CHAPTER 11

2365 Words
Sharlyn's POV Sa mga nagdaang araw ay hindi parin mawala wala sa sistema ko yung takot at kaba na naramdaman ko nung araw na yun. Tuwing uuwi ako para akong timang na titingin-tingin sa paligid kung may sumusunod ba sakin. Lagi rin akong wala sa sarili dahil iniisip ko kung may nagawan ba ako ng mali noong bata pa ako. Wala naman akong matandaang ginawan ng masama kaya palaisipan parin sa akin kung sino nga ba ang nasa likod ng mga nangyayari samin. Hindi nya ba naiisip na nakakatakot at nakakabahala ang mga pinag-gagagawa nya. Kung may galit sya sakin wag naman nya daanin sa pasunod-sunod. Alam ko ring nahahalata ng mga tao sa paligid ko ang weird kong mga kilos. Lalong lalo na sina Kendall at Brayle. Hindi lang ako matyempuhan ni Kendall dahil abala sya sa kanyang trabaho. Si Brayle naman ay masyadong matalino para hindi makahalata, kilalang kilala ako ng batang yun katulad ng pagkakakilala ko sa kanya. Wala nga lang syang ginagawa na pinagpapasalamat ko,nililibang lang nya sina Princess at Jhon para hindi mahahalata sa pagbabago ko. Ayoko na mag-alala sila sakin hindi ko rin gustong makaramdam sila ng takot katulad ng takot na naramdaman ni Princess nung sa mall. Kitang kita ko kung paano sya manginig kahit nakangiti sya nung mga oras na yun, pinanatili lang nyang maging mahinahon katulad ng bilin ko. Pero hindi ibig sabihin nun na hahayaan ko ulit maramdaman nya yun, nilang tatlo. Mahalaga para sakin ang mga anak ko at kaya kong gawin ang lahat para lang sa kaligtasan nilang lahat. "Oy, Lein tignan mo si sir Blake nakatingin na naman kay ate Sharlyn" Natigilan ako sa pag-iisip at natuon ang atensyon sa nagdadaldalang si Lein at Bea, ang dakilang tsismosa sa mga empleyado ko. Hindi ko sila nililingon pero nakatuon naman ang tenga ko sa pinaguusapan nilang dalawa. Ano naman kayang pinag-uusapan ng dalawang to? At nadamay ang pangalan ko at ni Blake. "Hala, oo nga nu lagi ko rin syang naaabutang nakatingin kay ate Sharlyn nitong mga nagdaang araw" "Hihihihihi,kinikilig ako" "Huh? Bakit naman? " "Baliw hindi pa ba halata, may gusto si sir Blake kay ate Sharlyn!" "Oh my go--" "Wala ba kayong gagawing trabaho Lein, Bea? " halatang nagulat sila sa bigla kong paglingon at pagkausap sa kanila dahil hindi agad sila nakapagsalita. "Ano pang ginagawa nyo? Back to work!!" taranta naman silang bumalik sa mga pwesto nila. Napailing na lamang ako "Ang dalawa talagang yun" Iikot na sana ako para bumalik sa pagtatrabaho ng mahagip ng mata ko si Blake. Prente itong nakaupo sa may isang sulok, may nakapwesto doong isang mahabang table at upuang shivel chair. At talagang nakatapat sa pwesto ko ang table nya na yun. Titig na titig ito sa akin at para bang binabasa ang mga galaw ko. Agad naman akong napaiwas ng tingin at bumalik sa pagtatrabaho. Ramdam ko parin ang mga malalalim nyang tingin at parang pati kaloob looban ko ay tinitignan nya. Napailing na lamang ako sa isiping iyon at bumalik sa pagtatrabaho. Lumipas ang ilang minuto ng lumapit sa akin si Jane. May kung ano sa itsura nya at parang may gusto syang sabihin sakin. "May problema ba, Jane? " may pag aalala kung tanong sa kanya. "P-pwede ko po ba kayong makausap ate Sharlyn?" hindi nya sinagot ang tanong ko at gusto nya rin akong makausap kaya alam ko ng may hindi magandang nangyari. "Sandali lang at tatapusin ko muna ito" "S-sige po" Hindi na ako nagsayang na panahon at tinapos na ang dapat tapusin. Nang matapos ko na ay niyaya ko syang sa hardin na lang kami. Tumango na lamang sya at nagsimula na kaming mag lakad. Napapalingon ako kay Jane habang papunta kami ng hardin. Halatang may problema syang pinapasan. Ano naman kaya iyon? Umupo kami sa bench na pinapailaliman ng isang puno ng mangga. "Ano bang gusto mong mag usapan natin J-jane---bakit ka umiiyak!? " nataranta ako ng bigla nalang magtuluan ang mga luha ni Jane at mabilis akong matapos "J-Jane,ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?" pero na sagutin nya ako ay patuloy parin sya sa pag iyak kaya hindi ko nalang sya tinanong pang ulit. At pinabayaang yakapin ako at sakin umiyak. Hindi ko inaasahan na makikita ko ulit na umiyak si Jane. Simula kasi ng makauwi kami dito sa pilipinas, na isang buwan na mahigit, hindi ko na sya ulit nakitang umiyak. Lagi syang nakangiti at para bang walang dala dalang kaproble-problema. Pero ngayon hindi ko alam para akong nadadala sa nararamdaman nya. Umiiyak sya at ramdam mong sa bawat pag iyak mya ay may hinanakit at lungkot. Kung ano man ang nangyari kay Jane at umiiyak sya ng ganito. Sana matapos na,hindi ko kayang makakita ng taong umiiyak. Hindi rin naman nagtagal ay nagsimula ng huminahon si Jane. Kinuha ko naman ang kanyang nasa bulsa ko at agad na ibinigay sa kanya. "S-salamat po" sinimulan nya ng punasan ang luha nya at ng matapos ay tahimik syang yumuko. "Okay na ba ang nararamdaman mo o gusto mo pang umiyak? " tanong ko sa kanya, umiling naman sya kaya tumango na lamang ako. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa kaya hindi ko napigilan ang mag kwento. "Alam mo ba nung bata ako, sobrang iyakin ko" ramdam ko ang paglingon nya sa akin kaya pinagpatuloy ko ang pagku kwento. "Lagi kasi akong inaaway nung mga bata samin. Ang sabi ang panget panget ko daw kaya wala daw akong mapapangasawa kapag lumaki na ako. E syempre bata pa ako nun,umiyak ako. Natakot kasi ako na baka walang magmahal sa akin dahil nga panget ako. Sa sobrang iyak ko nun, nahirapan akong huminga" "Hindi nga po!?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jane, lumingon ako sa kanya at tumango tango. "Totoo, yung mga nang aasar sakin nun. Natakot kasi nakahawak na ako sa dibdib ko at parang anytime malalagutan ako ng hininga...." "Tapos anong pong nangyari?" "May biglang dumating na batang babae at lalaki. Inaway nila yung mga nang away sakin hanggang sa umiyak pagkatapos ay tinulungan nila akong makahinga ng maayos ulit. Nang maayos na ako tinanong nila ako kung bakit umiiyak ko,tapos sinabi ko sa kanila. Na walang magmamahal sakin kapag lumaki ako dahil panget nga ako. Alam mo ba kung anong ginawa nila pagkatapos kong sabihin yun? " "Ano po? " "Sabay nila akong kinurot sa pisngi,hahahaha" "Huh?Talaga po? " "Mmmm" FLASHBACK "Ano bata ayos ka na ba? " tanong sakin ni kuyang pogi. "Opo, maraming salamat po" "Walang anuman, ano bang dahilan bakit ka umiiyak? Sinaktan ka ba nung panget na nga batang yun? " napatingala ako para makita kung sino yung nagsalitang yun. Kasing tangkad ko rin sya pero mukhang syang mataray, kamukha nya si Kuyang Pogi. Nag simula ng namang manubig ang mata ko ng maalala ko yung sinabi sakin nila Potpot. "S-sabi kasi nila Potpot....p-panget daw ako, huhuhuhuhu. T-tapos wala daw magmamahal sakin kapag lumaki na ako, waaaaaahhhhhh. " tulo ng tulo ang mga luha ko kaya grabe ang punas ko. "Diba ang sama sama nila? Sabi ng mommy ko hindi daw ako panget sadyang may diperensya lang talaga ang mata ng mga tao, katulad nila Potpot.... P-pero sa tingin ko hindi totoo yung sinabi ni mommy kasi---Ouch! " ramdam ko ang pagsakit ng kanang pisngi ko ng kurutin iyon ni kuyang Pogi. "Hindi ka panget bata sadyang ingit lang sila Potpot sayo kasi cute ka. At saka dapat naniniwala ka sa mommy mo kasi hindi nagsisinungaling ang mga mommy" "C-cute---Ouch!! " "Hala! Tama ka nga kuya ang cute cute nya nga ang taba tana pa ng pisngi nya. " patuloy sila sa pagkurot sa pisngi ko. "Waaaahhhhhhhh" "Hala kuya pinaiyak mo sya" "Manahimik ka dyan Leian....b-bata wag ka ng umiyak" "Paanong hindi ako iiyak ang sakit sakit na ng pisngi ko. Isusumbong ko kayo kay mommy Wahhhhhhhh!!! Mommy may gustong kumuha ng pisngi ko!!!! " "H-hala bata tahan ka na, Hindi namin kukunin yung pisngi mo. Gusto lang naman kurutin kasi ang lambot lambot" "T-totoo ba yun? " "O-oo, sorry kung nasaktan promise hindi na namin kukurotin yang pisngi mo" sabi ni kuyang pogi at tinaas pa and kanang kamay. "Pinky swear" humihikbi hikbi kong sambit at inilahad ang hinliliit ko sa harapan nya. "Pinky swear" tuluyan naman na akong tumahan at nakipag laro kela kuya Nethneth at Kendall. "Sha, wag ka ng iiyak pag sinabi nilang panget ka kasi sila yung panget, okay? " "Okay po kuya Nethneth" "Pero wag ka ring magdadalawang isip na umiyak kapag di mo na kaya, huh? " "Bakit naman po? " "Kasi Sha minsan mas mabuti pang ang umiyak kesa ang kimkimin ang sakit na nararamdaman mo. Hindi naman ibig sabihin na kapag umiyak ka e talo ka, ibig sabihin lang yun may nararamdaman ka at nasasaktan. Pero tandaan mo rin na pagkatapos kong umiyak, siguraduhin mong babangon ka ulit at haharap sa mga nang away sayo na may ngiti sa mga labi, nagkakaintindihan ba tayo? " "Opo kuya Nethneth....mmmm pero paano naman po kapag sobrang saya ko kailangan ko po bang umiyak pagkatapos tumawa---ouch!!!" "Ang cute cute mo talaga Sha---" "Waaaaaahhhhhhh!!! Mommy!!!" END OF FLASHBACK "Kaya simula nun sinabi ko sa sarili ko na iiyak lang ako kapag hindi ko na kaya. Hindi ko na hahayaan na masaktan ako ng ibang tao sa masasagot nilang salita,dahil alam kong lahat ng sinabi nila ay walang katutuhanan" pagtatapos ko sa kwento ko, nilingon ko si Jane at ganun nalang ang saya ko ng makita kong hindi na sya umiiyak. "Si Papa bumalik na po sa bahay at gusto nyang kunin ako kay M-mama... " "Ano naman sinabi ni tita?" "Syempre hindi po sya pumayag. Iniwan kami ni Papa tapos babalik balik sya hindi para makipag-ayos kundi, ano? para kunin ako" "Gusto mo naman bang iwanan si Tita? " "Syempre hindi po" mabilis nyang sagot "Hindi ko kayang iwanan si Mama kahit alam kong magiging mas maganda ang buhay ko sa puder ni Papa. Hindi kaya nga puso ko ang iwan ang mama ko" "Yun naman pala e,ano pang pinuproblema mo? " "Tinakot po ako ni Papa na kapag hindi daw ako sumama sa kanya ng kusa e idadaan nya sa korte at kapag nangyari yun maari pang mawalan ng karapatan si mama sa akin. Kilala ko si Papa tuso sya lalo pa ngayon na mayaman ang napangasawa mya, sigurado akong gagawin talaga iyon ni Papa. Hindi ko naman po alam ang gagawin ate Sharlyn, t-tulungan nyo po ako" "Wag kang mag alala Jane hindi ka makukuha ng Papa mo." "Pero paano po?" "Mas may karapatan ang mama mo sayo dahil sya ang nagpalaki sayo habang ang papa mo naman wala manlang tinulong sa pagpapalaki sayo. Tapos idagdag pa na ayaw mong sumama sa kanya. Sigurado akong matutuwa kahit umabot ito sa korte si tita ang mananalo" seryoso kong paliwanag sa kanya. Marami na akong na-encounter na ganitong sitwasyon at lahat ng nananalo ay yung nagpalaki at nag-alaga sa mga anak. "Talaga po? " "Mmmm" hinawakan ko sya sa dalawang balikat nya at binigyan ng siguradong ngiti. "Kaya wag ka ng umiyak dahil kasama mo ako. Wag ka na ring mabahala dahil maaaperktuhan lang nyan ang trabaho mo,are we clear? " "Opo" "O sige na bumalik na tayo sa loob at magtrabaho" tumayo na ako at nagsimulang maglakad ng napahinto ako dahil sa paghawak ni Jane sa kamay ko. Napalingon naman ako sa kanya. "Maraming salamat ate Sharlyn,hindi ko po talaga alam kung paano kita mapapasalamatan sa lahat ng bagay na tumulong nyo sakin. Nung una sa US tapos ngayon dito naman po sa problema ko kay Papa. Sobrang bait nyo po talaga, hindi po ako magsasawang magpasalamat sa iyon kahit na tumanda na ako utang ko po sa inyo ang buhay ko" sinseridad nyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko. Pinatong ko ang kanang kamay ko sa kamay nyang nakawak sakin at nginitian sya. "Wala ka dapat ipagpasalamat sakin, Jane. Matatag at masipag kang babae, I help you because my heart says I need to help you. At saka tama na yung sakit at pagod na naramdaman mo dati,sa totoo nga dapat hindi mo nararanasanan ang mga bagay na yun. Pero dahil nga mahal mo si tita kaya mong isugal ang profession at kaligayahan mo, at hanga ako sayo" "A-ate Sharlyn" "My only request to you is that you take care of your mother,okay?" "Opo,ate Sharlyn makakaasa po kayo na mamahalin at aalagaan ko si mama" "Mabuti kung ganun....Tara na?" "Mmmm" Hindi man ako sigurado kung anong mangyayari sa pagtulong ko kay Jane. Pero desidido akong tulungan sya sa lahat ng aking makakaya. Ina rin ako at ramdam ko ang sakit ni tita sakali mang mawala sa piling mya si Jane, at hindi ko hahayaang mangyari yun. ---- Pauwi na ako ngayon at wala naman akong ibang napapansin kaya nagpapasalamat talaga ako. Tumawag sakin si Kendall at sinabing gusto nya akong makausap kaya may kutob nya akong tungkol yun sa pagbabago ko, handa narin naman akong sabihin sa kanya. Mas maganda nga iyon dahil sa tingin mabibigyan mya rin ako ng payo na kailangang kailangan ko ngayon. *TING* Napatingin ako sa cellphone kong nasa dash board ng marinig kong tumunog ito. Mukhang may nag text ahh, sino naman kaya? "Si Kendall lang pala, ano naman kayang kailangan nito? E kakausap lang namin ahh" Hi beshy,alam ko naman na ubod ka ng bait at talaga namang walang makakatalo sa aking mong kagandahan.PWEDE MO BA AKONG BILHAN NG JOLLIBEE SA MALL, PLEASEEEEE GANDA!!! Ps. Kapag di mo ako binilhan humanda ka sakin pag uwi pero syempre joke lang yun. Pero totoo talaga lagot ka sakin kapag hindi. Love you muaaahhh. Yan ang text nya sakin, ang galing nyang humingi ng pabor sakin diba? Mapapasunod ka nalang kahit ayaw mo, note the sarcasms guys. Dahil naman madadaan ko ang SM sa pag uwi ko kaya hindi na ako mahihirapang bumalik pa. Nang makapasok sa SM ang malamig nitong hangin na nanggagaling sa aircon ang unang sumalubong sakin. Nagtayuan agad ang balahibo ko sa sobrang lamig. Patay talaga sakin ang babaing yun!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD