CHAPTER 5

2225 Words
Sharlyn's POV Grabe talaga yung kaba ko kanina buti nalang talaga at nandun sina Kendall kung hindi baka nasa prinsinto na ako ngayon. Nandito kami ngayon sa sala at tinatanong si Princess kung anong itsura nung mga humabol sa kanya kanina. Tototohanin ko kasi yung sinabi kong ipapaimbistiga ko yung mga humabol kay Princess kanina.... "Baby,nakilala mo ba kung sino yung humahabol sayo?" tanong ko dito,umiling naman ito kaya napabuntong hininga ako. Anong gagawin ko? Hindi nakita ni Princess-- "But they have a tattoo in their shoulder po" agad akong napalingon kay Princess dahil sa sinabi nyang yun. Halata sa mukha nyang inaalala nyang mabuti yung nangyari kanina. "S-Sigurado ka ba, Princess? " kinakabahang paninigurado ko, tumingin sya sakin at tumango tango "I remember na po.... It's true that the man who's trying to get me have a tattoo in a right shoulder...It l-looks like a flower surrounded by cobra" (Note:Kayo na pong bahalang mag imagine nung tattoo hehehe wala po kasi akong makitang pic) Nagkatinginan kami ni Kendall at para kaming nagkaintindihan sa tinginang yun dahil sabay kaming napatango. "E Princess may iba pa bang palatandaan o bagay na nakita ka dun sa humahabol sayo? " tanong ni Kendall dito, umiling naman si Princess "I don't see rather than that because their whole are wrapped up" nilapitan ko ito at niyakap. Siguradong takot na takot sya ng mga oras na yun.. "Hindi ka ba natakot,baby? Earlier when someone is trying to get you? " tanong ko dito habang hinahaplos yung buhok nya, nag angat sya ng mukha at ngumiti. "Im not" umiiling nyang sagot "In the first yes, a feel a little bit nervous and scared but..... you teach me mom to be strong girl in that kind of situation. So rather than be afraid I stabilize myself and think of a way how to hide from them" hindi ko napigilan ang higpitan pa ang pagkakayakap sa kanya dahil sa sinabing nyang yun.. "Don't worry baby mommy will found out who those who want to take you" mahina kong saad at hinalikan ang tuktok ng ulo nya. Ramdam ko naman na lumapit ang mga kuya nya kaya humiwalay na ako sa pagkakayakap at hinarap ang dalawa. Halata sa mukha nilang handa silang protektahan ang bunso nilang kapatid. "Wag kang mag alala Princess nandito kami ni kuya Brayle to protect from those bad guys" matapang na sabi ni Jhon at may pahawak hawak pa sa dibdib nya. "Thank you kuya!!! " nata touch na sabi ni Princess at lumapit sa kuya nya para yakapin ang mga ito. Nakangiti ko naman silang pinagmasdan. Minsan hindi parin ako makapaniwalang ineregalo sakin ng panginoo ang mga batang to. Gagawin ko ang lahat maprotektahan lang kayo anak ko... Napalingon ako sa gilid ko ng may magpatong ng kung ako sa balikan ko. Si Kendall lang pala... "Sama mo ako dyan sa plano mong paghahanap" kahit walang boses ay naintidihan ko yung sinabi nyang yun. Napangiti naman ako at ipinatong ang kanang kamay ko sa kamay nyang nakapatong sa balikan. Bakit ba ang swerte swerte ko.... KINABUKASAN Nandito ako ngayon sa park na di kalayuan sa bahay namin. Hindi kasi mawala wala sa isipan ko yung nangyari kahapon dahil kagabi binangungot si Princess at alam kong yung nangyari kahapon ang dahilan. Kaya naisipan kong lumanghap muna ng hangin. Siguradong tulog pa naman sila sa mga oras na to. Mukha atang hindi magiging ganun kadali ang pagtira namin dito sa pilipinas. Wala akong matandaan na may galit sakin o may kasalanan ako sa isang tao. Simula pa nung nasa america kami alam kong laging may nakamasid sa kinikilos ng mga anak ko maski nga sakin pero ni minsan hindi yun lumapit, kaya hindi ko na gaanong pinansin rin. Pero mukhang nag-iba ata ang ihip ng hangin. Hindi pa nga kami tumatagal ng isang linggo dito ay may nagtangka ng dumukot sa anak ko paano pa kaya sa darating na mga araw. Kailangan ko makaisip ng paraan kung paano ko mapoprotektahan ang mga anak ko. Alam kong hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi nila ako para bantayan sila lalo pa ngayon na may trabaho ako. Pero sino nga ba ang posibleng nasa likod nito? Hindi ako sanay sa mga bagay na to dahil sa pagkakaalam ko mga malalaking tao lang ang nasasangkot sa mga ganitong eksena sa buhay. KRINGGGGGGGG!!!!!!! KRINGGGGGGG!!!!! Muntikan na akong atakihin ng tumunog ang cellphone ko. Nag mamadali ko naman itong sinagot. "Nasan ka? " bungad kaagad sakin ni Kendall, halatang bagong gising palang ito base sa tuno ng boses nya. "Nandito lang ako sa park malapit sa bahay" "Mmm ganun ba... Ano naman ang ginagawa mo dyan? " "Wala nagpahangin lang" natahimik sa kabilang linya kaya napatingin ako sa cellphone,baka kasi binaba nya na pero di naman. "Kendall? " rinig ko naman na bumuntong hininga ito "May problema ba? " Ang bilis naman nyang nahalata "A-Ahh w-wala n-naman" "Kilala kita Sharlyn hindi mo ugaling umalis ng madaling araw para lang magpahangin at saka duh nauutal ka kaya" Wala talaga akong kawala sa babaing to. Hindi nalang ako nagsalita pa dahil alam kong pipilitin lang nya ako hanggang sa mapaamin ako. "Tsk! Sige na umuwi ka na dahil maya maya gigising na yung mga pamangkin ko *yawn*...siguraduhin mo lang na kapag umuwi ka dito hindi ka tutulala tulala" "S-Sige.... Ibaba ko na to" nakahinga naman ako ng maibaba ko na yung cellphone. Ganun na ba ako ka-obvious kapag nagsisinungaling? Napagdesisyunan ko ng tumayo at malakad pauwi dahil anytime magigising na yung mga bata at alam kong ako kaagad ng hahanapin ng mga yun. Hindi mo namalayang nawala na naman pala ako sa sarili habang naglalakad kaya ang ending may nabangga ako. Sa sobrang lakas ng impact ay napaupo ako sa daan. "Ouch~" mahina kong daing pakiramdam ko nagkaruon ng bali yung balakang ko.. "Ayos ka lang ba Miss? " O_O Parang sa isang iglap nawala ang sakit ng balakang ko at napalitan ng isang matinding kaba. Talaga bang nananadya ka tadhana!!!! "Miss okay kalang ba? " ulit naman nya kaya tumango nalang ako at nagmamadaling tumayo. Hindi pa to ang oras para sa paghaharal namin. "MISS YUNG PANYO MO!!!!!! " Dexter Lamborgini's POV "MISS YUNG PANYO MO!!!!"sigaw ko at hinabol sya humarap namn to sakin ng nakatungo kaya hindi ko makita ang buong mukha nya. Nilahad nya yung kamay nya kaya agad kong binigay yung panyo na pamilyar sakin. "T-thanks"utal netong saad pagkatapos makuha yung panyo. I was stunned because of that familiar voice and my heart stated beating faster.. This can't be!!! Alam na alam ko kung sino ang nagmamay ari ng boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali. "Pare,bakit ang tagal mo alam mo bang masamang pinaghihintay ang katulad kong gwapo ha?"biglang sulpot ni Vince kasama si Keifer na may dalang lollipop,dahil sa ginawa nya ay bumalik ako sa senses ko. Alam kong ikaw yun.... Tumakbo ako na kinagulat nilang dalawa pero hindi ko na yun pinansin. Ang kailangan kong intindihin ay kung talaga bang sya yun.....si SHARLYN. Parang bumalik lahat ng lakas ko dahil sa pananabik na makita ulit sya. Halos limang taon na simula nung huli kaming magkita. At hindi ko masisigurado kung ano ang magagawa ko kapag nakita ko na sya ng tuluyan. Mas lalo akong ginanahan ng matanaw ko na sya. Itinudo ko na ang pagtakbo at ng maabutan ay kaagad kong hinawakan ang braso nya para patigilin sa paglalakad. "ANO B---D-Dexter"bigla syang nabalisa ng makita ako. Hinihingal ko syang tinignan at ganun nalang ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko ng masilayan ko ulit ang inosente at puro nyang ganda makalipas ang mahigit limang taon. Hindi ko na napigilan ang YAKAPIN SYA dahil sa sobrang saya ko. "D-Dex? " halatang nagulat sya sa ginawa kong yun. "Tama nga ako...ikaw nga yan Sharlyn" hinihingal kong bulong. Wala naman syang sinabi na kahit na ano dahil siguro sa pagkagulat. "HOYYY BAKIT KA BA TUMATAK -TANGINA PARE TUMAKBO KALANG PARA MAYAKAP YANG CHIC NA YAN!!!" rinig kong sigaw na papapit na si Vince,humiwalay namn ako sa pagkakayakap ko kay Sharlyn kaya nakita nila ito. Kitang kita sa mukha nila ang sobrang pagkagulat dahil nanlaki talaga yung dalawa nilang mata. "M-mae!!!!!"-Vince "A-ate!!!!!!"-Keifer I can see the scarcity on Sharlyn's face,napakamot pa to sa batok at napatungo... "K-Kailan ka pa nakauwi? " si Vince "Alam mo bang miss na miss ka na namin ate Sharlyn" si Keifer "San ka ba nanggaling? Bakit hindi ka namin matawagan?" si Vince "Oo nga tapos wala narin yung mga social media account mo? " si Keifer "At saka--" "Ano ba kayong dalawa isa isa lang ang tanong hindi kayang sagutin lahat yan ni Sharlyn dahil sabay sabay pa kayo kung magtanong" pigil ko sa kanilang dalawa dahil mukhang hindi to titigil e. Buti naman at nakinig sila, sabay sabay naming nilingon si Sharlyn at naghihintay ng sagot nya. Halata ang pagkabalisa nya kaya nakaisip ako ng paraan. "I know a nearby cafe here sa pagkakatanda ko bukas na yun ng ganitong mga oras" sumang ayon naman sina Keifer na pumunta ron habang si Sharlyn.... "U-umm a-ano m-may gagawin pa k-kasi ako s-sig--" "Sharlyn" seryoso kong tawag sa pangalan nya ng akmang tatakasan kami. "Please we just need an explanation" mukha naman syang nakaramdam ng pagka guilty dahil dahan dahan na itong tumango na may kasamang malakas na pagbuntong hininga. Nagsimula na kaming pumunta dun sa tinutukoy kong cafe. Paminsan minsan ay napapasulyap ako kay Sharlyn. Walang nagbago sa mukha nya maliban nalang sa katawan nya na mas lalong kumorba. Ano kayang nangyari sa kanya??? Wala na kasi kaming balita sa kanya simula ng umalis sya dito sa bansa. And even if we wanted to, we didn't have time because during those times we were busy running our own companies. Pagkarating namin ay nagorder muna kami bago harapin si Sharlyn. "So Sharlyn kamusta ka na? " basag ko sa katahimikan. "U-Umm okay lang" "It's been 5 years since we last met hahaha natatandaan ko pa na medyo payat ka pa nun" "Hehehe O-Oo nga" "Bakit hindi ka nagpaalam nung umalis ka pala dito sa bansa? " hindi kaagad nakasagot si Sharlyn ng prangkang magtanong si Keifer. Ramdam kong nagulat pa si Sharlyn sa tanong na yun ni Keifer dahil kahit ako ay ganun din. Pero gusto ko ring malaman kong bakit hindi manlang sya nagsabi nalaman nalang namin na umalis sya nung mag viral si Kendall,dun namin nalaman na hiwalay na nga ang dalawa. "Excuse ma'am and sir here's your order" nawala ang atensyon ko kay Sharlyn ng dumating na yung mga order namin. "Pakilagay nalang dito" nakangiti kong sabi na sinunod naman nung waiter. "Thank you" sambit ko ng malagay nya na lahat "Your welcome sir " kaswal nyang ganti at umalis na. Dun lang nabalik ang tingin ko kay Sharlyn na pinagpapawisan na ng sobra. "Sharlyn--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mag-angat sya ng tingin samin at ngumiti. Parang binarag ang puso ko dahil sa nakikita ko sa mga mata nya ngayon. Nakangiti man sya pero halatang may lungkot sa mga ito at the same time pagkahiya. "I-Im sorry kung hindi a-ako nakapagpaalam n-ng maayos sa inyo that time" halata sa mga sinabi nyang sincere sya" S-Sa mga panahon k-kasing yun i was completely b-broken--" "Ate Sharlyn" naaawang aniya ni Keifer "Hahaha wag kang mag alala K-Keifer maayos na ko ngayon. H-Hindi ko lang talaga maiwasang mahiya dahil wala manlang ni isang salita akong sinabi sa inyo bago umalis" "Pagpasensyahan mo na rin kami Sharlyn kung ganito kami makapag tanong" "It's okay Vince may karapatan rin naman kayo dahil mga kaibigan ko kayo at alam kong nagaalala lang kayo nung mga time na yun" "E san ka nga ba nagpunta ate Sharlyn?" nakangusong tanong ni Keifer. "Sa america" "WHAT??!!!!" hindi namin napigilang tatlo ang mapasigaw, nagulat pa si Sharlyn na bahagya pang napatalon. "B-Bakit ba kayo sumisigaw?" "All those years ay nasa america ka lang at ni minsan hindi ka namin nakita" hindi makapaniwalang sambit ni Vince, kahit ako rin naman. "Bakit ba kasi?? " Sinagot naman ni Keifer ang tanong na nabubuo sa ulo ni Sharlyn. "Kasi naman ate Sharlyn ilang beses na kaming bumalik tatlo sa america, hindi ko na nga halos mabilang. Pero ni minsan hindi tayo nagkasubong" "T-Talaga?! " hindi makapaniwalang sambit ni Sharlyn na tinanguan naman ni Keifer." Pero hindj na rin ako magtataka dahil malaki rin ang america" "Tama ka nga dyan" pagsang ayon ko "E ano nga bang ginawa mo pagkapunta mo sa america, Sharlyn? " tanong ni Vince "Well... Tinuloy ko yung pangarap ko at sa ngayon ay may sikat na boutique sa america" halatang nahihiya nyang sagot "W-Wow!! Talaga ate Sharlyn" "Mmmm" "E ano bang pangalan nya ate Sharlyn para naman makabili ako ng mga ginawa mong damit??.... Dati ko pa talagang pangarap na masuot ang gawa mong damit" excited na sambit ni Keifer na may papalakpak palakpak pang nalalaman. Tsk isip bata talaga "H-Hindi naman sa pagmamalaki p-pero ako ang gumawa ng mga s-suot nyong damit ngayon" Hindi namin naiwasang manlaki ang mga mata at mapanganga sa sinabing yun ni Sharlyn. T-This can't be..... SYA SI QUEEN S.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD