Chapter 9

2234 Words
Sharlyn's POV "Ako po si Kurt Santiago magandang umaga po ma'am Sharlyn." magalang nyang bati sa akin at pahagya pang yumuko. Napangiti rin ako "Magandang umaga rin sayo Kurt. Ngayon mo na ba sisimulan ang trabaho mo? " "Opo ma'am" "Hahahaha wag mo na akong tawaging ma'am, Sharlyn nalang" tumango na lamang sya at hindi na nagsalita. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Masasabi kong may ibubuga nga itong si Kurt,humahapit pa sa suot na polo ang mga naglalakihan nyang braso. Pormal din sya kung makipagusap at talagang mararamdaman mo ang paggalang sa bawat salitang kanyang binibitawan. At kung tatanungin ako sa palagay ko ay nasa edaran ko rin sya. Lunes ngayon, pasok na ng mga bata ngayon at kagabi rin ay nagtext na sakin si Jane na ngayong araw kami magsisimula.Hindi ko inaasahan na ngayon pala ang dating nitong si Kurt inaasahan ko kasing sa susunod pang araw. Pero nagpapasalamat narin ako dahil may makakapagbantay sa mga bata. Kagabi ko pa kasi iniisip kung sinong magbabantay sa mga anak ko, may trabaho kaming dalawa ni Kendall at sa susunod pa na araw darating ang dalawang kasambahay na hinire ko. Kaya nagkakaproblema ako kung sinong magbabantay sa mga bata salamat nalang talaga at napaaga itong si Kurt. Planado ko na talaga ang lahat ng ito simula sa mga magiging kasambahay at bodyguard nahihiya narin ako kay Kendall na laging taga bantay ng mga bata,pinagiisipan ko nga rin kung magdadagdag ako ng bodyguard para mas maging kampante akong ligtas ang mga anak ko kahit wala ako sa tabi nila. "SHARLYN BAt--ang tagal mong bumalik sa kusina?? " napalingon kami ng sabay kay Kendall na galing sa kusina. "May naligaw atang gwapong nilalang sa bahay natin? " napailing nalang ako sa sinabi nya nakakalimutan ata ng isang ito na may nanliligaw na sa kanya. "Kendall si Kurt ang magiging bodyguard ng mga bata" napamaang naman sya sa sinabi kong yun. "At Kurt si Kendall ang tita ng mga anak ko at bestfriend ko" yumuko ito kay Kendall at bumati. Niyaya ko naring sumabay sa almusal si Kurt total naman ay kakasimula palang namin. Nung una ay tumanggi pa ito pero dahil labis na mapilit ako ay wala syang nagawa. Ipinakilala ko na rin sya sa mga bata at mukhang na love at first sight pa ata ang bunso ko. May nalalaman pang paipit ipit ng buhok sa tenga nya pagkatapos ay tatawagin si Kurt at magpapacute. Natatawa nalang ako kapag sinasaway sya ng dalawa nyang kuya na itigil ang pagpapacute kay Kurt, tatarayan nya lang ang mga to at babalik sa pagpapacute. Halata naman sa mukha ni Kurt ang pagkailang. "Kakaiba rin yang si Princess nu Sharlyn" bulong sakin ni Kendall habang tinitignan ang anak ko na katapat lang namin. "Hahaha pabayaan mo nalang at baka tupakin yan kapag pinigilan natin" umiling na lamang sya at pinagpatuloy na ang pagkain. Ng matapos kami ay inihanda ko na ang gamit ko at ng mga bata. Sinigurado kong lahat ng kakailanganin nila ay nasa bag na bago bumaba. Naabutan ko naman sila Jhon at Princess na kinukulit si Kurt habang si Brayle ay nasa single sofa at nagbabasa. *Beep*Beep* Humahangos na lumabas sa kwarto nya si Kendall. Napagilid pa ako dahil magkakabanggaan kami kapag hindi ko yun ginawa. "Alis na ako nandyan na ang gwapong manliligaw ko!!!!! " nakatalikod na ikinaway nya pa ang kamay bago tuluyang lumabas. Napailing nalang ako at hinakbang ang natitirang hagdan. Kung bakit kasi hindi nya nalang sagutin alam nya naman sa sarili nyang mahal nya na yung tao. Tsk. Tsk. Tsk. "Tumawag ka lang sakin kapag nagkaroon ng problema ha, nagkakaintindihan ba tayo? " "Opo ma'am Sharlyn" "Oh come on stop calling me ma'am, halos magkasing edad lang kaya tayo kung di ako nagkakamali" "Im sorry ma'am but i can't" napabuntong hininga nalang ako senyales ng pagsuko. Ano pa bang magagawa ko mukhang hindi ko mababago ang isip ng isang ito e. "Bahala ka sa buhay mo basta gawin mo ng maayos ang trabaho mo. Kung nahalata mo kaagad na may sumusunod sa inyo tawagan mo agad ako o di kaya ay wag nalang kayo tumuloy." mas lalo dapat akong mag ingat ngayon lalo na't hindi lang sila nagmamasid sa ginagawa ko at ng mga anak ko. Kumukuha rin sila ng tyempo para makuha ang mga anak ko. At kung sino mang nasa likod nito hindi ko masisigurado kung anong magagawa ko sa kanya. "Huwag po kayong mag alala ma'am Sharlyn hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa mga anak nyo." "Aasahan ko yan.... O sya umalis na kayo at mukhang inip na inip na yung mga anak ko" "Hahaha mukha nga po.....sige po aalis na kam--" "Sandali lang" agad naman syang napahinto sa tangkang pag-alis at takang lumingon sa akin. "May kailangan pa po ba kayo ma'am?" "Here" nanlaki ang dalawa nyang mga mata habang nakatingin sa bagay na binigay ko. "M-Ma'am anong ibig pong sabihin nito?? " halata sa boses nya ang pagkabigla, napatawa na lamang ako. "Kahit ngayon lang kita nakilala ay may tiwala na ako sayo Kurt kaya ipinagkakatiwala ko sayo yan" "Pero ma'am--" "Wag kang mag alala pansamantala ko lang yan ipapahawak sayo,hindi pa kasi dumadating yung kasambahay na hinire ko kaya walang tao dito sa bahay. Kung sakali mang umuwi kayo dito na wala pa kami ay makakapasok parin kayo ng mga bata dahil may hawak kang susi. At saka paano kayo makakapasok ng mga bata kung walang susi,hindi ba? Kaya wag ka ng tumanggi at kunin mo na yan" hindi naman na ito nakatanggi pa sakin. Nahihiya syang napatingin sa akin. "M-Maraming salamat po ma'am Sharlyn sa pagtitiwala huwag po kayong mag alala hindi ko sisirain ang tiwalang ibinigay nyo sakin. Iingatan ko rin tong susi ng bahay nyo" "Dapat lang dahil hindi ko na mabubuksan itong bahay na to kapag nawala yan" bumalatay naman ang pangamba sa mukha nya sa sinabi kong yun "Hahaha nagbibiro lang meron din akong susi, ito oh" pinakita sa kanya ang original na susi "Nagpa-duplicate ako para meron din si Kendall buti pala at nagpasobra ako ng isa.....O sige na at mukhang kanina pa naiinip ang dalawang yun" kitang kita ko dito kung paanong naiinip na sina Princess at Jhon. Mukhang hindi na talaga sila makapaghintay. "Aalis na po kami" tinanguan ko lang ito bilang sagot. Bago sila umalis ay kumaway muna sakin sila Brayle. "Be safe!!! " "We will mom see you later i love you!!" "I love you too!!!" kung ano ano pang sinabi nila Princess bago sila nakaalis. Sinadya ko talagang dito nalang sa tapat ng pintuan tumanaw sa kanila bago umalis kesa sa gate kasi pakiramdam ko baka magbago ang isip ko't wag na silang patuluyin. Hindi parin kasi ako palagay at kahit kailan ay hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang mastermind nung mga sumusunod sakin, samin ng mga bata........... "Good Morning ma'am,how may i help you? " tanong kaagad sakin ng receptionist dito sa BS Com. "Mmm anong floor ba ang office ni Mr. Chua?? " "15 floor po,ma'am?" "Sharyln" "Pang 15 floor po ma'am Sharlyn" "Salamat" "Your welcome ma'am" tumalikod na ako at nagsimulang maglakad hindi pa man ako ganung nakakalayo ay nakarinig na ko ng mga bulungan. "Alam nyo bang bali balitang nandito na daw sa bansa natin si Queen S" "Weeehhh hindi nga" "Totoo nga meron pa ngang nakakita sa kanya sa airport eh" "Bakit hindi binabalita?? " "Yun ang hindi ko alam pumunta na nga ako sa lahat ng social media at nag search ng nag search pero wala kong nakita, nakakapagtaka" Napalingon ako dun sa mga naguusap at hindi makapaniwalang napatingin sa kanila. Kaya ba ganun nalang ang gulat nila Dexter ng malaman nilang ako si Queen S??....Tama,bakit ba hindi ako nagtaka nung mga oras na naggagala kami at wala ni isang lumapit sakin para magpapicture. E nasaan yung mga taong lumapit sakin sa airport?? Tandang tanda ko pa na lahat sila ay nagpapicture sa akin. Kaya nga medyo ginabi pa kami ng uwi nun. Nawala ang atensyon ko sa kanila ng tumunog ang cellphone ko,kaagad ko namang kinuha yun sa shoulder bag na dala ko. Si Jane lang pala, sabi nya malalate daw sya dahil traffic. Tapos yung iba naman daw ay malapit na. Nagreply muna ako sa kanya bago nagsimula ulit maglakad. Habang naglalakad ay dun ko lang narealize ang isang bagay,kung saan banda ang elevator!!!!!. Sa laki nitong BS Com. dito paang sa first floor ay sobrang laki at lawak na. Hindi pa kasi aabot sa 20 floor ang BS Com pero bumabawi sa lawak at laki ng kada palapag. At dun ako namomroblema. "Ang tanga tanga mo talaga Sharlyn nagtanong ka na nga ng floor hindi mo pa sinabay kung saan banda makikita yung elevator" panenermon ko sa sarili. Gusto ko sanang bumalik para magtanong dun sa receptionist kanina kaso marami ng taong nagtatanong dun sa reception area. Kaya no choice ako kung hindi ang hanapin ang elevator. Hindi naman nagtagal ay nahanap ko na rin yun, sumakay ako at pinindot ang 15th floor. Wala naman akong ibang kasabay maliban sa dalawang hindi medyo katandaang lalaki na mukhang janitor at isang babaing nasa kaedaran ko may dalang mga papeles na hindi naman ganun karami. Ng tumunog na ang elevator senyales na nandoon na kami sa 15th floor ay lumabas na ako. Nailibot ko ang tingin sa floor na to. Lahat ng mga employees na may ginagawa ay napahinto at natuon ang atensyon sakin. May ibang namangha at ang iba naman ay nagtataka kung sino ako. Oo nga pala, hindi nga pala nila alam na ako si Queen S. "Ma'am Sharlyn!!! " natuon ang atensyon ko sa babaing tumawag sakin, kumakaway pa ito papunta sakin, si Angel. Ng makalapit sya ay mas lalong lumaki ang mga ngiti nito sa labi. "Kamusta na po kayo,ma'am? " "Okay lang naman, e ikaw?? Mukhang ang saya saya mo ngayon ah" "Hahaha okay lang rin naman...masaya lang ako lalo na at magsisimulang magtrabaho ang dakilang si Que--mmmm" hindi ko na hinayaang matuloy ang susunod nyang sasabihin dahil alam kong hindi yun magandang ideya. "Wag mo ng ituloy dahil wala pang nakakakilala sakin. Kaya please quite" mariin kong bulong dito, tumango tango naman sya kaya tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig nya. "Hoohh muntikan na yun buti napigilan nyo po ako hehehe..." napailing na lang ako "Anyway,kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Sam, ma'am Sharlyn. This way" napailing na lamang ako sa inakto nya, muntikan na talaga yun. "Oh ano pang ginagawa nyo!? Back to work guys!!! May dumating lang na dyosa natulala na kayo" nakakagulat na mas malala pa pala kay Kendall ang isang ito. Nung nag meeting kasi kami ay hindi talaga sya umiimik at tutok na tutok sa pinaguusapan nila Mr. Chua. Pagkatapos ng dalawang liko ay natanaw ko na ang isang malaking pintuan na may nakalagay pang C. E. O. Kumatok muna si Angel bago kami pumasok. Tumambad sakin ang isang malaking office. Moderno ang desenyo at masarap talagang magtrabaho dito. Sa kanang bahagi ay may bookshelft na hindi ko alam kung bakit may ganyan. Sa kaliwa naman ay dalawang aparador na hindi naman ganun kataas. May nakapatong roon na mga larawan na hindi ko naman gaano makita. At sa gitna ay ang dalawang naghahabaang sofa na pinagigitnaan ng isang babasaging lamesa. At sa lampas ng lamesa ay isang parehabang kahoy na table at nakalagay roon ang buong pangalan ni Mr. Chua at swivel chair din kung saan ngayon nakaupo si Mr. Chua. Sa gilid naman nun ay sabitan ng coat. At ang panghuli ay sa likod ni Mr. Chua, ang bintana. Kitang kita mula rito ang kalangitan at sigurado kong kapag mas lalo akong lumapit dun ay makikita ko na ang buong syudad. "Anong kailangan mo, Angel? " natinag ako ng magtanong si Mr. Chua, hindi sya tumitingin sa gawi namin dahil busy sa laptop na nasa harapan nya kaya hindi nya makitang nandito ako. "*ehem* nandito na po si Ma'am Sharlyn" dahan dahan napaangat ang ulo ni Mr. Chua at nagtama ang paningin naming dalawa. Agad pumorma ang kanyang labi sa isang matamis na ngiti na nagparamdam sa akin ng kung ano. Biglang bumilis ang t***k na puso ko at biglang may isang imahe ang lumabas sa aking isipan. Nakangiti rin iyon na kaparehong kahareho ng ngiti ni Mr. Chua, pero hindi ko makita ang mukha. "Oww it's you Miss,Mendoza have a seat" napakurap ako't ngumiti rito ng alanganin pagkatapos ay umupo sa sofa na tinuro nya. Tumayo na ito sa kanyang swivel chair at umupo sa katapat kong sofa. Lumingon sya kay Angel... "Get me a coffee and a slice of cake.... And you Miss, Mendoza, what do you want to have? " "Isang malamig na tubig" "Gusto mo ba ng kahit ano pa? Like bread or cake? " "Just a cup of water" "Okay" lumingon ito kay Angel at may sinabi pa na kung ano ano na hindi ko na pinakinggan. Iniisip ko kung ano yung imaheng nakita ko kanina. Yung una dun sa restaurant,sumunod dito. Anong ibig sabihin nun?? Nung mga bagay at larawang nakita ko? Ano yun? Bakit ako nakakakita ulit ng mga ganun? ------------------- Oh my god!! Ano yung mga nakikita ni Sharlyn? Bakit tumibok ang puso nya ng makitang ngumiti si Mr. Chua?? Hindi kaya NAINLOVE NA SYA DITO!!!!!!! Hahahahah just joking...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD