WARNING!
READ AT YOUR OWN RISK.
"Will you be happy if I die?"
Mabuti na lamang at may napadaan taxi sa kinatatayuan ko, dali dali kong pinara at sumakay ako agad paghinto nitp sa harap ko,nagpa hatid ako sa bahay, sa kung saan kami nakatira, isang tahanan kung saan pinlano kung tumira hanggang sa aking pagtanda, kasama siya, kasama sana ang taong pinakamamahal ko, panay ang tingin sa akin ng driver ng taxi, dahil sa mga paghikib kong hindi ko na kaya pang pigilan, napahagulgul ako sa sobrang bigat ng aking nararamdaman mabuti na lamang at hindi siya nag karoon ng lakas ng loob para mag tanong kung anong nangyari sa akin, tahimik lang siya boong biyahe hanggang sa makarating kami sa aming destinasyon.
"Nandito na po tayo maam."
"Salamat po kuya." sambit ko, at agad lumabas sa taxi pagkatapos mag abot ng bayad.
Ng makapasok ako sa loob ng bahay ay halos mapa upo ako sa sahig, gulong gulo ang utak ko at hindi alam ang aking gagawin, iyak pa rin ako ng iyak, tila walang katapusan ang sunod sunod na pag tulo ng mga luha galing sa aking mga mata, ang sikip ng dibdib ko halos hindi ako makahinga sa sobrang bigat nito, ng maalala ko si Vino ay bigla akong napatayo, naging mabilis ang aking mga galaw nag impake agad ako ng gamit, binalot ng galit ang aking sistema, oras na siguro para isalba ko naman ang sarili ko sa sakit, gusto kong huminga ng malaya, ang sakit sakit na, hindi ko na kaya, ubos na ubos na ako, ngayon tuloy nakadama ng pagsisisi, bakit sa dinami dami ng lalaki sa mundo, bakit siya pa?
Wala akong ibang iniisipin ngayon kundi ang sarili ko nalang muna, nakakasira ng bait masaktan, pero hindi lang bait, kundi ang buong pagkatao mo madadamay, madadamay sa pagdurusa ng puso mong wasak dahil sa taong minahal mo.
Ayokong ma abutan niya pa ako dito sa bahay hindi ko kayang makita ang kanyang mukha, ang tanging hiling ko lang ay hindi na kailan man makita ang kanyang mukha. Hindi ko pa siya kayang patawarin sa ngayon masyado pang malalim ang sugat na ginawa niya sa aking puso. Ni hindi ko nga alam kung maghihilom pa ito.
Habang nilalagay ko ang mga damit ko sa maleta ay napa tingin ako sa Wedding picture namin na nakasabit sa kaliwang bahagi ng kwarto, ang saya at sweet namin sa picture nakayakap ang kanyang mga braso sa aking bewang at ang aking mga kamay naman ay nakapulupot sa kanyang leeg, sa larawan ay para kaming nag sasayaw ng sweet dance, pareho kaming nakangiti.
Ang saya namin sa larawan, punong puno ng pagmamahal ang mga mata niya na prenteng nakatingin sa akin, sa paraan ng pag tingin niya sakin ay isa ako sa pinakamagandang nangyari sa buhay niya.
Anong nangyari sa amin?
Muli na naman akong napaiyak dahil sa naisip. Akala ko ayos na ulit kami? Heto na naman ako kumakapit na lang sa puro akala.
Akala na, nabawi ko na ulit siya.
Akala na, bumalik na kami sa dati.
Akala na, sapat na ako para sa kanya.
Pero hindi pala, mali ang lahat ng akala ko.
I thought I am very lucky to have him as my husband.
Hindi pala.
Puro lang pala kasinungalingan at pag papanggap ang ginawa niya. Kailangan niyang gawin yun para hindi ma bulgar ang kung anong meron sa kanila ni Lea, kailangan niya akong pakisamahan at lokohin.
Niyukom ako ang aking mga palad, bumaon ang aking mga kuko dito, dama ko ang kirot ngunit mas idiniin ko pa iyon ng mabuti, ginawa ko iyon upang kahit papano, umaasa ako na malipat doon ang sakit na nararamdaman ko sa aking puso.
Pero hindi parin ito sapat kahit na siguro saksakin ko ang sarili kong puso ay hindi mawawala o maliligaw ang sakit na nararamdaman nito, napa tawa naman ako ng pagak dahil sa kabobohan ko, akala ko, purong pagmamahal ang nararamdaman niya para sa akin, lalo na noong mga panahong may nangyari sa aming dalawa, noong mga panahong ginagawa namin iyon mag asawa. I was wrong. I was really wrong.
Ginawa niya lamang akong isang parausan, pantanggal ng init ng kanyang katawan.
Ng matapos na akong mag impake ay dali dali akong naglakad palabas ng bahay. Inilibot ko muna ang aking tingin sa buong kabahayan. This once a happy home. Napailing na lamang ako at tuluyan ng lumabas ng bahay. Hindi naman dumating si Vino para pigilan ako, ramdam kong ikakatuwa niya ang pag alis ko. Magiging malaya na sila ng babae niya.
Para akong baliw na umiiyak sa gilid ng daan, habang hila-hila ang maleta ko
naging blanko ang utak ko at hindi alam kung ano ang susunod kong gagawin . Ang gusto ko lang ay huminga, at lumayo sa sakit. Gusto kong mawala na ang sakit, pero kahit ako, ay hindi ko alam kung darating pa ba ang panahon na maghilom ang sugat ko.
Ilang minuto na ata akong nakayukong nag lalakad sa kalsada ng maisipan kong magpunta sa 7/11 gusto kong uminom.
Baka. Baka sakaling maibsan ng pait. Baka sakaling makatulong ang alak, sa sakit sa dibdib ko, na wari'y pinipiga ngayon, sa sobrang bigat na pasanin na aking nararamdaman. Tangina! Sana mag manhid nalang ako. Ayoko na! Pagod na pagod na ako.
Ng nakabili ako ng alak ay naupo ako sa isa sa mga bakanteng upon doon at, agad kong binuksan at sinimulan kong tunggain ang laman ng bote ng alak.
Pagka inom ko ay nalasahan ko ang pait nito sa aking lalamunan, ngunit mas mapait pa rin ata sa alak ang sinapit ko ngayong araw.
Gumuhit ang init ng alak sa aking lalamunan, hindi pa ako na kuntento ay tuloy tuloy ko itong ininom, na animoy walang pakialam sa mapait na lasa nito, hanggang sa maubos ang laman ng bote na aking hawak. Patuloy lang ako sa pagtungga, pagkaubos ng isa ay agad kong binuksan ang panibagong bote na aking binili, ng maubos ko ang ikalawang bote ng alak, ay nakaramdam na ako ng hilo napa sapo ang aking palad sa aking mukha, dama ko ang bahagyang pagkahilo, ngunit binaliwala ko lamang iyon, dahan-dahan akong tumayo at muling nag lakad, hila-hila paring ang aking maleta ay pasuray-suray akong ng lakad sa daan. Pa ekis-ekis ang bawat hakbang ng aking mga paa.
Patuloy pa rin ang aking mga paghakbang, hindi ko napansin na may humps pala ang sementong daan, natapilok ako at nawalan ako ng balanse, naupo ako sa semento at naramdaman ang sakit ng pwet ko. Buti na lang ay hindi tumama ang maganda kong mukha sa semento.
"Aray ! Malas ! Malas! Malas! Tang Inang buhay to! bulalas ko sa aking sarili.
Huminga ako ng malalim, bahagya kong ipinikit ang aking mga mata, ipinagdasal na sana ay tapos na ang kamalasan ko ngayong araw.
Hindi ako kaagad naka tayo dahil nawalan ng lakas ang aking mga tuhod, siguro ay dala na rin ng pagkahilo dahil sa alak na aking ininom.
Akmang tatayo na sana ako sa aking pagkakalugmok sa daan ng biglang bumagsak ang malakas na ulan, malalaki ang mga patak nito, basang basa ang buo kong katawan, muli naman akong napahagulgul habang naka upo sa semento. Naghalo halo ang lahat ng emosyon na aking nadarama, dama ko ang awa sa aking sarili, kanina pa ako iyak ng iyak ngunit hindi pa rin nauubos ang mga luha ko, na ngayon at sumasabay pa ang pag agos sa bawat patak ng ulan.
"Putang inang buhay to!" sigaw ko habang umiiyak.
"Àaahhh!!!! " sigaw ko pa ng malakas.
Buti nalang at gabi na at umuulan pa, kaya walang ibang taong dumadaan, sakaling mayroon dadaan dito sa gawi ko ay siguradong makapkakamalan akong nababaliw.
Ang nais ko lang naman ay ang magkaroon ng masayang buhay yung ramdam mong mahal ka ng mga tao sa paligid mo na hindi ka nila kayang iwan sa ere mag isa.
Pero bakit ganun?
Bakit palagi nalang akong iniiwan?
Bakit kapalit ng minsang pagngiti ko ay walang tigil na pag iyak?
Kapag may pagkakataong masaya ako ang kapalit noon ay sakit sa damdamin pagkalipas ng ilang pagkakataon. Talaga natutuwa ang tadhana na pagtripan ang buhay ko.
Kahit mabigat ang katawan ko ay pinili kong tumayo upang patuloy na maglakad at mag hanap ng masisilungan.
Nakakabingi ang lakas ng ulan na tila wala kanang ibang maririnig kundi ang mga pagpatak nito isama mo pa ang lasing kong utak na tila hindi na maintindihan kung ano ang aking susunod na gagawin.
Kung saan ba ako patungo?
Napaisip tuloy ako at nagsalita ng walang kausap, kinausap ko ang aking sarili naparang nasisiraan ng bait.
Pagod na pagod na ako!
Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito!
Wala kwenta ang buhay ko!
Ayoko ko na!!
Aahhhhh Ayoko na!!!! Sambit ko habang hinihila ang aking buhok, ng magkabila kong kamay.
Gusto ko ng mamatay! sigaw ko mag isa.
Mabilis akong tumayo.
Desperado na sa aking gagawin.
Pasuray suray.
Magulo ang utak.
Naglakad ako sa daan.
Nawala na sa akin ang aking katinuan.
Naalala ko si Vino.
Naiyukom kong muli ang aking mga palad.
Si Vino De Guzman ang lalaking wala ginawa kundi durugin ako at saktan.
Nasa malalim akong pag iisip ng, hindi ko namalayan ang isang maliwanag na ilaw na papalapit sa akin, nasa gilid lang ako ng daan, bahagya akong napangiti, ng ilang pulgada na lang ang layo ng ilaw sa pwesto ko ay, nakangiti akong, mabilis na inihakbang ang aking mga paa at tumawid sa kalsada.
Mamatay ka na!
Mamatay ka na Jah! paulit ulit na sambit ng utak ko.
Hanggang dito na lang talaga, suko na ako. Suko na ang puso ko.
"Paalam Vino!"
"Paalam Mahal ko."
*CCCREEEEEE KKKKKKK*
Bigla na lamang nag dilim ang aking paningin at hindi ko na namalayan ang mga sumunod pang pangyayari.
~JeMaria