Lies
-Vino-
Maaga akong nagising ngayong araw , nang tingnan ko.ang wall clock sa sala namin ay 5 am pa lamang nang umaga
kasabay ng pangamba ay mas nangibabaw sa aking matuldokan ang problema sa ex kong si Lea ..
Ako ang nag luto ng breafast naminnang asawa ko,nalito pa ako kung ano ang lulutuin ko pero nakapili din ako sa huli,
Fried chicken ang na isipan kong lutuin habang tulog pa ang aking magandang asawa na pinagud ko kagabi .
Kinuha ko ang Chicken meat sa ref at ibinabab muna ito sa tubig upang lumambot hinayaan kong naka on ang gripo upang mas madali itong lumambot , hindi ko ito na marinate kagabie kaya ng napagdesisyunan kong gamitin nalang ang breading mix na seasoning upang sumarap ang timpla nito , habang pinapalambot ko ang chicken meat ay kinuha ko ang rice cooker upang maka pagsalang ako ng sinaing para sabay na itong maluto mamaya sa ulam , kumuha ako ng lemon sa ref at nag timpla ako ng lemon juice , i slice the lemon ito 4 slices , kumuha ako ng baso at nag lagay ng asukal sa loob nito binase ko sa panlasa ko kung gaano ka tamis ang timpla nito , nilagyan ko ng mainit na tubig ang asukal para mas mauna itong matunaw bago ko ito ihinalo sa pitsel na may lamang tubig at lemon . Ng lumambot na ang manok ay isa isa ko itong inilagay sa isang baunan binudburan ko ito ng Ready Mix seasoning tinakpan at inalogalog para pantay ang pag kakalagay ng seasoning sa manok , nakita kong ma init na ang naisalang kong mantika kaya iprinito ko na ang manok , binantayan ko itong maigi para hindi ma sunog hindi ko masyadong nilakasan ang apoy dahil baka matulad nanaman ito sa luto ni Jah nung nakaraan , na muntikan nang masunog ang manok , magaling mag luto c Jah kaya nagulat ako na muntikan niya nang masunog ang piniprito niya, naisip ko tuloy na baka may problema kaya siyang iniisip na hindi sinasabi sa akin kahit ako ay nag aalala din sa misis ko .Nang masigurado kong luto na ang piniprito kong fried chicken ay inisa isa ko na itong kinuha mula sa mantika at inilagay sa isang bowl .
Pagkatapos kong mag luto ay agad akong pumahik sa banyo para maligo umabot ng 30 mins bago ako natapos ,
Pagkalabas ko sa banyo ay kalalabas palang ni misis galing sa kwarto
"Ang aga nag luto ng loves ko ah "
nakangiti niyang sabi ."
"Syempre basta para sa loves ko, Napagod ka ata kagabi" pag bibiro ko sa kanya
bigla naman siyang pinamulan nang dalawang pisngi
"Che ! sige na bilisan mo na mag bihis kana para sabay na tayong makakain ."
"Ako nag bahala mag handa sa hapagkainan " pahabol niyang sabi
Dali dali akong ng bihis para naman makasabay ko ang misis ko sa agahan .
nakaupo na kami sa hapag kainan ng mag salita ako
"Maaga akong aalis today loves tambak kasi ang tabaho ko sa office , late na rin ako mamaya makaka uwi kaya mauna kanang kumain wag mo na akong hintayin "
"Okay sige , mag iingat ka sa pag uwi mo mamaya loves
I love you "
sagot naman niya sa akin
napangiti naman ako dahil sa ka sweetan nang misis ko,
pagkatapos kung kumain ay nag nagmadali na akong maka alis ng bahay
dumeretso na ako agad sa Cafebella at
inubos ko ang oras ko sa mga paper works na dapat kong tapusin upang di ko maisip ang maaaring mangyayari mamaya .
-JaH-
Pagkagising ko nitong umaga ay wala na si Vino sa tabi ko ,
Nitong mga nakaraang araw pansin kong panay ang pag inom niya ng alak , dumoble pa ata ang pagiging lasenggo nitong mister ko kakasama sa mga kaibigan niya halos gawing vitamins nalang ang alak.
Napagod ako sa ginawa namin kagabi kaya tinanghali ako ng gising bahagya namang nag init ang mukha ko nang maalala ko ang nagyari kagabi ,
kung paano niya ako inangkin na tila miss na miss niya ako ,
Akmang babangun na sana ako ng biglang umikot nanaman ang paningin ko hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko , imbis na tumayo ay naupo akong muli sa kama at
nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago ako tumayo papunta sa banyo para umihi ,
mukhang dadatnan na ata ako ngayong araw buti nalang at nakapag leave ako
(sambit ng utak ko)
nang may kaonting blood spotting akong nakita sa aking underwear
Pagkatapos kong mag banyo at gawin ang morning routine ko ay lumabas na ako upang hanapin ang aking mister nagulat pa ako nang makita kong nakapag luto na pala sya nang almusal namin at kalalabas lang sa banyo , mukhang bagong paligo na rin siya .
Inihanda ko ang hapag kainan at sabay na kaming kumain ng breakfast , nagpaalam siyang gagabihin nang uwi mamaya bahagyang nalungkot naman akong isipin na ako lang mag isa ang kakain mamaya . Hindi ko na rin nasabi sa kanyang nag leave ako ngayon dahil nagmamadali naman siyang umalis ng bahay pagkatapos niyang kumain .
Pagkaalis ng mister ko,
ay nag linis muna ako ng bahay 1pm pa naman ang schedule ng Check up ko kay Doc . Larava
Kaya hindi ko kailangan mag madali ,
11 am na akong natapos mag linis ng buong bahay
Napa upo ako sa sofa dahil bahagyang kumirot ang puson ko , nagpahinga muna ako ng ilang sandali upang ma relax mo ang aking katawan ,
isang linggo ko na atang na raramdaman itong pagka hilo at pag sakit ng puson ko nung mga nakaraang araw ay panay ang pag ikot ng paningin ko at para akong naduduwal sa umaga pag gising ko , panay din ang pagsakit ng puson ko lalo na kapag napapagod ako or di kaya ay panay ang lakad ko sa store, ito ang dahilan
kung bakit itinuloy ko na ang pag leave ngayong araw para makapag pa check up ako sa doctor , gustohin ko man isipin na buntis ako at nag lilihi ay alam kong hindi dahil nga sa nakita kong dugo kani sa underwear ko , sign na nag sisimula na ang buwanang dalaw ko .
Nag tungo na ako papuntang kusina para makakain .
Napagpasyahan kung kumain muna bago maligo kumakalam na kasi ang sikmura ko sa sobrang gutom masyado ata akong napagod sa pag lilinis kanina , may natira pang fried chicken kaninang umaga pero iba ang gusto kong kainin , naghanap ako ang delata sa cabinet at laking tuwa ko nang makita ko ang hinahanap ko , sardinas ang inulam ko sa tanghalian nilagyan ko pa ito nang sili at suka upang umasim ang lasa at maging maanghang , natagalan tuloy akong natapos sa pagkain dahil sa sarap nang ulam ko ,pagkatapos kung magtanghalian ay naligo na ako at nag bihis, isang White bodycon tshirt dress lang ang isinuot ko at isang pares ng flat shoes nag soot pa ako nag short shorts para hindi ako masilipan kapag yuyuko ako,
12noon na ng matapos akong mag bihis dali dali na akong umalis nang bahay at nag tungo sa Clinic ni Doc. Larava nag taxi nalang ako sa byahe dahil ayoko naman ma late sa schedule ko, habang nakasakay ako sa taxi ay biglang natakam akong kumain ng peach mango pie sa jollibee , napagdesisyonan kong doon nalang mag hapunan mamaya since wala naman akong kasamang kumain sa bahay sa mall nalang ako kakain mamaya , at mag tetake out na din ako para kapag nagutom ako ay may makakain ako sa bahay.
-Vino -
Lumipas ang mag hapon na puro paper works ang inatupag ko , inutusan ko pa ang secretarya kong wag akong iistorbohin , kahit kaonti ay naiwasan kong isipin ang pagkikita namin ni Lea mamaya alam ko namang kahit pilit ko mang iwasan ay hindi ko matatakasan ang pag kikita namin ni Lea .
Biglang tumunog ang aking phone at tila kinabahan na ako pagka rinig ko nito
1message recieve
Unknown number
Hi babe see you later ?
napakunot pa ang aking noo dahil sa nabasa kong text tulad ng mga na una niyang text ay agad ko uli iyong binura upang hindi pagmulan nang problema naming magasawa , kahit kelan ay hindi naman pinakialaman ni Jah ang phone ko pero ayoko paring maghinala siya sa akin na niloloko ko siya ,
napatingin ako sa aking relong pambisig
5 pm na pala dali dali na akong nag ligpit ng gamit at na drive pa punta sa lugar kung saan gusto niya kaming mag usap at magkaroon nang closure
pagka parada ko ng aking sasakyan sa parking space nang cafe ay Huminga muna ako ng malalim nang ilang beses bago ako bumama ng sasakyan at pumasok sa cafe .
Pagkapasok ko ay kumaway agad siya nang makita ako .Lumapit ako sa kanya, paupo na sana ako nang salubungin niya agad ako nang isang mahigpit na yakap at agad niya naman akong hinalikan sa aking pisngi na ikina kunot ng aking noo .
"Upo ka muna " anas niya sa akin
"Lea Hindi na ako ..." mag sasalita na sana ako ng bigla niyang putulin ang aking pagsasalita.
"Sa ibang lugar na tayo mag usap dumadami na ang customer dito baka may makakita sa iyo pakamalan ka pang may kadate na ibang babae."
Hindi na ako nag protesta at sumunod nalang sa kanya , tama din naman siya sa sinabi baka nga may makakita at pagkamalan pa akong may kasamang ibang babae.