Chapter 8

2400 Words
Sharlyn's POV "This way ma'am " sumunod naman ako sa waiter na sumalubong sakin. Hindi ko mapigilang mamangha sa paligid habang naglalakad kami. Ang gaan gaan lang kasi ng ambiance tapos sinabayan pa ng malumanay na tugtog kaya may karamihan na nagsasayaw. Maganda rin ang pagkaka arrange ng bawat lamesa na pinagigitnaan ng isang maliit na paso na may bulaklak na nakatanim. Tapos isa sa mga nakakuha ng atensyon ko ay ang pagiging maasikaso ng mga staff ng restaurant. Wala kang makikitang nakasimangot sa kanila tapos kung magsalita sila ay ramdam mo talaga ang paggalang nila sayo, yung mga suot din nila sobrang formal. Pagkarating namin sa table ko ay umalis muna yung waiter, kaya nagkaroon ulit ako ng pagkakataong obserbahan yung paligid. Halata sa mata ng mga tao ang page enjoy na nagpadagdag sa ganda ng lugar. Ngayon ko lang ito nakita siguro bagong tayo lang to o baka naman matagal na hindi ko lang alam dahil nga nasa america ako ng limang taon,marami na talaga ang nagbago. "Excuse me ma'am?" napalingon ako dun sa waiter na nag assist sakin kanina. "Here's your complimentary bread and water" natakam naman ako ng makita yung tinapay, simple lang ito pero alam mong masarap. Dinagdagan pa ng may pa design ito na nagpabongga lalo sa tinapay. Hinintay ko munang mailapag ng waiter bago ito tinikman. Mmmm bakit ganun SOBRANG sarap!!! Mas higit pa pala sa inaasahan ko yung lasa nung tinapay. Sobrang lambot nyang nguyain at malalasahan mo ang naglalaban na tamis at alat nito. Inaamin ko na mahilig ako sa matatamis, dati pa nga walang araw na wala akong dalang matamis na pagkain. Natigil nga lang nung maospital ako pero pagkalabas ko ng ospital wala parin namang nagbago,matigas kaya ang ulo ko. "Just call me when you are ready to order, ma'am " tango lang ang naging sagot ko dahil kumuha ulit ako ng piraso nung tinapay at masayang kinain. Habang nasa kalagitnaan ng pagkain ko ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kaya nabitawan ko yung kutsara at agarang napahawak sa aking ulo. Mas lalo itong kumirot kaya napadungo ako at naipikit ang mga mata. "Napakaganda nyang bata at talagang nakuha nya sayo ang magaganda mong mata,ang mga matang kapag aking tinititiga'y para akong dinadala sa ibang mundo" "Tama ka aking mahal-oww oww nakita mo yun mahal ngumiti sya NGUMITI SYA!!! " "Hahaha nakita ko aking mahal kaya hindi mo na kailangang sabihin at baka magulat sya't umiyak" "*pout* Ganun ba talaga sila kapag may naririnig silang sumisigaw" "Ganun nga mahal hindi ba nga umiyak rin si **** nung napasigaw ka sa tuwa dahil ngumiti ito." "Ayy oo nga nu hehehe nakalimutan ko na. Mmm shorry baby at sumigaw si mommy wag kang iiyak ha?------WAAAHHHHHH NGUMITI ULIT SYA!!! -" "Mahal wag kang sumigaw at baka...." *UNGAAAA!!!! * "umiyak sya" "Wahhhh mahal umiiyak si **** anong gagawin natin" ---- "Ma'am,okay lang po ba kayo? " agad na naglaho ang eksena na nakita ko ng imulat ko ang aking mga mata. "Ma'am?" dahan dahan akong napatingala dahil sa tawag na yun. Ito yung waiter na nag-aasisst sakin, halata sa mukha nya ang pagaalala. "Ma'am ayos lang po ba kayo? " ulit nitong tanong. "A-ayos lang ako" "Sigurado po kayo? " "Yes...umm kailangan kong pumunta sa banyo" "Gusto nyo po bang samahan ko po kayo? " "No just point me the way" wala naman na itong inufer pa na tulong at itinuro nalang sa akin yung daan. Pagpasok ko sa cr ay agad akong lumapit sa malapit na lababo,nilapag ang bag na dala ko at napatitig sa salamin. Kitang kita ko yung namuong pawis sa noo ko pababa sa labi ko. Anong ibig sabihin nung nakita ko?? Sino yung lalaki?? Yung babae?? At mas lalong sino yung bata? Bakit ang labo ng mukha nila?? Wala ring boses kapag nagbabanggit sila ng pangalan na hindi ko maintindihan kung bakit? At higit sa lahat ANO YUNG NAKITA KO??!!! Ang dami daming katanungan ang nabubuo ngayon sa isipan ko at hindi ko alam kung anong gagawin. Para akong bumabalik sa pagkabata ko, yung mga panahon na lagi akong may nakikitang mga eksena na katulad ng nangyari kanina, pero kapag matutulog lang ako. Noong bata pa ako ay lagi akong nananaginip ng hindi ko maintindihang mga eksena. Nung una ay hindi ko pinapansin dahil sabi ni mom natural lang daw yun kasi baka daw nangyari na yun sa dating ako at pinapaalala lang sakin. Pero ng magtuloy tuloy iyon ay nakaramdam na ako ng takot at pagtataka. Para akong binabangungot at gigising nalang ako bigla ng pawis na pawis minsan pa nga ay nagsisisigaw daw ako sabi ni mom. Hindi man ganun kalinaw yung bawat eksena sa panaginip ko pero pakiramdam ko may mga pahiwatig yun, tumigil lang talaga yung ganung panaginip ko ng tumungtong ako ng highschool na sobrang pinagpapasalamat ko. Pero pakiramdam kong nagbabalik na naman yun. Napahilamos ako dahil sa kabang nararamdaman ko nung maisip ko na babalik ulit yung hindi ko maintindihang panaginip. Narinig kong may pumasok rin dito pero hindi ko na pinaglaanan ng oras tignan kung sino yun. Naghilamos pa ako ng isang beses bago nag angat ng tingin. Kinuha ko yung panyo ko sa bag at pinunsan yung mukha ko--- "Sabi na nga ba't kilala kita e" Literal na napahinto ako sa pagpupunas ng may magsalita sa gilid ko. Hindi ko inaasahan na mapapaaga ang paghaharap naming dalawa. Sinasadya ba to ng tadhana, na magkita kaming dalawa? Makalipas ang ilang taon makakaharap ko ang taong naging dahilan ng pagdurusa ko ang sumira sa pinapangarap kong maganda at tahimik na pamilya...... SI ATE SHANE. Hindi ko agad sya nilingon dahil pinapanalangin ko muna sa kataas taasan na sana nagiilusyon lang ako. Pero kahit anong panalangin ang gawin ko ngayon ay alam ko sa sarili kong nandyan sya at makakarap. "Hindi ko ineexpect na makikita kita ngayon. How are you my little sister?" halata sa boses nya pagkasarkastiko. Dahan dahan kong ibinaba ang panyo sa mukha at umakto na parang hindi sya narinig. Tama Sharlyn mas magandang ikaw nalang ang umiwas. Kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sya sakin gamit yung nakakapikon nyang ngisi. Yung ngisi nyang nakakaakit sa lahat ng kalalakihan. Medyo nakahinga ako ng maluwag nung humarap na sya sa salamin. Kahit hindi ako lumilingon sa kanya at nakikita ko ang lahat ng galaw nya. Kung paano nya kinuha sa bag ang lipstick nya. Kung paano nya nilagyan ng foundation yung mukha nya. "Hindi ka ba natutuwa na nagkita tayo ngayon? " hinding hindi. Gusto ko sana yang isagot sa tanong nya pero mas minabuti kong panindigan ang hindi sya pansinin. Wala akong pakealam kung magsalita sya ng magsalita dyan i will never talk to her. She never change laging sinasabi lahat ng nasa isip. Kung kanina plano kong magtagal dito para makapag isip isip kung ano yung nakita ko kanina. Nagbago na ang isip ko,iisipin ko palang na magkasama kami ni ate ngayon. Para na akong nasusufocate oa mang pakinggan pero yun ang nararamdaman ko. Sino ba namang matinong tao ang makikipag-kamustahan sa taong naging dahilan ng paghihiwalay nyong mag asawa? Ha? Sabihin nyo sakin at bibigyan ko ng THE MOST PATHETIC PERSON AWARD. Hindi lahat ng tao na nagkasala satin ay kailangan nating patawarin minsan mas maganda pang kalimutan o lampasan kesa makipagbatian. Ng matapos ako ay inayos ko na yung mga gamit na ginamit ko at binitbit na ang bag. Kung dati ay titingin muna ako sa salamin at titignan sa panghuling sandali ang itsura ko ngayon ay hindi ko na ginawa. Buti na nga lang at naramdaman ni ateng ayaw kong makausap sya e. Hinawakan ko na ang doorknob ng pintuan at inikot na ito para mabuksan. "Kamusta na nga pala yung mga pamangkin ko? Sana makilala na nila ako" Hindi ko natuloy ang pagbubukas ng pintuan at gulat na gulat na napalingon sa kanya. Naglalagay parin sya ng lipstick habang nasa salamin ang atensyon. "A-Anong sinabi mo?" gusto kong kompirmahin kung totoo ba yung narinig ko o guni guni ko lang. Nakangiti o mas magandang sabihin na nakangisi syang lumingon sa akin habang ibinabalik sa bag ang lipstick na ginamit nya. "Bakit mukhang gulat na gulat ka?, gusto ko lang naman kumustahin yung mga pamangkin ko masama ba yun? " nagsalubong ang dalawa kong kilay at ipinaramdaman sa kanyang hindi ako natutuwa sa mga pinagsasabi nya. "Paano mo nalamang may anak ako? " "Well, i have my own ways para malaman ang nangyayari sa buhay mo, my sister" agad na pumasok sa isip ko kung ano yung tinutukoy nya na paraan. Ayaw ko mang isipin na sya ang may pasimuno nun pero sinasabi ng isang parte ng isip ko na may posibilidad na ya ang nasa likod nun. "Pinapasundan mo ba ako?" "H-ha what!? " parang gulat na gulat sya sa tanong kong yun pero walang nagbago sa ekspresyon ng mukha ko. "Pinapasundan mo ba ako? " paguulit ko "Of course not, yes i have my own ways pero hindi ko gagawin ang pasundan ko. Its just a waste of time and money" hindi ako nakumbinsido sa sagot nyang yun. I know ate, she can fool averyone. At paano naman nya malalamng may anak ako kung hindi nya ako papasundan,di ba?. Kung sa parte naman nila mom alam kong wala na silang kahit na anong kumonikasyon. Our parents really hate her for what she did to me. Kaya hindi talaga ako naniwala sa sinabi nyang yun. "Siguraduhin mo lang" tumalikod na ako para lumabas. "Binabantaan mo ba ako?" natatawa nyang tanong sakin dahilan upang lingunin ko ulit sya. "Kung yun ang dating sayo .....wag ko lang mahuhuli na ikaw nga ang nasa likod nung mga nagmamanman sa mga galaw ko at baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sayo" pagkatapos kong bitawan ang mga katagang iyon ay tuluyan na akong tumalikod sa kanya at lumabas. Napabuntong hininga na lamang ako at napagdesisyunang bumalik sa table ko. Hindi na ako nagsayang na oras na magorder at sinabihan ko narin yung waiter na itatake out ko. Medyo nagulat pa nga ako sa presyo nung bawat dish, isang dish palang aabot na ng isang libo. Naisip ko na kasama siguro dun ang ganda ng paligid at hindi ko ri n itatanggi na sa menu palang mukhang masarap na. Sandaling nawala sa isip ko ang pagkikita namin ni ate kanina dahil sa mga taong nasa paligid ko. Lahat sila ay nakangiti at nakakahawa yung ngiti nila. Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Kendall hindi para tulungan ako sa mga bitbit ko kung hindi para kunin yung pasalubong na para sa kanya. Langya talaga e kitang nahihirapan na ako hindi man lang nagkusang tulungan ako. Sumapit ang gabi at hindi parin ako makaramdam ng antok. Tulog na ang mga bata kaya lumabas na ako sa kwarto nila, bumaba muna ako para kumuha ng tubig sa kusina. Habang umiinom ay bumalik na naman sa alala ko yung eksena kanina. Sa totoo lang hindi mapigilang kabahan dahil nga sa alam ni ate na may anak ako. Sumasagi kasi sa isip ko na baka alam nya narin kung sino ang ama ng mga bata. Advance man ako magisip pero anong magagawa ko, hindi ko inaasahang sa limang taon naming walang koneksyon sa isa't isa. Malalaman ko nalang na sinusundan nya pala ang lahat ng kilos ko. Pinapanalangin ko lang na wag nyang sabihin kay Blake na may anak kami dahil hindi pa ako handa at kahit kailan ay hindi ako magiging handa. "May problema ba?" Muntikan ko ng mabitawan ang baso na hawak hawak ko ng biglang may magsalita sa likuran ko. Lumingon naman ako at naabutan ko si Kendall na nakasandal sa may bukana ng kusina at mariing nakatitig sakin. "Ba't ka ba nanggugulat? " inis kong tanong sa kanya habang hawak hawak ang dibdib, hindi nya ako sinagot kaya alam kong seryoso sya ngayon. "Kanina ka pa ba dyan? " tumango naman sya. "Sa totoo lang nasa likod mo lang ako habang papunta ka dito" nagulat ako sa sinabi nyang yun, ba't di ko naramdaman??. "Mukhang may dinadala ka ah, care to share? " nahalata nya pa pala yun. Bumuntong hininga ako at umupo sa isang silya, umalis naman sa pagkakasandal si Kendall at umupo sa katapat kong upuan. "Nagkita kami ni ate kanina" kitang kita ko kung paanong ng seryoso nyang mukha ay napitan ng pagkagulat. "T-Talaga paano nangyaring nagkita kayo nung babaing yun?" kinuwento ko naman sa kanya ang lahat walang labis walang kulang. Pati narin yung paghihinala ko kay ate na sya ang nagpapamanman sakin. At ang posibilidad na sabihin ni ate kay Blake na may anak kami. "Kendall ano ng gagawin ko natatakot ako?? Baka makalawang araw sumugod nalang bigla dito si Blake at sapilitang kunin ang mga bata sakin" ramdam ko ang pamamasa ng mga mata ko, hinawakan ni Kendall ang mga kamay kong nakapatong sa lamesa at pinisil iyon. "Wag kang mag-isip Sharly--" "Pero di ko maiwasan lalo pa ngayon na higit sakin sayo at sa pamilya ko ay may nakakaalam pa na may anak ako" pagpuputol ko sa sasabihin nya, bumuntong hininga naman sya at pinisil ulit ang mga kamay ko. "Oo pwedeng mangyari yun pero hindi mo rin ba naisip na kapag sinabi ng malandi mong ate kay Blake na may anak sya sayo sa tingin mo hindi sya iiwan ni Blake at bumalik sayo? " natigilan ako sa sinabi nyang iyon. "O kung hindi man sya iwan ni Blake pwede ring mawalan ng oras sa kanya ito at ituon nalang ang atensyon sa anak nyo" "G-Ganun ba yun? " tumango tango naman sya at pinapakita saking tama ang kutob nya. "Meron pang isa" "Ano naman yun? " "Nakakalimutan mo na bang matalino ang malandi mong ate. Siguradong alam nya sa sarili nyang kapag sinabi nya kay Blake ang tungkol sa mga bata ay iwan sya nito lalo pa't sa pagkakaalam ko ay hindi pa sila nagkakaroon ng anak" "Sa bagay tama ka nga" "Kaya wag mag iisip ng mga ganyan always go in positive side kapag may ganyang mga sitwasyon. Wag mong hahayaang lamunin ka ng takot at kaba remember Sharlyn ang utak. Yan ang nangunguna dahil yan dapat ang gamitin at pairalin kapag nasa ganitong sitwasyon" napangiti na lang ako dahil sa mga sinabi ni Kendall,paano kaya ako kapag wala sya? Siguradong napapapraning na ako ngayon. Buti nalang talaga at swerte ako sa kaibigan kong to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD