doon ba ulit tayo mamamasyal sa ating hardin?" malumanay kong tanong. Napansin ko ang biglaang paghinto niya. Ako ay kaniyang tiningnan at aking nakita ang kan'yang pagkagulat. Hindi ko maunawaan kung bakit s'ya ganiyan. Sumagi tuloy sa aking isipan na kung may nasabi ba akong masama o baka naman may kakaiba sa aking mukha. May dumi ba ang mukha ko? Hindi rin nagtagal ay nakita ko muli ang kan'yang ngiti. Nilapitan niya ako at hinalikan ang kanang pulsuhan ko. "Gusto mo ba tayo mamasyal sa ating hardin?" Pandidiin niya sa salitang 'ating.' Nang dahil diyan ay natuko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD