CHAPTER 2

1695 Words
Sharlyn's POV Pag kababa ko ng eroplano ay nalanghap ko agad ang hangin ng pilipinas wala paring pinagbago.Masaya and at the same time natatakot ako na bumalik dito pero nandito na e ano pang magagawa ko,naalala ko yung paguusap namin kagabi ni Kendall nung nalaman nyang uuwi kami ng Pilipinas. FLASHBACK "Ehhh handa ka na bang makaharap sya?"tanong sa akin ni Kendall "Bakit ba yang ang iniisip mo hindi naman ako babalik sa pilipinas para sa kanya at saka kung magkita man kami hindi na namin kilala ang isa't isa" natatawa kong sagot, tinignan nya naman ako ng seryoso na sinabayan pa ng pagtaas ng isa nyang kilay pahiwatig sakin na seryoso sya. Nawala naman ang ngiti ko at inilabas na ang tunay kong nararamdama ,nakabusangot na mukha na parang dala ang problema ng buong mundo at malungkot na mga mata, yan ang tunay na nararamdaman ko kanina pa"Hindi ko alam may parte ng isip ko na sinasabing umatras na lang ako at sa kabila naman ay wag daw, naguguluhan ako"nalulungkot kong sabi,buti nalang at tulog na ang mga bata kaya nakakapagusap kami ni Kendall tungkol sa ama nila... "Kung ganyan rin naman ang iniisip mo mas magandang wag nalang tayo tumuloy, sa ganyang stage mo pa naman na nagsisisi ka sa huli. Baka pagbalik natin dun maglupasay ka dahil mahal mo pa si--" "H-huyy!! Hindi na kaya" "Hindi ba talaga? " napahinto naman ako dahil sa kaprangkahan na yun ni Kendall "Tignan mo naninigurado lang ako hindi ka na makasagot agad... Tsk tsk tskkkk. Sinasabi ko na sayo Sharlyn mahal mo parin si Blake" "Wag mo ngang banggitin ang pangalan nya, naiinis ako e" nakanguso kong sabi sa kanya. "Naiinis ba talaga ang sabihin mo... Kinikilig ka lang kapag naririnig yung pangalan nya...gaga ka!! " "Grabe ka naman makapagsalita" "Bakit hindi ba totoo??.. Hindi ba totoo??" hindi na naman ako nakasagot at nakangusong tinignan lang sya... Tandaan nyo readers MAPANG API SI KENDALL huhuhuhuhuhu. Mabait lang yan kapag may kailangan pero ang totoo masama sya at mapang api.... "Hindi ka pa handa Sharlyn" napatingin ako sa kanya ng sabihin nya yun. "Kahit hindi mo sakin sabihin alam kong hndi ka pa handa at alam ko ring mahal mo parin si Blake ,hindi naman kita masisisi dahil sobrang tagal nyo kasing nagmahalan.. Halos half of your life" Bumalik na naman yung sakit na naramdaman ko ng sabihin nya yun.... Mahirap mang aminin pero t-tama yung sinabi ni Kendall,siguro mahal ko parin si Blake hindi man ganun katindi ng katad ng dati pero alam kung may nararamdaman parin ako para sa kanya... Sobra ang hirap ko nung nandito ako dahil buntis nga ako nung time na yun kaya para akong mababaliw kakahanap sa presence nya. Minsan mararamdaman ko nalang tumutulo nalang yung luha ko dahil sa pagka miss sa kanya. Maraming beses ko na ring tinangkang tawagan sya kasi sobrang gusto ko ng marinig yung malalalim at malalmig nyang boses. Pero anong magagawa ko tuwing maiisip ko yun sumasagi agad sa isip ko na WALA NG KAMI. At yun ang pinakamahirap. Nawala lang sya siguro sa isip ko nung time na nagsisimula na akong bumuo ng clothing business na naging sikat naman dito. Mas pinili ko kasing ituon ang atensyon sa mga anak, business at sa mga tinutulungan ko para kahit papaano makimutan ko sya. Ngunit lahat ng sakit, galit at lungkot na nararamdaman ko ay bumabalik pagsapit ng gabi, kapag patulog na ako. Twing ipipikit ko yung mga mata ko pagtataksil nilang dalawa yung nakikita ko.... "Ako na ang nagsasabing wag ka muna tayong umuwi...siguro kapag handa ka na. Yung fully na talaga... na kapag nakita mo sila parang wala lang just an another stranger" Tama si Kendall hindi ko kailangan pilitin ang sarili ko na umuwi kung hindi ko naman talaga kaya... Natatakot rin kasi akong kunin nya sakin yung mga anak ko once na makita nya ang mga to at yun ng hindi ko makakakaya....... Pero.... "Pero paano namn sila Jane" ani ko "Okay lang namn po sa amin ate Sharlyn marami ka na saming nagawa kaya kahit man lang sa ganitong bagay makabayad kami..... handa namn po kaming maghintay kung kailan nyo gustong umuwi sa pilipinas"sabi ni Jane na sa tingin ko ay kanina pa nakikinig sa usapan namin ni Kendall,lumabas namn sya sa pinagtataguan at lumapit sa amin, nandito kasi kami sa kusina naguusap ni Kendall. "Kanina ka pa dyan?"gulat na tanong ni Kendall tumango namn si Jane "sorry po sa pakikinig sa paguusap nyo" paumanhin na sabi ni Jane at ramdam mong sincere talaga sya "Hindi okay lang hindi namn ganun ka importante ang pinaguusapan namin" sabi ko at nginitian sya para ipahiwatig na okay lang talaga... "So okay na hindi natin itutuloy"biglang singit ni Kendall,kaya napatingin ako kay Jane medyo malungkot sya at nakikita ko yun pero pinilit nyang ngumiti. Naguilty namn ako 5 taon na ang lumipas na hindi sila nakakauwi sa pamilya nila tapos ako may mga anak at kuntento na ako dun.Ilang taong silang naghirap dahil walang kapamilya na nandyan kapag nasasktan sila pero ako nandito....ang mga anak ko si Kendall,ang selfish ko namn kung dahil sa natatakot akong makita SYA pipigilan kong maging masaya ang ibang tao. "HINDI!! " napatingin sila saking pareho at nagulat sa sinabi ko "Hindi ako makakapayag na hindi tayo uuwi..... kailangan kong harapin ang kinatatakutan ko para mawala na itong sakit na nararamdamn ko"seryoso kong sabi,binigyan naman ako ng nagaalinlangan na tingin ni Kendall. "Sigurado ka na ba dyan??? Pwede naman hindi na lang kasi" "Tama po ang sinabi ni ate Kendall at Sharlyn... Kaya naman po naming maghintay--" "Hindi.. Buo na ang desisyon ko..... At saka hindi ko naman to gagawin para sa inyo para sa sarili ko to. Maharap ko man lang yung k-kinatatakutan ko" seryoso kong sabi na kalahating kasinungalingan at kalahating katutuhanan. Totoong buo na ang desisyon ko pero sinabi ko lang na para sa sarili ko ito ng hindi sisihin ni Jane ang sarili nya kapag nakauwi na kami at magsisi ako.... "K-kung yan po ang desisyon nyo susuportahan ko po kayo.....pero sigurado po ba talaga kayo?? " natawa na lamang ako sa kinikilos ni Jane. "Hahaha oo Jane sigurado na talaga ako--aaccckkkkkk" nagulat nalang ako ng bigla akong yakapin ng mahigpit ni Kendall, takte talaga ang babaing to. "Yan ang kilala kong Sharlyn... matapang"bulong ni Kendall sakin... "C-can't b-breath" nahihirapan kong sabi sa kanya agaran naman syang bumitaw kaya nakahinga ako ng maayos. "Ha! K-kung plano kang patayin ako dapat sinabi mo muna ng maunahan na kita" inis kong sabi sa kanya at bigay ng masamang tingin. Napataas naman sya ng dalawang kamay "E-hehehehehe" usal nya "Sorry na beshy hindi ko naman sinasadya natuwa lang talaga ako dahil nagbago ka na" "At ano namang nagbago sakin, aber?? " nakapamewang na tanong ko sa kanya. "Hahahahaha wala wag mo nalang ako pansinin...Natutuwa lang ako at nagbago yung desisyon mo" "Tsk ikaw pa nga ang nagsabing wag nalang ituloy" "Duhhh di pa ba halata??....tinetesting ko lang kung tututol ka.... Nahh wag mo nalang yun intindihan basta masaya ako ngayon hehehehe" napailing nalang ako sa inasta nya. Napatingin ako kay Jane na nakangiting nakatingi sakin sinenyasan ko syang lumapit at yakapin ako na ginawa namab nya. "Maraming salamat po talaga ate Sharlyn"bulong ni Jane,nasa ganun kaming pwesto nang biglang pumasok ang mga anak ko sa kusina kaya napahiwalay kami sa isat isa. "mommy i thought you leave us"naiiyak na sabi ni Princess pagkatapos ay tumakbo palapit sa akin at niyakap ako pati rin yung mga kuya nya pero sya lang yung umiyak yung mga kuya nya hindi namn. "of course not bakit namn kayo iiwan ni mommy"sabi ko at pumantay sa kanila"tara na dahil bukas mommy will cook your favorite foods"dagdag ko at naglakad na papuntang kwarto kasama sila,senenyasan ko nalang sila Kendall na mauuna na ako tumango namn sila.... END OF FLASHBACK Pagkababa namin ng eroplano ay may mangilan ngilan ang nakakilala sakin kaya wala akong nagawa kong hindi ang makipag-picture o bigyan ng authograph ang mga ito. Buti nalang talaga at naibigay ko agad kay Kendall yung mga bata kung hindi baka sila pagdagsaan. Away ko kasing e-expose yung mga bata sa media at baka malaman ni ano na may anak sya sakin. Hindi ko rin kasi maitatangging kapag una mo palang na makita ng mga anak lalo na ang dalawang lalaki ko ay mapapagkamalan talagang anak nya ang mga ito. Kaya mas maganda na ang sigurado..... "Ang ganda ganda nyo po talaga ma'am Sharlyn" compliment sakin nung babaing mala korean ang style dahil sa bangs nya, nginitian ko namn sya... "Hehehehe hindi naman ikaw nga yung maganda sating dalawa tapos ang cute mo pa dahil dyan sa bangs mo" nakita ko naman kung paano mamula yung dalawa nyang pisngi dahil sa sinabi ko. "S-salamat po... Ang bait bait nyo po talaga kaya idol na idol ko kayo e kapag lumaki talaga ako gusto kong maging katulad nyo po" "Aabangan ko yan" at mas marami pa ang lumapit sakin kaya umabot ng 20 minutos bago ako makaalis, habang naglalakad ay namita ko na si Kendall na nakasandal sa labas ng sasakyan. "Ang mga bata?? " "Nandito na sa loob...tsk tsk iba na talaga kapag sikat madaming fans" iiling iling na sabi ni Kendall habang pumapasok sa may passenger seat,hindi ko nalang sya pinansin dahil alam kong mang aasar lang yan kapag pinatulan ko pa. Pagkapasok ko ay nakita ko ang mga batang tulog na tulog, napagod siguro sa byahe... "Nga pala sila Jane?? " baling ko kay Kendall na nasa harapan ng maalala sila Jane. "Ayon nag siuwian na gusto ka pa sana nilang hintayin para pasalamatan pero sinabi ko nalang na susunod na dahil mukhang magtatagal ka dun at tama nga ako, baka rin kasi gabihin sila sa paguwi delikado pa naman" napatango naman ako sa sinabi nya. Napadungaw ko sa may bintana ng sasakyan at tinignan ang mga bahay, tindahan na nalalampasan namin.... Im back PHILIPPINES....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD