CHAPTER 12

2993 Words
Sharlyn's POV "Siguro sapat na itong binili ko para mabusog ang isang yun nu?" napatingin ako sa magkabilang gilid ko. Dalawang plastic na Jollibee ang binili ko alam ko kasing kukulangin pa kay Kendall ang isa at para narin sa mga bata. Buti nalang talaga at hindi ako ganung nagtagal sa loob. Aba'y napakalamig kaya... Nagsimula na akong tumawid papunta sa kabilang kanto dahil doon naka park ang sasakyan ko nang may napakabilis na sasakyan ang papunta sa gawi ko. Hindi naman ako kaagad nakakilos at parang naestatwa sa kinatatayuan ko, I close my eyes and wait for the car to hit me. Pero isang malaking palad ang humatak sa braso ko dahilan ng pagkahulog ng mga dala ko. Ramdam ko rin na gumulong kami habang hawak hawak ng kung sino yung ulo ko. “Miss,are you okay?” I slowly open my eyes and the first thing I see is a pair of deep-dark brown eyes,that can make you cry. Makapag-papaiyak sayo hindi dahil sa takot kundi sa lungkot at pangungulila na nararamdaman ng nagmamay-ari ng mga matang iyon. “Miss,are you okay? May masakit ba sayo?” “A-ah…y-yes, I’m okay” mukhang nakahinga naman ito sa sagot kong yun at tinanaw yung kotse na sasagasa sana sakin, na parang walang nangyari kasi hindi manlang huminto para manghingi ng sorry sakin. Hindi ko man gustong isipin pero pakiramdam ko…sasagasaan talaga ako nung kotse. I’m in the pedestrian line,but still he/she didn’t stop when I’m about to cross. Nahihiyang tumayo ako dahil halos lahat ng tao ay nakatingin na samin. Lilingunin ko na sana yung tumulong sakin nang may tumawag sa pangalan ko. “Ate Sharlyn!!” Hindi ko pa man lingunin kung sino yun, kilala ko na kung kanino ang boses na yun. At tama nga ako ng hula nang makalapit ito sakin. “Keifer,anong ginagawa mo dito?” hindi ito nag-abalang sagutin ang tanong ko dahil tinadtad nya na ako ng tanong. “Ayos ka lang ba?Nakita ko ang lahat,muntikan ka ng masagasaan dahil dun sa black na Porsche. Baka may sugat ka, tara pumunta na tayo sa ospital. Hindi rin natin alam, baka may bali ka na. Ano, sumagot ka ate Sharlyn? Lagot talaga sakin ang driver---” “Keifer,ayos lang ako. Walang bali, sugat at walang dadalhin sa ospital. I’m perfectly fine,so just relax and stop worrying about me.” “Pero---” “I thought you see everything?” “Mmm,simula nung papatawid ka--" “So, nakita mo rin na may nagligtas sakin, hindi ba?” mukhang nakuha nya na ang gusto kong iparating dahil natahimik sya, “Alam kong nag aalala ka lang para sakin, thank you Keifer. Okay lang…talaga…ako” hindi pala ako okay. Anong ginagawa nila dito? Kasunod ni Keifer sina Vince, Ate Shane at… Blake. Agad na dumapo ang mga tingin ko sa mga kamay ni Ate Shane na nakalingkis sa braso ni Blake. Napaiwas ako ng tingin nang makaramdam ng kirot sa aking dibdib. Hindi ko man nagustuhan ang nakita ko pero mas hindi ko nagugustuhan yung nararamdaman ko. “Ate Sharlyn?” napatingin ako kay Keifer ng tawagin nya ako at binigyan sya ng nagtatanong na tingin. “Are you sure na ayaw mo talagang dalhin sa ospital?” hindi ko napigilang mapangiti dahil sa concern sakin ni Keifer. He never changed,he always care for me. I put my two hands in his shoulder and then pinch his right cheek then gave him my assurance smile. Dun ko lang rin naalala si Mr.Deep-dark Eyes, agad akong napabitaw kay Keifer at tumingin sa likod ko. Naglalakad na ito at parang walang nangyari,pero kahit anong tago nya ay hindi nakaligtas sa mga mata ko ang hindi nya maayos na paglalakad at sugat sa may siko nya. Hindi ako nagdalawang isip na habulin sya na ikinagulat ni Keifer,tinawag nya pa ako pero hindi ko sya nilingon. Kailangan kong makapagpasalamat kay Mr.Deep-dark Eyes,dahil kung hindi sa kanya ay baka na sa ospital na talaga ako ngayon. “KUYA!!!” Nagtagumpay naman akong patigilin ito sa paglalakad kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa naabutan ko na sya. “Hah,hah,hah… T-thank you nya pala,” hinihingal kong sabi sa kanya, grabe napagod ako dun. “Utang ko sayo ang buhay ko.” Wala akong nakuhang sagot kaya napaangat ako ng tingin,nakatingin ito sakin pero mukhang ibang tao ang nakikita nya. Nasabi ko kanina na talagang mapapaiyak ka kapag nakita mo yung mga mata nya. Hindi ako nagbibiro,there something about his gaze that even he smile I can tell that his in pain. And before I realize…my tears start to fall. “A-are you okay?” “Huh?” “You are crying,” nakapa ko agad ang pisngi ko at tama nga sya umiiyak na ako. “A-ah wala to,napuwing lang ako…” deny ko “Sumama ka sakin.” And before he complain I already grabbing him. Natandaan ko kasi na may first aid kit sa kotse ko,kadalasan kasing nagkakasugat sina Brayle kaya handa na ako sa mga bagay na ganito. Buong atensyon ay nakatuon sa paggamot sa sugat nya ng magtanong sya. “Anong pangalan mo?” sandali akong napahinto pero bumalik ulit sa panggagamot sa kanya. “Sharlyn,Sharlyn Mae,how about you?” “Bailey James,” napatango-tango naman ako ,his name suits him. “How old are you?” “25---” “Hoy,hoy,hoy, anong how old are you-how old are you ka dyan. Akin na nga yan ate Sharlyn at ako ang gagamot dyan, di ba ang pangalan mo Bailey,” “A-ah,yeah” “Alam mo Bailey hindi available ang ate Sharlyn ko kaya tigilan mo na yang binabalak mo,” kunot noo akong napatingin kay Keifer na ngayon ay ginagamot na si Bailey. Anong pinagsasabi ng isang to? At saka kanina pa ba sya nandito…a-ah I mean sila? Hindi ko magawang lumingon sa likuran ko dahil pakiramdam ko may mga matang handang pumatay ang nakatingin sakin. Hindi ko talaga sila napansin ,kung hindi pa siguro umepal si Keifer ay hindi ko malalaman. “Kasi nga busy ka sa panggagamot,” Literal na tumaas lahat ng balahibo ko sa batok ng magsalita si Vince sa gilid ko. Tinapunan ko naman sya ng nakakamatay na tingin na mukhang wala lang sa kanya dahil patuloy lang sya sa pagtipa sa cellphone nya. “Napansin mo rin?” mahina lang yung pagkakatanong nya pero agad kong narinig iyon. Tumango naman ako at ibinalik ang atensyon kela Keifer. Sa kanilang tatlo si Vince ang pinaka-nakakakilala sakin, we used to be a best friend dati dahil narin kay Kendall but everything change pagkatapos ng angyari nung araw na yun. Vince changed and our friendship changed too,nagbalik lang siguro sa dati nung magkakilala kami ni Blake, na kaibigan pala ni Vince nung panahong iyon. Mas matanda ng dalawang taon sakin si Vince kaya para ko na syang kuya. Mahilig kaming gumawa ng kalukuhan lalo na kung wala si Kendall, sakin nga siguro namana ni Jhon ang pagiging loko-loko e. Alam kaagad ni Vince kapag may problema ako at ganun rin ako sa kanya. Ang isa nga lang sa pinakakinaiinisan ko ay, alam nya rin kapag may tinatago ako. Kaya wala talaga akong sikreto kay Blake dahil nire-report kaagad sa kanya ni Vince. Isa rin sa mga dahilan kung bakit sya ang mas close ko sa tatlo, sa kambal nya. May kambal na babae si Vince,si Vera. Palagi kasi yun nagsasama ng loob sakin kapag nag-aaway sila magkapatid,na pati sikreto ni Vince nakukwento nya sakin. At hindi man halata pero…matalino si Vince. Mas matalino nga lang si Blake pero mapapahanga ka na lang talaga kay Vince once na magsalita sya, na kahit kasinungalingan paniniwalaan mo. Kaya nga sya ang tutor namin ni Kendall kapag malapit na ang exam. Ang biggest turn off nga lang sa kanya ay ang pagiging babaero. “O ayan tapos na,” “Thank you,” “Welcome, yung sinabi ko sayo wag mo kakalimutan HINDI AVAILABLE SI ATE SHARLYN. Nagpapasalamat ako na niligtas mo sya pero hindi meaning nun magkakaroon ka ng pag-asa,nagkakaintindihan ba tayo?” “Hahaha Yeah,yeah. I just want to comfirm something and that’s all.” Aamba pa sanang magsalita si Keifer kaya pumagitna na ako,sa lahat ng tao si Keifer ang pinakamadaldal na nakilala ko. “O sya tama na yan… Bailey, maraming salamat talaga sa ginawa mo kung hindi mo ako tinulungan baka nasa ospital na ako ngayon,nag aagaw buhay.” Para sa mga anak ko. “Your welcome,Sharlyn” “Gusto mo bang ihatid kita sa inyo?...Sa lagay mong yan mahihirapan kang umuwi.” “Anong---” “Keifer” agad naman syang napatikom ng bibig ng panlakihan ko sya ng mata. “Hahaha, you don’t have to,Sharlyn.” “Sigurado ka…” “Mmm…Basta sa susunod mag iingat ka,hindi mo alam kung kailan darating ang piligro.” Hindi ko alam pero nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan,para kasi syang nagbabanta sa tono ng pananalita nya. “I better go now,” “S-salamat talaga,sabihin mo lang kung anong pwede kong gawin para makabawi sa ginawa mo,gagawin ko.” “Aasahan ko yan.” Nagsimula na syang maglakad, and I don’t know if I’m just imagining o talagang nakakita ako ng kuryente ng magtama ang mata nilang dalawa ni Blake. “So,anong napansin mo?” napabuntong hininga muna ako bago lumingon sa kanya,sabi ko na nga ba at kanina pa ang isang ito nagtitimpi magtanong. “Sa tingin ko ay… sadya to? Hindi pa ako sigurado. “ nilagay ni Vince ang kamay sa may baba nya at tumingin sakin ng diretso. At alam na alam ko ang tingin na yun,gusto nya pa ng impormasyon. Lagi kong nakikita ang tingin na yan dati lalo na nung kami pa ni…Blake. Dahil nga sa sikat sila hindi pa rin maiiwasan na pagkaisahan ako ng mga babaing patay na patay sa kanila,lalo na kay Blake.Kaya pagnagki-kita-kita kami kadalasang may kalmot ako. At dahil nga si Vince ang mas nakakakilala sakin,alam nyang may gumawa nun at hindi lang disgrasya. At yang tingin nya na yan ang dahilan kung bakit nakakapagsabi ako ng totoo. “Matagal na…pakiramdam ko matagal ng may nagmamanman sakin. Lalo na nung nasa america, everywhere I go I can feel their stares. Nung una akala ko guni-guni pero hindi pala,lalo na nung muntikan na nilang kidnapin si Princ---” para akong biglang natauhan ng malapit ko ng mabanggit ang pangalan ng anak ko. Nakatingin sila sakin at hinihintay ang susunod kong sasabihin,pero hindi iyon ang pinuproblema ko kung hindi ang taong nasa likuran ko. “Kailangan ko ng umuwi.” Wala sa sarili kong saad at sumakay na sa sasakyan, tatawagin pa sana ako ni Keifer pero pinigilan sya ni Blake. Agad kong binuksan ang makina ng sasakyan at walang lingon lingon na umalis doon. **** “Bakit ngayon ka lang?” yan kaagad ang bungad sakin ni Kendall ng makapasok ako sa bahay. Naka-dekuatro itong nakaupo sa may single sofa namin at seryosong nakatingin sakin. “Hindi mo ba alam kung anong oras na? Alas-dies na po, ALAS-DIES ng gabi. Hindi mo ba alam na ang hirap patulugin ng mga anak mo dahil ikaw ang gusto nilang magpatulog sa kanila. Tapos hindi mo manlang naisipang mag-text sakin na gagabihin ka pala ng uwi---huh! Oy,ano ba? Akala mo siguro makakalagpas---” “Kendall,” Totoong ginabi ako ng uwi,mas naisipan ko kasing magpahangin muna. At habang nagpapahangin ay pilit kong tinatandaan kung may nagawan ba ako ng masama. Hindi kasi biro yung nangyari sakin kanina,buhay ko ang muntikan ng mawala. Kaya hindi ko talaga alam kung paano ko papasalamatan si Bailey, sya rin naisip ko hindi talaga mawala wala sa isip ko yung mga mata nya isabay pa yung sinabi nya sakin. At ang huli ay yung muntikan ko na namang mabanggit ang tungkol sa mga bata,buti nalang talaga’t hindi ko natuloy. Pero sa paraan ng pagpapatigil ni Blake kay Keifer …parang inaasahan nya na yun. Buong gabi lang akong nakayakap kay Kendall at nag papasalamat naman ako dahil hindi nya na ako binungangaan ng mahalatang may problema ako. Mali ba ang naging desisyon kong umuwi dito? FEW DAYS LATER “Brayle,smile” “Hmph” “Brayle naman,hayaan mo namang masilayan ng maganda mong ang rare mong ngiti.Aba’y pumunta tayo dito,hindi para bumusangot ka. Enjoy yourself here in MALL OF ASIA!!” Napatampal na lamang ako sa aking noo dahil sa ikinikilos ni Kendall. Kanina nya pa kasi kunan ng picture si Brayle dahil sya nalang ang hindi pa nakukunan ng litrato,pero dahil nga sa dakilang masungit ang anak kong may pinagmanahan ay grabe talaga ang hirap ni Kendall. “Ano ba,bakit ba kasi ayaw mo? Beshy,tulungan mo naman ako dito,para rin naman to sa frame na ipapagawa ko.” Hindi ko sya pinansin at inilibot lang ang tingin sa paligid. Matagal na rin nung huling punta ko dito sa MOA, at talagang ang daming nagbago. Weekdays meaning no work, nag suggest si Kendall na dalhin daw namin ang mga bata dito para magbonding. Ang sabihin nya,para makalimutan ang inis na nararamdaman nya sa jowa nyang ghoster, akala nya siguro hindi ko alam na hindi sumipot si Clarence nung nakaraang araw na dapat ay date nila. Paano ko di malalaman,hindi pa ako nagtatanong kung bakit ang aga nyang umuwi,nakabusangot na agad tapos kaunti nalang iiyak na. “Sharlyn?” napatingin ako kung saan nanggaling yung tumawag sakin at ganun nalang ang naramdaman kung saya ng makilala ito. “Ikaw nga yan.” “Kuya Ken,” “Kailan ka pa kayo nakauwi?Bakit hindi nyo sinabi sakin para ako ang sumalubong sa inyo---Ito na ba sina Princess at Jhon? Bakit ganun…kamukha ko?---ARAY!!” “Can you lower your voice,Kuya nakakahiya sa mga tao.” Tignan nyo,nagsalita ang hindi tsk.tsk.tsk Napalingon ako kay Princess ng hilain-hilain nito ang laylayan ng damit ko.”Why,Baby?” itinuro nito si Kuya Ken na ngayon ay nakikipagbangayan kay Kendall, hindi talaga maipagkakailang magkapatid sila sa pagiging maingay pa lang nila,alam mo. “Sya ang Tito Ken nyo,older brother ni Tita Kendall.” “No wonder,they’re both noisy.” Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabing iyon ni Brayle,dahil totoo naman. “HOY,BATANG MASUNGIT NARINIG KO YUN!!” “Tss” Inirapan lang nito ang tita Kendall nya at binuklat ang librong kanina nya pa dala-dala. “He really resemble his father.” Halos atakihin ako sa puso ng bumulong sakin si Kuya Ken. “Ano ba kuya Ken,wag mo nga akong ginugulat!” “Hehehe,sorry” “And please don’t mention that man when the childrens are around,baka marinig ka nila.” Umakting naman syang nagsasara ng bibig at nag-okay sign pa,kahit kailan naman talaga oh. “Ano nga palang ginagawa mo dito Kuya Ken? Sa pagkakaalala ko e hindi ka mahilig sa mga tao maliban nalang sa bar.” “Grabe ka naman maka-bar, baka isipin nitong mga pamangkin ko e lasinggero ang gwapong Tito nila…di ba Princess~” takot namang nagtago sa likod ko si Princess ng akmang kukurutin sya sa pisngi ni Kuya Ken. “Hahahaha,paano ba yan Kuya?...hindi mahilig sa mga panget ang pamangkin ko,tama ako diba Princess?” biglang sulpot ni Kendall sa likod ko at binuhat si Princess, at tuwang tuwa pa ang babaita ng tumango ang anak ko. Para namang pinagbagsakan ng langit at lupa si Kuya Ken sa nasaksihan,para syang batang inapi o kaya naman ay batang pinagkaitan ng piso dahil sobrang haba talaga ng nguso nya. “So,bakit ka nga nandito Kuya Ken?” tanong ko ulit at para rin tigilan nya na ang pagnguso dahil nakakadiri. “Para sa meeting…ANG MEETING!! Sharlyn,I’m sorry I need to go siguradong lagot ako neto kela Mom. See yah next time. Jhon,Brayle…Princess,aalis na ang Tito nyong gwapo.” Pati ba naman sa pagpapaalam hindi nawawala ang gwapong salita,tsk.tsk.tsk. Nakipag-apiran pa sya kela Jhon at Brayle at pasalamat talaga dahil sumabay ang dalawa sa kabaliwan ng Tito nila,lalo na si Brayle. Kaso nga lang nang akma na itong lalapit kay Princess ay nagpumiglas ang bata kaya nabitawan sya ni Kendall. Nataranta naman kami ng biglang tumakbo si Princess,at wala pang isang segundo ay tumakbo narin ako para habulin si Princess. “PRINCESS,STOP!!” malakas kong sigaw na nag-cause ng atensyon sa amin,but I don’t care. All I care about is my daughter, who is now running for no apparent reason. Parang hindi nito narinig ang sigaw ko at lumiko,mas binilisan ko naman ang pagtakbo ko at saktong pagliko sa nilikuan nya ay may isang tao akong hindi inaasahang makikita ko dito. “Are you okay,baby girl?” “Princess,” “Mommy,” agad akong lumapit sa anak kong natumba sa sahig. Kahit hindi ko nakita ang nangyari ay alam ko na kung paano natuma si Princess. “Are you okay,baby?” “Yes,po Mommy” nakahinga naman ako ng maluwag sa sagot nyang iyon at lumuhod para pantayan sya. “Bakit ka ba kasi tumakbo? Alam mo bang pinag-alala mo ko,” “Sorry” huminga naman ako para hindi sya mapagtaasan ng boses,kailangan kong maging mahinahon sa mga ganitong sitwasyon lalo pa’t may kutob akong hindi lang yung alam kong dahilan ang dahilan ni Princess kung bakit sya tumakbo. “Sabihin mo kay Mommy kung bakit ka tumakbo,dahil ba natakot ka kay Tito Ken?” mabilis naman syang umiling, “Eh,ano?” naitikom nito ang mga bibig kaya mas lalo akong nagkaroon ng dahilan para malaman ang sagot nya. “Princ---” “Mommy,pwede po bang umuwi na tayo? And I will tell to you when we get home…please,” “O-okay…” “I love you,Mom” kahit nagtataka ay gumanti rin ako sa sinabing iyon ni Princess at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. “I love you too,my Princess” *EHEM*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD