Ruined happiness
"New Life, New Blessing."
"Mrs. De Guzman, Congratulations!
Your 5 weeks pregnant,"
yun ang mga salitang lumabas mula sa bibig ni Doc Lavara.
Tila na bingi ako sa mga sinabi ni Doc Lavara, halos malunod ang puso ko dahil sa sobrang saya, ramdam ko ang puso ko, ang bilis ng t***k nito na animoy anumang oras ay lalabas na mula sa dibdib sa aking dibdib, namilog ang mata ko sa tuwa, namuo pa sa gilid nito ang ilang patak ng luha,
"Tears of joy."
totoo nga ang sabi ni lola noong nabubuhay pa siya,
"may pagkakataong maiiyak ka sa sobrang saya."
Halos mapunit ang labi ko sa sobrang lapad ng aking pagngiti walang mapaglayan ang saya sa puso ko ngayon, sa wakas.
"Talaga doc? What a good news," sagot ko na animoy jumackpot ako sa lotto.
"Pero kailangan mong mag bed rest,
masyadong mahina ang kapit ni baby, i advice you na mag bedrest ka ng 1 month kung ayaw mong mawala ang baby mo, reresetahan kita ng vitamins at pampakapit, if ever mag bleeding or spotting ka call me and please go to the nearest hospital."
Mula sa napakasayang mood ko kanina ay bigla akong naka dama ng kaba sa aking dibdib, tila ng lumo ako sa narinig at nag alala para sa kalagayan ng baby ko, marami pang sinabing advice si Doc Lavara, mga do's and don'ts at lahat ng iyon ay pinakinggan at isinaisip kong maigi, its for my own good, our own good.
Pagka labas ko sa clinic ni Doc Lavara ay pumunta agad ako sa pinakamalapit na botikang nakita ko at binili ang mga inireseta niya para sa aming dalawa ni baby, dapat ay hindi ako pumalya sa pag inom sa mga vitamins ko dahil ang anak ko ang kawawa, "i can't afford to lose my baby, baka ikabaliw ko na iyon kapag nangyari." Im sure matutuwa so Vino kapag nalaman niyang magkaka anak na kami, ilang buwan din naming hinintay ito.
Palinga linga pa ako sa magkabilang gilid ng daan, dapat sana ay pupunta akong mall ngayon after my check up para magliwaliw pero hindi na ako tutuloy dahil pinagbawalan akong ni Doc Lavara na mag pagod, kaya pass muna ako sa gala, muli kong naalala ang pagkatakam ko kanina sa peach mango pie kaya napangiwi nalang ako dahil sa katotohanan na hindi na ako makakadaan ng mall ,
pasakay na sana ako sa taxi na pinara ko ng mapalingun ako sa aking kanan
ganun nalang ang laki ng ngiti ko ng makita ko c Jollibee buti na lang malapit ka dito, sinabihan ko ang driver ng pinara kong taxi na mag dadrive thru muna ako sa jollibee bago ako ihatid sa bahay.
Im sure matutuwa c vino kapag nalaman niyang magkakababy nakami, kaso hindi na ako makakapasok paulit sa trabaho mukhang tuloy tuloy na tung leave ko sa pagreresign im sure, isa to sa pag aawayan naming mag asawa kapag di ako ng resign sa trabaho lalo pat maselan ang pagbubuntis ko.
Dali dali akong bumaba sa taxi nang pumarada ito sa labas ng gate ng bahay namin, pagkatapos kong mag bayad sa driver .
Pakuwan ay binuksan ko ang pinto at pumasok agad ako sa loob ng bahay, deretso kong tinungo ang aming kwarto upang mag shower at magpalit ng damit, masyadong mainit at malagkit ang pakiramdam ko kaya naisipan ko munang magbihis upang masarap sa pakiramdam mamaya kapag ako ay nagpahinga, matapos kong mag bihis ay nag punta ako sa sala, ang boring naman, na upo ako sa sofa ng sala inilapag ko sa lamesita ang dala kong take out kanina, manonood ako ng tv habang kumakain.
Huminga ako ng malalim, nakadama ako ng pagod, inabot ko ang peach mango pie at pagkuwan ay mabilis ko itong kinagatan,
"Hmmmmm" bulalas ko ng malasahan ang peach mango pie na kanina ko pa iniimagine kainin,
habang nanonood ako ng tv ay sarap na sarap naman akong nginunguya ang peach mango pie ko, ng maubos ko na ito, ay naka dama ako na parang gusto kong umihi, tumayo ako mula sa sofa at nag mamadali ang mga hakbang ko sa pagpunta sa banyo.
Ng nasa may kusina na ako biglang sumakit ang puson ko, hindi ko alam kung bakit, namilipit ako sa sakit ng puson nag aalala ako sa baby ko at binalot ng kaba ang aking dibdib, tila pinagpawisan ako ng malamig sa sobrang sakit nito, halos magiba ang chest bone ko sa bilis ng t***k ng puso ko dahil sa sibrang kaba.
"No, please baby, kumapit ka lang anak."
huminga ako ng malalim upang maging kalmado, hindi ako pwedeng mataranta ngayon lalo pa at ako lang magisa dito sa bahay, dahan dahan akong bumalik sa sala naupo ulit ako sa sofa, para kunin ang cellphone sa bag ko, hindi pa rin humuhupa ang bilis ng t***k ng puso ko, maging ang matinding kirot sa aking puson ay namunutawi sa buo kung katawan, nanginginig ang kamay ko habang hawak ang cellphone ko para sana tawagan si Vino, ng makita ko ang number niya ay agad kong pinindot ang call button upang matawagan ang number ni Vino, tawag ako ng tawag sa kanya pero di niya sina sagot naka ilang dail pa ako pero wala talaga panay lang ang pag ring nito ,
" We need you now, please Vino."
nanghihinang bulong ko sa aking sarili na tila nawawalan na ng pag asa, tumulo ang luha sa aking mga mata napaiyak na ako sa sakit at sobrang kaba.
"Please vino sagutin mo " muli kong sambit sa pangalan niya
Hindi ko alam, hindi ko na nabilang, kung ilang beses akong tumawag sa kanya, sa kasamaang palad ay hindi niya sinasagot ang mga tawag ko, tuluyan akong nawalan ng pag asa ky vino, mukhang hindi niya ako matutulungan.
ikinalma ko ang sarili ko upang hindi ma taranta, takot na takot man ay nakapag desisyon kung tingnan ang underwear ko, para kasing basa ito baka na ihi ako sa sakit, mas nangamba ako ng makita na puno na ito ng dugo ngayon, hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin nanginginig ang katawan ko, at konti na lang ay hindi ko na ata maimumulat ang mga mata ko, pero kailangan kong lumaban. Hindi ko kayang tanggapin kung ano man ang masamang maaaring mangyari sa amin.
"Lord wag mo kaming pabayaan."
Dahil sa kahit anong gawin ko ay ayaw sumagot ni Vino, hawak ang aking cellphone sa nanginginig ang kamay ay dinail ko ang number ng kaibigan ko sa kalapit na bahay c Sheila pero sa kasamaang palad ay wala ding sumagot sa tawag ko, mas lalo akong nawalan ng pag-asa na may tutulong sa akin,
tinext ko nalamang si Sheila nag babakasakali na mabasa niya iyon at matulungan ako ngayon,
To Sheila:
She emergency plz help me , sa bahay.
Isend it 3 times kahit sino basta may tumulong sa akin, pagkatapos kong maitext c shiela ay tumayo ako at dahan dahan ang lakad ko pa punta sa cr sa bawat pag hakbang ko ay nandoon ang kaba sa aking dibdib na, napayuko ako at napatingin sa aking hita ng may naramdaman akong biglang may tumulo likido mula doon ng makita ko ito ay doon ako nagsimulang mataranta, dugo iyon, maraming dugo, mas lalo akong nan lamig hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin, sa sobrang taranta ko ay bigla akong na dulas napasalampak ako sa malamig na sahig, malakas ang pag kakahampas ng aking balakang at tumama pa ang ulo ko sa sahig , wala akong ibang naramdaman kundi ang sakit ng ulo ko at ng puson kong tili hindi ko maintindihan, hindi ko na yata kakayanin, "A-anak, please help us Lord." bulong ko sa aking isipan
"Jah! Oh my God Jah!"
May boses pa akong narinig na tila gulat na napasigaw ng makita akong nakahandusay sa sahig bago tuluyang nagdilim ang aking paningin at nawalan ako ng malay.
- Vino-
Tango lang ang sinagot ko ng sabihin ni Lea na sa ibang lugar nalang kami mag usap, ayoko rin kasing may makakita sa aming kakilala ko at isiping pinagtataksilan ko ang aking asawa.
Ngunit, masama ang kutob ko ngayon, nandito kasi kami ngayon sa condo niya, dito pala siya ng prepare ng hapunan namin, sa tingin ko ay pinlano niya na talaga itong gawin, ang Cafe kanina ay palusot lang niya upang madala niya ako dito.
Mas na stress tuloy ako ngayon gusto ko ng umuwi nalang, at bahala na siya sa buhay niya .
6 pm palang ng tingnan ko ang relos ko
hindi na ako nakapagpigil kaya nagsalita na ako,
"What are you doing Lea? You already know na may asawa na ako ang gusto ko lang ay closure na sinasabi mo." prangka kong anas sa kanya
"What are you talking about? Gusto ko lng naman ay mag dinner muna tayo, stop being rude Vino, para naman tayong walang pinagsamahan." sagot niya sa akin
"siguraduhin mo lang i love my wife so much at ayokong maging dahilan ang kunsino ng away namin."
"okay, so friends ?" at nilahad niya ang kamay niya, mukha namang nagsasabi siya nang totoo kaya tinanggap ko ito at nakipagkamay doon.
"Friends." sagot ko na tiila nakahinga ako ng maluwag dahil doon.
"Kain muna tayo bago ka umalis please " offer niya tatanggi pa sana ako pero panay ang pag alok niya kaya pumayag na lamang ako para matapos na ito at maka uwi na agad ako sa asawa ko.
Habang kumakain kami ay okay naman ang pag uusap namin, nag kwento lang siya tungkol sa experience niya noong nagpunta siya ng Manila, halos tango lang din ang ginawa ko dahil hindi naman talaga ako interesado sa kanya ngayon, wala na akong makapang kahit anong bahid ng atraksyon sa kanya ngayon, isang kaibigan nalang talaga ang turing ko sa kanya.
Pork steak lang naman ang prinipara niya para sa hapunan at pineapple juice ilang minuto pa ang lumipas ng biglang umikot ang paningin ko, hindi ko maintindihan kung bakit tila ang bigat ng mga talukap ng mata ko na kahit anong gawin kong pagpigil upang hindi makatulog ay di ko magawa, doon ko napagtanto ang kalokohan ng babae sa harapan ko.
"A-anong ginawa mo Lea!? " hirap at galit kong saad.
"Nalintikan na!" sambit ng isip ko bago tuluyang mag dilim ang paningin ko.
Masakit ang ulo kong ng naalimpungatan ako sa tila may humahalik sa labi ko, ng idilat ko ang mata ko ay nakita ko si Lea na walang anumang saplot sa katawan, hubot hubad siya na humahalik sa aking katawan maging ako man ay wala na rin suot na damit pinigilan kong wag magpadala sa tukso ng kanyang halik, bago pa tulayan mag init ang katawan ko at tuluyang mawala sa sarili, hirap man ay buong lakas ko siyang itinulak, dahilan kung bakit siya muntik na mahulog sa kama dali dali akong bumangon, tumayo ako mula sa kama pinulot ko ang aking mga damit na nakakalat sa sahig at isinuot agad ang mga iyon.
"Nababaliw ka na bang babae ka? Mahal ko ang asawa ko Lea!"galit na galit na bulyaw ko sa kanya mabilis siyang tumayo at niyakap ako ng mahigpit.
"Vino ako nalang, Vino please ako nalang ulit ang mahalin mo, masaya naman tayo dati nung tayo pa diba, masaya tayo noon ,nung wala ang asawa mo, nung tayo pang dalawa."
"Dati yun noong hindi ka umalis Lea, pero diba nga mas pinili mong umalis at iwan ako, ngayon wala na akong nararamdaman sa iyo kahit kaunti, ang mahal na mahal ko ngayon ay si Jah lang at wala ng iba, ang asawa ko, at kahit kailan hindi mo siya mapapantayan dito sa puso ko, I don't want to see your face again, at sana kahit kailan ay hindi na muling mag krus ang landas natin."
Sabay pag kalas ko ng kamay niyang nakayakap sa aking katawan ay
dali dali akong Lumabas sa condo niya pabagsak kong isinara ang pinto nagpunta at diretso agad ako sasakyan ko.
Pagpasok ko napabuga ako agad nang hangin, dapat pala hindi na ako nagpunta dito nagkasala pa tuloy ako ngayon sa asawa ko, bigla kong naalala ang cellphone ko hinanap ko agad iyon at ng makita ko ay tiningnan ko agad ang phone ko, nakalimutan ko, na iwan ko pala ito kanina dito sa loob ng kotse.
Isa dalawa tatlo apat 20 missed calls galing kay Jah bigla akong kinabahan bumilis ang t***k ng puso at dumagdag pa ang guilt ko sa sarili ko dahil sa mga nangyari kanina, never ako tinadtad ng tawag ni Jah maliban nalang kung importante ang dahilan ng kanyang pag tawag.
Ilang minuto pa akong nakatutuk sa aking cellphone gusto ko siyang tawagan pero binabalot ng konsensya ang aking sistema ibabalik ko na sana ito ng bigla ulit itong tumunog habang hawak ito ng aking kamay nanginginig ang kamay ko habang nakatingin sa screen ng cellphone ko ngayon. Pagkuwan ay sinagot ko ang tawag."
MyWIFE Calling..