"New Hope, New Blessing."
Malaki na ang tiyan kong naglalakad sa gilid ng kalsada ng may nakita akong nagbebenta ng siomai at kwek kwek, natakam ako bigla kaya dali dali akong lumapit sa siomai vendor at bumili ng tatlong piraso upang ma tikman ko ang lasa nito, sakto namang may kakatapos lang lutuin, kaya mainit init pa ang siomai na nakalagay sa plastic na baso, fried siomai ang binili ko, mabilis pa sa alas kwarto ng pigain ko ang kalahating kamansi na nasa ibabaw ng siomai, kahit may nakalagay na toyo na ang siomai ay hindi pa ako ng kuntento, nilagyan ko sa maanghang na ketsup ang siomai sa baso ko, gamit ang sandok na nakalagay sa lalagyan ng catsup, pagkuwan ay isinubo ko na ang unang siomai sa aking bibig, sarap na sarap akong kumakain, lasap ko ang linamnam ng siomai sa aking bibig na mayroong alat, asim, at tamis, na galing sa sawsawan nito, dama ko ang saya sa aking kalooban habang ako ay ngumunguya.
Bahagya naman napa tingin sa gawi ko ang kasabay ko sa pagbili, patay malisya lang ako at hindi ko siya pinansin, kahit ko sa aking peripheral vision ang mukha niya na dugtong pa ang kilay habang naka tingin sa akin.
"hmmmm heaven! " sambit ko pagkatapos kong maisubo ang huling piraso sa bibig ko.
Ng madama ko ang kabusugan, ay omorder pa ako ng take out para may makain ako pag uwi ng bahay.
Nagpatuloy ako sa paglalakad sa gilid ng kalsada, balak ko ng umuwi, nakakailang hakbang pa lamang ako ay may napansin akong sumusunod sa akin, bahagya ko itong nilingun at namuo ang takot sa aking sistema.
Napansin ko na may tatlong lalaki ang sumusunod sa likod ko, hiwa-hiwalay silang nag lalakad, nauna ang isang lalaki sa kaliwang bahagi ng daan, prente itong nakatingin sa akin, na nagbigay ng kilabot sa aking katawan, habang ang dalawa naman ay patay malisya sa kayang likuran, hindi ko alam ngunit, iba talaga ang kutob ko, dahil sa kaba ay pasimple kong binilisan ang bawat hakbang ko, lakad takbo ang ginawa ko, mas bumilis pa ang bawat pag t***k ng aking puso dahil sa kaba.
Nakahawak ang kanang kamay ko sa malaki kung tiyan bilang suporta, takot na takot ako, baka may kung ano ang mangyari sa baby ko.
Muli ko silang nilingon, ng makita ko na akmang susugurin ako ng isang lalaki na may hawak na patalim, ay mas binilisan ko ang paglalakad, sinubukan kong humingi ng tulong sa mga taong nakaka salubong ko sa daan ngunit bingi sila at hindi pinapansin ang bawat pagsambut ng aking bibig.
Pa tawid na sana ako ng kalsada, biglang may isang mabilis na kotse ang humarurot papunta sa direksyon ko, at kahit na malapit na ay mas binilisan pa nito ang pagpapatakbo, mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Lea na malademonyong nakangiti sa akin, tuwang tuwa ang kanyang mukha, sa takot kong reaksyong na nakatingin sa kanya, nanigas ang buo kong katawan dahil sa takot, pinilit kong ihakbang ang aking mga paa, ngunit tila nag dikit ito sa sementong daan kung saan ako mismo na nakatayo, ilang segundo lang ang lumipas, ay nakita ko na lamang ang sasakyan, na nasa harapan ko na, walang pagdadalawang isip nitong binangga ang aking katawan.
Sa sobrang lakas ng impact ng pagbangga ay tumilapon ko sa malayo, nag manhid ang buo kong katawan dahil sa pangyayari, nakadama ako ng pagka bingi, nakita ng dalawa kong mata, bali-bali ang ilang parte ng aking katawan at naligo ako sa sarili kong dugo, ngunit ng mabaling ko ang aking paningin sa aking tiyan ay mas nakadama ako ng matinding panlulumo.
Hindi!
ANG BABY KO!
Bigla akong nagising mula sa isang masamang panaginip, hingal na hingal ako at pawis na pawis ng imulat ko ang aking mga mata, nilibot ko ang aking paningin sa buong silid kung nasaan ako, doon ko napagtanto na wala ako sa bahay.
Ang akala ko. Huling hininga ko na kagabi.
Mas mabuti na sana iyong ganoon na hindi na ako magigising at maramdaman ang sakit sa puso ko.
Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si
Lance?
"N-nasaan ako ?"
Muli ay biglang nagbalik sa aking ala-ala ang tangkang pagpapakamatay ko sa daan kagabi, bago ako na nawalan ng malay.
Alam kaya niya na sinubukan kong magpatiwakal?
Sigurado akong magagalit siya kapag nalaman niya.
"Jah im glad gising kana." puno ng pag aalala ang kanyang mukha.
" Muntik ka ng mabangga ng kaibigan ko sa daan kanina buti nalang nag convoy kami kaya ako na ang nagdala sayo dito sa hospital." Mahaba niyang litanya habang prenteng naka tingin sa akin.
"S-sana pala nabangga na lang ako at namatay para hindi ko na maramdaman ang sakit." may panlulumo kong sabat.
"What are you saying Jah? Nababaliw ka na ba?"galit na tanong niya sa akin, pagkuwan ay lumapit siya at hinawakan ang dalawang balikat ko.
"Siya nanaman ba? Hah!" madiin ang pagkakabanggit ng kanyang binitiwang salita.
Nakayuko ako, hindi ako kumilos o sumagot, maya-maya pa ay isa isang nagpatakan ang mga luha sa aking mga mata .
Sa walang pag-aalinlangan ay niyakap niya ako ng mahigpit.
"Shhhhh.. tahan na magiging okay din ang lahat."
Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang mag bukas ang pinto.
"Can I have a minute with you Mrs. De Guzman?"
Tumango lang ako sa Doctor na kakapasok lang.
"Bukas kana mag discharge para mas ma obserbahan ang kalagayan mo,Im glad that the baby is fine."
Pambungad na bulalas ng doctor.
Literal na umurong ang dila ko sa mga salitang aking narinig mula sa kanyang bibig.
Nag aalangan man ay muli ko siyang tinanong upang kompirmahin ito uli.
"P-po? A-ano pong sabi niyo doc?"
"You didn't hear it? I said the baby is fine."
"B-buntis po ako?"
Tila nabingi ata ang sistema ko sa pangalawang beses na narinig ko ang balita mula sa kanya, mula sa aking kaibuturan ay labis na nagsisi ako dahil sa tangka kong pagpapakamatay.
Kung sakaling na bunggo nga ako ng sasakyan kagabi, ay dalawa sana kaming nawalan ng buhay, napaka walang kwenta ko talagang ina.
"Yes you're 6 weeks pregnant, you didn't know?" balik niyang tanong sa akin.
"Please misis avoid drinking alcoholic beverages its not good for the baby, lalo pa at nasa first trimester ka pa lang ng pagbubuntis mo, also eat healthy foods, sleep early, and avoid stress, reresetahan kita ng vitamins mo tomorrow, but for now take a rest ,if you don't want to lose your baby."
Pagkatapos ng sermon ay tumingin naman siya kay lance, bigla ay napa kunot ang kanyang noo, at ng dugtong ang kanyang makapal na kilay.
"Are you the father?"
Nagulat si lance sa tanong ni doctora at napailing.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon si Franco na may dala dala pa na isang pungpong ng pulang rosas.
Napatigil naman kaming lahat at sabay-sabay na napatingin sa gwapo niyang mukha. Bahagya itong napangiti.
"Ah so you're the father. Please mister stop stressing your wife, makakasama sa kanya ang laging pag-iyak, please always understand her mood swings mahirap magbuntis, if you excuse me i have to go ." tuloy tuloy na lintanya ng doctor, pagkatapos ay mabilis na itong tumalikod at lumabas ng kwarto.
Napa kamot na lamang si Lance sa kanyang ulo. Dahil sa nangyari, natawa naman ako sa kanyang reaksyon kaya napangiti ako habang nakatingin sa kanya, hinaplos niya ang aking buhok na tila nagsasabi na wag akong mag alala.
"You are pregnant Ms. Ganda, What's your plan?" biglang tanong ni Franco habang nakatingin sa akin.
Napa tawa ako ng pagak, masaya akong magkakababy na ako pero, masakit na hindi na niya makikilala ang ama niya.
Simula ng magdesisyon siyang magtaksil ay nawalan na siya ng karapatan sa anak namin.
Akala ko kaya ko. Akala ko kaya kong tiisin lahat ng sakit bumalik lang siya sa akin, bumalik lang kami sa dati.
Pero hindi pala.
Hindi ko pala kaya, lalo pa't harap harapan nila na isinampal sa mukha ko ang mga ka hayupan nilang ginagawa.
Ang hirap maging matapang kung alam mong ang nagbibigay ng lakas sayo ay siya ring dumu durog sa puso mo.
"P-please help me lance, I don't want to see him anymore."
"Hindi mo ba balak ipaalam sa kanya ? Magkakababy na kayo Jah." usal niya, iling lang ang tanging isinagot ko. Habang tahimik lang si Franco at hindi nagsasalita.
"Bakit ayaw mo siyang makita? Ano nanaman bang ginawa niya ngayon? Pinagbuhatan ka ba ng kamay ng tarantadong yon ha?"
Umiling akong muli, at humugot ng lakas na mag salita.
"I-I saw him, h-having s*x with his mistress at the cafe." I blurted out, with pain in my voice.
Iniyukom ko ang kamay ko dahil sa galit. Naalala ko na naman, lahat ng nakita ko kagabi, na pinipilit kong kalimutan, ay nagsi-balikan ulit sa aking memorya.
Tingnan ko ang reaksyon ni Lance matapos akong mag salita, bakas sa kanyang mukha ang galit, ang kaninang maamo niyang itsura ay bahagyang dumilim, dahil sa sa aking mga sinabi, kita ko ang pag igting ng kayang perpektong panga, huminga niya ng malalim upang pigilan na kumawala ang matinding galit sa kanyang sistema.
"That bastard!"madiin niyang asik.
"I-I don't know kung kaya ko pa siyang patawarin, can you please help me Lance? T-tulungan mo akong lumayo sa impyernong lugar na ito, gusto ko lang huminga, malayo mula sa lahat ng mabagay na nagpapa sikip ng dibdib ko."
"Don't worry, I'm always here for you dear i will help you."
at muli ako nitong niyakap ng mahigpit.
*Ring*
Isang malakas na tunog mula sa cellphone ni Lance ang kumuha ng aming atensyon.
"Excuse me, I have to take this."
"I didn't know." usal ni Franco ng makalabas si Lance sa silid.
"hmm?"
"I'm sorry i didn't know na ganun pala ang ginagawa ng asawa mo. Dapat pala hindi kita hinayaang sumama sa kanya." usal ni Franci habang naka tingin sa mga mata ko.
"It's not your fault Franco, wag na lang natin isipin muna. Magkakilala pala kayo ni Lance?" pag iiba ko sa usapan.
"I'm always here Jah, nandito lang ako lagi sa tabi mo." usal niya ay hinawakan ang kamay ko.
Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
"Thank you Fran…"
"I like you, Jah, and I'm willing to wait."
"P-pasensya ka na Franco, pero Im not ready for that, mabuti kang tao at ayoko kong gamitin ang kabutihan mo para sa pansarili kong interest."
"I know, pero i willing to wait, kahit gaano pa katagal Jah."
"Please stop. I'm so sorry Franco pero, I can't. Ayaw kitang paasahin, kaya ngayon palang lilinawin ko na, kaibigan lang talaga Franco, Im so sorry."
Dumaan ang sakit sa kanyang mga mata.
"Ayos lang Ms.Ganda ang importante kasama kita. Hindi na ako hihiling pa ng sobra, basta nandito lang ako kung kailangan mo ng tulong."
Biglang pumasok si Lance at napatingin sa amin, tumaas pa ang kanyang kilay ng tumingin ang mata sa akin.
"Go to sleep now, take a rest para makalabas na tayo bukas." sambit niya habang naka taas pa rin ang isang kilay.
Masyadong maraming nangyari ngayon araw, lunod na lunod ako sa galit at sama ng loob kay Vino tila hindi ko na kakayaning makaahon pa.
Nahiga na lamang ako sa kama, tama si Lance, kailangan kong mag pahinga dahil hindi na lamang sarili ko ang dapat kong intindihin sa ngayon, dalawa na kami ng baby ko, may buhay na umaasa sa loob ko, i need to be strong for my baby, pinikit ko ang aking mga mata at tuluyan nang nilamon ng antok ang aking sistema.
~JeMaria