CHAPTER 4

2614 Words
Sharlyn's POV Anong gagawin mo kapag lumapit sya sayo at nagtanong kung kamusta ka na? Paano ka magrereact kung blangko ang mukha nya pero ramdam mong sincere sya kapag tumitinggin ka sa mga mata nya??-- "HOYYYYY BABAE NAKIKINIG KA BA!!!!!" nahulog ako sa upuan dahil sa sigaw na yun awwww ang pwet ko!! Tinignan ko namn kung sino yung walang hiyang sumigaw na yun.At nakita ko naman si Kendall na sobrang sama ng titig sa akin. "Ano bang problema mo ha?Bakit ka naninigaw?" kunot noo kong tanong sa kanya "Ahhh ikaw pa ngayon ang may ganang magalit,e kanina pa ako putak ng putak dito tapos ikaw lumilipad na namn yang utak mo sa ibang planeta......Magtapat ka nga sa akin may tinatago ka ba ha?Simula ng umuwi ka kahapon e nagkakaganyan ka na,maayos namn nung umalis ka a."Seryosong sabi nya kaya nawala yung sama ng tingin ko sa kanya at napa tungo namn. Ano ba yan Sharlyn!!! "Ano tutungo ka nalang!!!"sabi na namn neto na alam at alam kong galit na "Hindi mo ba alam na nagaalala na yung mga anak mo dahil dyan sa mga kinikilos mo" kalmado na ang pagkakasabi nya ng mga katagang iyon,kaya napatingin ako sa mga anak kong nakatingin sa amin ngayon.Ang lungkot ng mga mata nila at si bunso paiyak na. Nakaramdam naman ako ng pagka-guilty,kung ano ano kasing naiisip ko simula ng makausap ako ni Blake.... FLASHBACK "Sharlyn"tawag sa akin ni Blake kaya natuod ako sa kinatatayuan ko.For almost 5 years ngayon ko lang ulit narinig ang boses nya na ako ang tinatawag. Hindi ko madescribe yung feeling para bang natuwa yung isang part ng puso mo habang yung isa hindi. "Tsk... Sharlyn"tawag ulit nya sa pangalan ko,kaya pinahinahon ko muna ang sarili at humarap sa kanyang may ngiti take note .....PILIT NA NGITI. "Why Mr.Smith?"tanong ko dito,kumunot namn ang noo nya ng makita ang ekspresyon ko at kalauna'y naging seryoso. "Can we talk?"cold na tanong nya "N-Naguusap na tayo"pilosopo kong sagot dito nag-igting namn ang panga nya sa sagot ko,ayaw nya talaga kapag pinipilosopo sya pero anong pake ko. Wala ba talagang pake, Sharlyn? Nagpakawala naman sya ng isang mabigat na buntong hininga na ang ibig sabihin ay nagtitimpi sya"I mean in private" Nagtayuan ang balahibo ko sa may batok ng banggitin nya ang salitang private"ah di mo agad sinabi sakin e saan ba tayo maguusap? " "In my condo" Dun totally huminto yung pagtibok ng puso ko. Hindi ko maiwas iwas yung tingin ko sa kanya dahil may kung ano sa mga mata nya na nagsasabing... Just refuse kung hindi mo kaya alam ko naman na hindi ka pa nakaka move on. Yung parang ganun ba paranoid na kung paranoid pero yun yung pagkakaintindi ko sa mga mata nya. "What do you think" dun lang ako nagkalakas ng loob para umiwas sa tingin nya. "A-amm s-sige, hindi naman siguro ganun kahaba yung sasabihin mo sakin hindi ba? " hindi naman sya sumagot bagkos ay tinignan lang ako sa mga mata tinitignan kung seryoso ba ako dun sa sinabi ko kaya tumingin ako sa ibang direksyon. Napailing naman sya bago blangkong tumingin ulit sakin. "Let's go" at walang sabi sabing nagsimulang maglakad. Nataranta naman ako... "W-Wait y-yung kotse ko!" napahinto naman sya sa paglalakad. "Ipapauwi ko nalang yan sa driver--" "Hindi..hindi na d-dito nalang ako sa kotse ko sasakay, susunod nalang ako sayo" "Do what you want" at tumikod na... Hindi man lang ako pinilit--WAIT!! WHAT ....May sinabi ba akong g-gusto kong magpapilit... diba wala? Wala talaga--Ayyy na basta wala akong sinabi!! Alam ko naman yung condo nya dahil nga matagal din kaming magkarelasyon. Hindi ko lang maiwasang kabahan lalo na kung kaming dalawa lang ang tao sa condo nya. Hindi naman nagtagal at nakarating narin kami sa condo nya wala parin namang nagbago maliban nalang sa sobrang katahimikan at parang walang nakatira dahil sa sobrang dilim. "Have a seat" sabi nya at walang sabing iniwan ako,wala naman akong nagawa kung hindi sundin yung inutos nya.Habang naghihintay sa kanya ay ti next ko muna sa Kendall para sabihing malalate ako ng uwi.... Reply AT BAKIT NAMAN HA?! BESHY KENDALL Hindi ko napaigilang hindi mapailing sa reply nya sakin. Napaka OA nya talaga.... May gagawin lang ako...Wag kang mag alala mabilis lang to ikaw munang bahala sa mga bata... SHARLYN THEONEANDONLY Medyo nagulat pa ako sa ni reply nya.. Sige basta mag ingat ka lang ako ng bahala sa mga bata BESHY KENDALL Diba nakakagulat inaasahan ko kasing bubungangaan pa nya ako pero mas maganda na rin mukhang wala sa mood tumalak hehehe.... "Who's that??" halos mahagis ko yung cellphone ko dahil sa gulat, nilingon ko naman si Blake na nasa likod ko't mariin na nakatingin sakin... "B-bakit ka ba nangugulat? " medyo inis kong tanong sa kanya pero wala paring nagbago sa ekspresyon ng mukha nya.. Nakaramdam ako ng kaunting awkward dahil hindi talaga nagbago ni kilay ng mukha nya.. "U-ummm a-ano n-nga pala y-yung sasabihin m-mo? " pag iiba ko ng paksa sabay iwas ng tingin sa kanya at mas minabuting dumungo na lang. Naramdaman ko namang nag lakad na sya at umupo sa gilid ko medyo napa usod naman ako dahil hindi ako komportable sa presensya nya. Nagpakawala sya ng isang malakas na buntong hininga at nilingon ako, pano ko nalaman?... Kita ko sa gilid ng mata ko. "How are You? " dahan dahan akong napalingon sa kanya ng tanungin nya iyon, diretso syang nakatingin sakin. "I-Im okay" naguguluhan kong sagot sa kanya, namutawi na naman ang katahimikan ng basagin nya iyon. "Kailan ka nakabalik dito? " "K-Kahapon lang" kita ko naman na napatango tango sya, nagsimula na akong makaramdam ng kaunting inis dahil hindi nya pa sinasabi sakin kung ano ba yung gusto nyang pag usapan namin at kailangan pa talagang nasa private. Hindi nya ba ramdam na hindi ako komportable. Bat ko ba nakalimutan....wala nga pala syang pakealam sa paligid nya. "May iba na ba?? ... " nilingon ko sya ng tuluyan ng hindi nya ituloy yung sasabihin nya, nakuha siguro nya yung tingin ko. "Is there someone else who make your heart beat fast? " A-Ano kuno..... Malinaw na malinaw sa pandinig ko yung tinanong ni Blake pero parang hindi ko kayang sagutin. Bakit napaka prangka nya?? At saka ano namang pakealam nya sa tinitibok ng puso ko....Tama ka Sharlyn!! Pilit kong nilabanan ang mga malamig nyang titig at ginawang seryoso ang ekspresyon ko"Yan lang ba ang sasabihin mo Mr. Smith, sa pagkakatanda ko kasi may importante kang sasabihin sakin na kailangang pang sa pribadong lugar tayo mag-usap" kita naman sa mukha nya ang pagkagulat pero agad din yun bumalik sa pagiging seryoso. "Sharlyn-" "Im sorry Mr. Smith kung yan rin lang naman ang sasabihin mo sakin. I'II better go now marami pa akong gagawin" dire-diretso kong sabi at nagsimula naring tumayo. Wala naman syang sinabi na kahit na ano kaya pinagpatuloy ko ang pag alis. Nang lalabas na ako sa condo nya ay natigilan ako sa sinabi nya. Mahina lang yun pero rinig na rinig ko. "I hope it's not to late--" hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya at lumabas na ako ng tuluyan. END OF FLASHBACK Simula pagkaalis at pagkauwi ko ng bahay ay hindi mawala wala sa isip ko yung huling sinabi ni Blake. May pa i hope i hope pang nalalaman. Nagsisi rin ako kung bakit hindi ko pinatapos yung sinasabi ni Blake yan tuloy isip ako ng isip kung ano yung susunod nun. "okay"mahina kong sabi "anong okay?"malditang tanong ni beshy "sasabihin ko na sayo... pero mamaya na nandito pa yung mga bata"mahina kong sagot "So tama nga yung hinala ko" "Oo na oo na kaya wag ka ng magtanong" Naikot nya naman yung dalawang eye balls nya"Siguraduhin mulang dahil kung hindi kakalbuhin kita"sabi nito kaya natawa ako"Puntahan mo na ang chikiting mo dahil tignan mo ang mukha oh parang ninakawan ng candy"dagdag nya kaya napatingin ako sa mga anak ko,tama nga sya Lumapit namn ako sa kanila at niyakap ang mga ito. "Why are you sad mommy, did we make something wrong para maging sad ka"naiiyak na sabi ni bunso umiling iling naman ako "mommy is not sad may iniisip lang... sorry for making you worried "sagot ko dito. Hindi ko napigilang hindi mapangiti ng makita ko ulit yung mga ngiti nila. "Para matanggal yang iniisip mo babae e mag mall kaya tayo para namn makagala yang mga anak mo"biglang singit ni Kendall,kaya napaisip ako Oo nga nu,siguradong mawawala rin tong iniisip ko. Kahit minsan talaga may pakinabang din tong si Kendall hahaha. "Your right tita"nakangiting sabi ni Jhon "Mall!!!!Malllll!!!!"masayang sigaw ni bunso,nandito na namn ang adik sa mall. "tsk"alam nyo na kung sino yan. "Okay magma mall tayo kaya kayo magbihis na dahil magbibihis na rin kami ng tita nyo"nakangiti kong sabi "YES!!!!!" sigaw ng dalawa at tumatakbong pumunta sa kwarto nila habang yung kuya nila nakatingin sa akin ng seryoso,napalunok namn ako ng laway "Are you sure you okay, mom?"tanong neto para naman akong tangang napatango"Good....dont strees your self mom"nakangiti na ito kaya nawala ang kaba ko at niyakap sya How sweet namn ng panganay ko hehehehe.. "thank you and i will,sige na magbihis ka na"sabi ko dito,umakyat na sya kaya kaming dalawa nalang ni Kendall ang naiwan dito. "Mamaya ha papatayin talaga kita kapag di mo sinabi"banta neto sakin at umakyat narin kaya napa iling nalang ako,hindi talaga sya nakakalimot Umakyat na rin ako at nagbihis ng simpleng damit. -------------------------------------- "Nakita mo naba?"tanong sa akin ni Beshy pero umiling akk. "Napuntahan ko na yung store kanina pero wala daw"sabi ko"Anong g-gagawin natin Kendall baka kung mapano sya hindi ko k-kakayanin?"umiiyak kong sabi at napaupo nalang sa bench na pinagkitaan namin napalapit silang tatlo sa akin at kinunfort ako. "Mahahanap natin sya kaya think positive"pagpapatahan sakin ni Kendall "Kaya nga mommy we will find princess,okay?"sabi rin ni Jhon kaya mendyo nawala ang pagaalala ko. Salamat talaga at nandito sila.. "We just need to go in cctv room maybe she caught by camera"singit ni Brayle,nagkaroon naman ako ng pagasa sa sinabing yun ni Brayle. "Tama ang sinabi ni Brayle...Bakit ba hindi ko agad naisip yun" ani ni Beshy. Napasinghal naman si Brayle sa inasta ng tita nya. Wala na kaming sinayang na oras sabay sabay kaming naglakad papunta sa cctv room. Kendall's POV Kendalleian Lee is me!!!! Bestfriend ni Sharlyn at tita ng triplets. Nandito kami sa mall hinahanap ang makulit kong pamangkin. Naaawa nga ako kay Sharlyn kasi halatang alalang alala na sya kay Princess hindi ko rin naman sya masisisi. San ba kasi nagsususuot ang batang yun?Hindi nya ba alam na malapit ng mabaliw yung nanay nya kakahanap sa kanya. Hindi naman nagtagal ay nakarating narin kami sa cctv room. Kumatok muna kami at may nagbukas naman nung isang lalaking may katandaan. "Ano pong kailangan nyo?"tanong nung lalaki. "S-Sir,hinahanap po kasi namin yung a-anak ko... kung pwede po sana i check sa cctv"sabi ni beshy kaya tumango namn yung lalaki at nilakihan yung siwang ng pinto para makapasok kami. "Anong oras po ba nawala yung anak nyo,maam?"tanong neto habang may kinu kulikot dun sa may computer. "11:15 po sa may toms world ko po sya iniwan kasi may t-tumatawag then pag balik ko w-wala na po sya"naiiyak na sabi ni beshy nilapitan naman sya nina Jhon at Brayle at sabay niyakap. "Okay po"sabi nito at tinitignan na yung cctv sa sinabing oras ni beshy"wait......ang kulay po ba ng damit ng anak nyo ay pulang bistida na may dalang malaking manika?" tanong ni kuya. "opo" mabilis na sagot ni beshy pumunta naman ako sa gilid ni kuya para tignan din yung computer. Si Princess nga yung tinutukoy ni kuya, napakunot ang noo ko ng mahalatang may kakaiba dun sa cctv. Makikita kung paano tumakbo si Princess sa isang shop sa medyo dulo ng mall para malito nya yung humahabol sa kanya.Sa loob ng shop kinausap nya yung manager ng kung ano tapos ay itinago ito sa may ilalim ng desk nya ginamit din ni Princess yung malaki nyang manika para matago sya. Tsk tsk tsk matalinong bata. P-Pero bakit may humahabol sa kanya?? -- "KENDALL!!!" napatalon namn ako sa sigaw ni Beshy"Ano ba tara na at baka umalis sa shop si Princess?"nagmamadaling sabi ni beshy kaya nabalik ako sa earth sobrang tutok ko pala sa cctv. Nagpasalamat muna kami kay kuyang tagabantay bago nagtatakbong pumunta doon sa shop sa cctv,kahit yung mga gwapo kong pamangkin tumatakbo din at ang bibilis ha.May napapalingon sa amin pero hindi na nakin inintindi pa dahil priority namin ang makarating agad sa shop. "PRINCESS!!!" si Beshy yan, sumigaw ba namn pag kapasok na pagkapasok nya ng shop ang ending nagmukha syang iskandalosa. Pero no care ang mother na worried.... "MOMMY!!" biglang lumabas si Princess sa isang pintuan at tumakbo kay Beshy,sa lakas ba namn ng bunganga neto tignan ko lang kung hindi sya marinig lalo pa ngayon na nagaalala sya. "Okay ka lang ba,Princess?.....Wala bang masakit sayo or any wounds. Did they hurt you??tell me" nagpapanic na tanong ni Beshy at tinignan pa ang iba't ibang parte ng pamangkin ko. "Mom im okay there's no wounds.... look did you see anything?" umiling iling naman si Beshy "See, kaya wag ka ng mag alala mom because im perfectly fine.Im thankful because Auntie Micka help me to hide" Saad ni Princess habang tinuturo yung babae na papalapit sa amin na sa tingin ko rin ay manager ng shop.Hula ko lang hehehe.... "ikaw po ba ang mommy ni Princess?"nakangiting tanong ni Micka kuno. Well itsurahin din ah.. Tumayo naman si Beshy para harapin yung girl"Opo,maraming maraming salamat po talaga at pasensya narin sa pagsigaw ko kanina...." nahihiyang paumanhin ni Beshy at napakamot sa may batok" Ako nga pala si Sharlyn"sabi ni beshy"at ito namn yung kaibigan ko si Kendall"pakilala neto sa akin kaya ngumiti ako dito at nakipagkamay"Ang mga kuya ni Princess, Jhon at Brayle" "hello ako namn si Micka"pakilala nya"kanina ay bigla syang pumasok sa shop ko na umiiyak then she said na may humahabol sa kanya kaya tinago ko muna sya"paliwanag nito "kaya nga po nakita rin po namin sa cctv"sabi ko "kilala nyo ba kung sino yung humahabol sa kanya?"tanong neto kaya umiling kami. Napatango tango naman si Micka. "What if ireport nyo to sa mga pulis? " "Wag nalang basta ang mahalaga nahanap ko na ang anak ko" mabilis na tanggi ni Beshy. "Pero--" "Alam kong concern ka lang Micka and thank you for that but... " tuminggin si Beshy sa mga bata "hindi ko maaaring sabihin to sa mga pulis dahil wala akong tiwala sa kanila. Mas maganda kung ako nalang mismo siguro ang mag iimbistiga tungkol dito." nahalata naman ni Micka na desidido talaga si Beshy sa sinabi nya kaya hindi na lamang sya umapila pa. After naming magpasalamat ng marami kay Micka ay minabuti na naming umuwi na. Habang papauwi ay hindi parin mawala wala sa isip ko yung nangyari ngayon. Sino kaya yung mga humabol kay Princess? Anong kailangan nila sa bata?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD