Chapter 3

3560 Words
(ZYPHIRE'S POV) "Dyan lang kayo...Babalik ako kasama tong lalaking toh tsk..." saad ko at pumiglas sa hawak ni Walt tsk. 'Kailangan ba talagang hawak hawak pa ung braso ko tsk' Pinasok na namin ang dilim at ang sumalubong lang naman samin netong Walt natoh ay si Rain tsk. "Grisson... Kay tagal na nang magkita tayo, bro..." saad ni Rain kay Walt na nakipagkamay pa. "Rain... Matagal tagal nadin... Bakit ka nandito??" tanong ni Walt at tumingin naman sakin si Rain. Tiningnan ko lamang ito na parang nagtatanong gamit ang mga mata. "Kailangan namin nang tulong mo...Sampu lang kase kaming doctor sa Snow Hospital kese naka-out na ang iba... Ang problema may nangyaring pagsabog nang bomba sa Romblou at padating na ang mga biktima at ang karamihan ay nandun na... Kaya kailangan ka namin.. "saad ni Rain sakin at nagkatinginan kami ni Walt. "Hindi sya doctor, Rain... Pano sya makakatulong??" tanong ni Walt kay Rain. "Sige... Tutulong ako tsaka may dadalhin din ako dun... Isang Riordan at Zuello... Nandyan din ung dalawa... Iyon oh... Takot na takot.." saad ko at tiningnan naman ni Rain na natatawa pa sa mukha nung dalawa. "Muling pagkikita natin... Sadie Kane at Vinnie Kane..." saad ni Rain at lumapit kila Sadie na kinatawa naman namin ni Walt kese dinambahan nang dalawa si Rain nang makita ito. "Nananakot kaba ha?? Kala namin kung sino na..." saad ni Sadie na parang takot na takot talaga. "Baka gustong mong mabangasan aba... Imbes na kami magsalita nakikisosho ka tsk... Pagkakataon nga naman.." saad ni Vinnie dito. "Mr. Riordan at Mr. Zuello... Bangas na bangas ang mukha nyo... Nandun ang mga magulang mo, Mr. Riordan sa ospital hinahanap ka..." saad ni Rain na kinagulat nila. "Tama na ang chitchat tara na... Katabi lang nanmn nang school eh... Bilis..." saad ko at hinila na si Rain nang makita kong nag iinit ang dugo ni Kyan. Pagdating naming hospital ay nagkakagulo na ang mga pasyente.Ang dami nila ung iba naman death on arrival na."Doc. Zyre dumarami napo ang pasyente... Hinahanap napo kayo ni Doc. Zyrille..." saad nung nurse. "Nasan ang lab gown... Bigyan nyo sya,Nurse Yoona... Doctor din sya... Ilan na ang pasyente??" tanong ni Rain sa nurse. "Magiisang daan na... Eto ang lab gown dumeretso na agad kayo dun at icheck ang vitals nang ibang patients..." singit ni Thunder at tumango nalamang ako't isinuot nya sakin un. "Zyre ikaw na ang umasikaso kila Mr. Riordan at Mr. Zuello... Nurse Yoona tama?? Pakitawagan ang parents nang mga ito faster... Tara na, Zyrille..." saad ko at nauna na kami sa ER. "Zyrille, masyadong madami ang tao... Nailipat naba ung iba sa Fire Hospital?? Hindi natin kaya toh..." saad ko dito at tinanggal ung glasses ko abala kase eh at tumambad samin ang parang 30+ na taong suhatan palang yan na inaayos nang nurses. "Nailipat na sila dun...Naayos nadin namin ang problema.. kaya kita pinatawag dahil kailangan ka namin sa Operation room... Risky kase ang operation at ung doctor kase na magaling dun is nasa ibang bansa... Eto ang family nya..."saad ni Thunder at tumambad sakin ung kaninang bakla na nagsabi tungkol kila Cleo. "Doktora... Please do everything para mabuhay si lolo... Ngayon lang kase kami nagkaayos tapos nangyari patoh... Gagawa pa kami nang memories nun eh huhu doktora please do anything and everything... Just do your best please... I need him..."saad nito sakin na nakaluhod na. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya nung mga araw na nasa ICU si lolo. Hinawakan ko ang kamay nya at itinayo nang dahan dahan. Hindi ko malaman ang nararamdaman ko at kusang tumulo ang luha ko. Agad ko naman iyong pinunasan at tumingin sa kanya. "I will do everything para maging successful ang operation... I need your prayers kayong lahat... Thank you mauna na kami..." saad ko sa kanila at pumasok na kami sa O. R. Naghugas muna kami nang kamay ni Kuya at sinuot ang mga dapat isuot. Nagulat ako nang makita ko ang patient, akala ko sakit ang meron sa kanya but may bullet sya sa iba't ibang parte nang katawan nya. Kung bibilangin natin ay mga walo na bullets ang meron. *LUNOK* 'Kailangan mong lumaban at makipagtulungan samin, Lolo' "Kasama sya sa mga nasabugan sa Roblou... Nandun sya para makipag areglo sa mga taga dun ang nangyari nga lang ay un may sumabog na bomba... Ang hindi ko lang malaman bakit may nagbarilan don at napasama ang matandang ito...Kaya naman siguro natin ito?? "saad ni Thunder,tiningnan ko ang pasyente at may pinanghahawakan akong salita. "Kaya toh... All the nurses please asikasuhin nyo nalamang ang ibang patient dun... We can handle the both of us and please call Doc. Rain para makatulong agad agad... Thank you..."saad ko sa kanila at sinimulan na naming gawin ang dapat gawin sa patient. (KYAN'S POV) Nang makarating na kami sa Ospital ay sinalubong kami nang nurse dun."Doc. Zyre dumarami napo ang pasyente... Hinahanap napo kayo ni Doc. Zyrille..." saad nung nurse. "Nasan ang lab gown... Bigyan nyo sya,Nurse Yoona... Doctor din sya... Ilan na ang pasyente??" tanong nung lalaki na kanina pa hawak hawak ang kamay ni Zyphire. "Magiisang daan na... Eto ang lab gown dumeretso na agad kayo dun at icheck ang vitals nang ibang patients..." singit naman nang isa pang doctor at isinuot kay Zyphire ang lab gown. Napatingin ako kay Cleo at kita ko din na gulong g**o na sya sa nangyayari."Walt... Hindi diba pwede ang hindi doctor pag magaasikaso sa patient??" bulong ko kay Walt. Tumingin lamang ito sakin at ngumiti tsk. "Tama ka dyan, erp... Pero hindi toh ang panahon para paghinalaan sya kailangan na nating ipagamot tong mga sugat natin..." saad naman ni Cleo at umiwas na nang tingin. "Zyre ikaw na ang umasikaso kila Mr. Riordan at Mr. Zuello... Nurse Yoona tama?? Pakitawagan ang parents nang mga ito faster... Tara na, Zyrille..." saad ni Zyphire na kinagulat ko mas lalo. 'What is going on?? Magkakilala sila??' "Tara na... Baka ma impeksyon pa yan..." saad nung lalaki na kanina pa namin kasama. Sumunod na lamang kami sa kanya. Pinaupo nya kami dun sa kama at aasikasuhin na sana. "Doc. Rain... Kailangan po kayo nina Doc. Thunder sa O. R.  agad agad daw po..." saad nung nurse na nakaagaw nang pansin namin. Nakatinginan kami ni Cleo at nagkibit balikat lang ito. "I'm sorry if hindi ko na kayo maaasikaso... Nurse ikaw na ang umasikaso sa kanila... Mauuna na ako kailangan daw ako ni Thunder..." saad nung Doc. Rain daw at dumeretso na sa O. R. habang kami ay gulat na gulat padin. "What is going on?? Bakit pinahintulutan ang isang 4th year highschool na maging doctor??" saad ko at napatingin naman sila sakin. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. "Hindi ko din alam... Hindi din kase palakwento si Zyphire... Basta atleast hindi kayo natuluyan aba't pagnagkataong hindi kami late umuwi deds na kayo..." saad ni Sadie at tumango tango nalamang ako. "But ang sabi nung nurse kanina ay nina Doc. Thunder sa operation room... Nina?? Edi kasama si Zyphire sa O. R.??" saad naman ni Cleo na kinaisip ko ulit. 'Oo nga noh...Kasama sya??' "H-hindi pwede yun noh... T-tsaka hindi doctor si Zyphire... Masanay na kayo sa Bestfriend ko pagmay kailangan nang tulong nandyan agad sya... Super Zyphire ang asta nun..." saad naman ni Vinnie samin na nahahalataan kong kabado. 'Weird...' "Wonder Zyphire tsk...baka Nerdy tawag dun..." saad ko na kinatawa nila. "Ang tanong dito ay Sino ang nag-utos sa mga yun na gawin satin ito... May nakaaway ba kayo noong nakaraan?? " saad ni Sadie na kinaisip ko. "Wala, Ally... This week na wala kayo... Wala naman kaming nakaaway eh... " saad ni Cleo. "Kyan!! Kyan... What happened?? Nakipagaway kaba?? May dinaanan lang ang dad mo sa O. R. ngayon... What happened??" saad ni Mom sakin. "Dean... Good evening po..." saad nila Cleo nang sabay sabay. "Wala naman mom... Ayos lang ako don't worry..." saad ko dito at kumalma naman ito. "Bakit late naman na kase kayo umuwi?? Cleo at Walt?? And the two girls??Pasalamat kayo at 'di kayo natuluyan..." saad ni Dean Riordan. Napatingin ako kila Cleo na wag nang sabihin na tingin. "Pauwi na po dapat, Dean kaya lang may humingi po nang tulong na may nangyayari daw po kila Cleo kaya tinulungan nadin po nang kasama namin..." saad ni Sadie. "Mga kabataan nga naman... Tingnan nyo ang sarili nyo, Mr. Grisson... Lalo na kayo Mr. Zuello at Kyan... Buti nalang at walang nangyari sa mga babae natoh... Sino ba ang lalaking tumulong sa inyo??" tanong ni Dean na kinatawa ko. Lalaki pala un eh tsk yabang yabang pa kaya pala.Napatigil ako nang makitang ako lang ang natawa at masama na ang tingin nila Mom at Dad. *LUNOOOOKK* "What is funny?? I am jusking asking, Kyan... Where is he??" tanong ulit ni Dean at nagkatinginan kami. "Sadie... Vinnie... May tumawag samin na nasa ospital kayo... What happened?? May pinasok ba kayong g**o??" saad nung babae na may kasamang lalaki. Mga magulang siguro nung dalawa. "Wala naman po, Tita Kat... Ayos lang po kami... Sinamahan lang po namin sila..." sagot ni Sadie at mukhang nakahinga naman nang maluwag ung babae. "Eh si Typoon... Nasan na sya?? Bakit hindi nyo kasama??" saad nung lalaki naman. "Wayne... Katkat... Anong ginagawa nyo dito?? Thunder eto na ang lab gown... Ung napag-usapan natin..." saad ni Zyphire at binigay ung lab gown dun sa Thunder sabay tumakbo papunta sa mag-asawa. "May tumawag kase samin na nasa ospital kayo kaya un sugod na sugod tong nanay mo jusme..." saad nung lalaki na kinangit bigla ni Zyphire. Ngayon lang toh ngumiti ah, busangotera kase eh. 'She is kinda cute...' Ayts ano bang iniisip ko?? Yabang yabang nyan tapos engot pa tsk."Take it easy, Katkat... I'm alright may inasikaso lang din ako kasama sila Rain..." saad nito at tumingin naman samin. Mukhang hindi nya napansin ang Dean. Tiningnan ko ito at wala namang pinagbago sa kanya. Mukhang hindi nga sya ang kasama sa Operating room nung Thunder. Pagtingin ko naman sa mata nya ay nakatingin din ito sa'kin na parang nagtatanong. 'What are you looking at...' gusto kong itanong sa kanya yan. "Hi... I am Laura Riordan, Mom ni Kyan... I saw you kanina wearing a lab gown... Are you a doctor??" saad ni Mom na kinagulat ko. Ano bang ginagawa ni mom nakakahiya. "License Doctor, Mrs. Riordan... You are here for Kyan right Mrs. Riordan?? pakilagyan nalang nang ointment para walang iwang memories ung scars at iba pa...And para sa kapakanan nya... He needs a rest..." saad naman bigla ni Zyphire na kinagulat namin. Nagkatinginan kami nina Walt at gulat din ang mga ito. "Thank you, Zyphire right?? Naku iha you are so beautiful... Tawagin monalang akong Tita Laura... What if you visit us sometimes if you have a time lang naman??hihi..." saad ni Mom na kinagulat ko. Pinapahiya ako ni Mom. Pagkatingin ko naman kay Zyphire ay parang na-a-awkwardan sya kay Mom. "S-sure, Mrs. Riordan..." sagot ni Zyphire at bumaling naman si Mom dun sa babae at lalaki. "Besprend... Kamustaa?? Antagal na nung magmeet tayo?? Hihi" saad ni Mom na kinagulat ko. Besprend ni Mom ang Mom ni Zyphire tsk. "Baliw... Kakameet palang natin noh... Kakaaya mo palang magshopping, Laura tch..." saad nung Mom ni Zypgire na nakipagyakapan kay Mom at nag-usap na sila. Dahil si Mom un hinila na naman nya at nakipag-usap sa kung saan. "Dean... Are you here for Kyan?? Ah right he is your apo... He is okay now but he needs a full rest..." saad nito kay Dean na parang walang galang, na parang wala lang. Tumingin ako kay Dean at nakangiti toh kay Zyphire. "Mukhang ikaw ang nagligtas sa mga binatilyong ito... M-maraming salamat... I heard you are a license doctor?? But you are an 4th year highschool... I'm kinda curious about it..." saad ni Dean na nakatingin kay Zyphire. "Ms.Typoon... About sa O. R... Buti nalang at nandun kayo with your boyfriend... Thank you for taking my responsibilities..." saad ni Dad na parang hingal na hingal kasama ung Doc. Rain. "No problem, Doc. Riordan... Pinuntahan lang din kase ako nung nasa school kami kasama ang son nyo... Atleast success ang operation..." saad ni Zyphire at nakipagkamay pa kay Dad like TF. "Dean... Nandyan po pala kayo... Kamusta naman kayo mga binatilyo??" saad ni Dad tiningnan kami. "E-eto po tito... Bugbog sarado... Pero ayos nadin po kami... Ano po bang tungkol sa O. R. ung sinasabi nyo sa kaklase namin??" saad ni chismosong Cleo. "I think sya na ang dapat magsabi nyan... Kyan, sumunod kanalang dun ha... Hahanapin ko lang ang mom mo..." saad ni dad at nauna na. "D-dean... Good evening... Pwede na silang umuwi para magpahinga... Kung pwede ay palipasin nalang bukas ung pag-uusapan nyo... Kung maaari lang naman..."saad ni Rain at inakbayan bigla si Zyphire. "Tama ka, Mr. Rain... Sige na mauna na kayo at ako na ang bahala sa lahat... Ipapatawag ko nalang kayo bukas... And Ms. Typoon... Thank you ulit... Let's go na, Kyan..." saad ni Dean at tinapik ang likod ni Zyphire. "Let's go, Kyan..."saad ni Dean at nagpaalam nako kila Walt. "Mauna na kami, Erp... Bukas hintayan nalang tayo sa parking... Geh ingat..." saad ko at hindi na hinintay ang sasabihin nila. Ang daming nalaman ngayong at ngayon ko lang naranasan ang mabugbog nang sobra sobra sa buong buhay. Pero hindi padin ako natatahimik. Ayoko sa Zyphire na yan para syang bagyo na ginugulo buhay ko. "Iho... Kaibigan mo pala ang isang un..." saad ni Dean na kinagulat ko. "H-hindi po, Dean... Yung walang galang na yun... Hinding hindi po... Kaibigan lang sya nung nililigawan ni Cleo..." protesta ko nang biglang ngumisi si Dean. Hindi ko mapaliwanag yung gulat ko nang gumanun si Dean like ilang beses konang nakasama un na lolo ko tapos ngayon ko lang nakitang ngumisi. "Alam mo... Kahit ganun yung pananalita nya makikita mo ang paggalang nya sa mata nya... Her mouth is speechless but her eyes speaks loudly... Tara na..." saad ni Dean at nauna nang sumakay sa kotse. Naiwan akong nakatayong 'di maabsorb yung sinabi nito. 'Ano bang nangyayari sa paligid??' (ZYPHIRE'S POV) "D-dean... Good evening... Pwede na silang umuwi para magpahinga... Kung pwede ay palipasin nalang bukas ung pag-uusapan nyo... Kung maaari lang naman..."saad ni Rain at inakbayan ako. Siniko ko naman tong Rain natoh nang matahimik na. Tumingin ako kay Dean at nginitian lamang ito. "Tama ka, Mr. Rain... Sige na mauna na kayo at ako na ang bahala sa lahat... Ipapatawag ko nalang kayo bukas... And Ms. Typoon... Thank you ulit... Let's go na, Kyan..." saad ni Dean at tinapik ang likod ko. "Let's go, Kyan..."saad ni Dean. Pagkaalis ni Dean ay tiningnan ko lang nang masama si Rain tsk. "Zyphire... Nauna na daw sina Tita Kat... Uwi na daw tayo..." singit ni Vinnie at tinanguan ko toh. "Ahm Zyphire... Thank you nga pala dun sa kanina..."saad ni Cleo kaya napatingin ako dito at nginitian ko ito. "No problem... Mag-ingat nalang tayo dahil di pa natin kilala ang gumawa sa inyo nyan..." saad ko at biglang niyakap ni Sadie si Cleo na kinagulat ko. "Tama si Zyphire... Mag-ingat ka, Cleo... Hindi panga kita sinasagot eh tapos nagpapapatay kana... Hmp!"saad nito at sinimangutan ni Sadie si Cleo. Tama ang narinig nyo, umaasta silang mag-on pero manliligaw lang ni Sadie si Cleo. Ang plano kese netoh is sagutin si Cleo sa birthday nitoh tch daming arte."Sorry na, Ally... Promise lalaban nakk sa susunod... Hindi na ako magkakagento..." saad ni Cleo na may pataas taas nang kamay na parang namamanata hanggang sa magbangayan sila. "Zyphire... Una na ako... May patient pa kasi ako mag ingat ka... At inumin ang dapat..." saad ni Rain at tumango naman ako. Naglakad na ito papalayo at sumagi sa patingin ko si Walt na nakangiting nakatingin sakin.Tiningnan ko lang ito na parang nagtatanong. "Thank you pala... Tsaka ano pala... Yung sa Maximum Fire dance group... Sumali ka pala..." saad ni Walt at tumango lang ako. Hindi kase ako sanay sa chitchat ayoko kase nang kwento nang kwento ganun. "Bukas may practice... Sinabi kanina nung last subject eh wala kase kayo nun... 7 a.m sharp daw sa tabi nung music room ung room..." saad nito. "Music room?? May practice din ba ang  Blast Band?? Hindi ko pa kasi nalilibot ang buong school eh... Saan banda un??" saad ko dito. Sa mga dumaan kaseng araw wala akong oras ilibot ung sarili ko tapos sumabay pa yung break up ni Vinnie kaya hindi na talaga. "Meron din but the other day daw... Wag kang mag alala sa sched kese salitan daw... Monday, Wed, at Friday ang practice sa Maximum Fire while ung natirang araw is Blast band naman... Kaya don't worry.." saad ni Walt. Hindi naman ako nag-aalala, nakikibalita lang tch. "Saan banda ang music room I mean??" saad ko at na patingin ito sa akin na parang nahiya. "Ow sorry... What if sabay nalang tayo... Kasali naman ako sa dalawa eh..." suwestyon nya. Kaya nga tinatanong ko kase gusto kong mapagisa tsk. "Ayos lang din... Kaya lang baka mamaya mauna ka sakin diba or mauna ako..." saad ko. Ayaw ko kase nang naghihintay nang matagal tsk sayang ang oras. "Alam mo... Kuhain ko nalang number mo para alam mo yun... Tatawagan nalang kita if on the way na ako or may mga activities na sinabi nung wala ka diba??" saad nito sakin. Kinuha ko na lamang ang phone ko at inabot dito na nakalagay ang number ko. "Thank you nga pala sa pag inform sakin... Late na din kase baka magalit ung nanay ko tch bilis panaman nun magaalala... Sige una na kami ni Sadie..." saad ko nang iabot nya sakin ang phone ko. "Ah sige sige... Ingat... Goodnight nadin... Take care.." saad nito at nginitian ko lang ito. Bumalik nako kay Sadie at halatang ganun padin ang bangayan nila ni Cleo. "Sadie tara na... It's late na oh... Kilala mo si Katkat... Cleo, una na kami... Ingat.." saad ko at hinila si Sadie. Paglabas namin ay dumeretso kami sa motor ko at sasakyan nito."Alam mo Zyphire... Kanina ang daming tanong ni Kyan tungkol sayo teh... Edi ako naman palusot lusot nalang haha at kung makikita molang ung mukha nya kanina super curious..." saad ni Saide na ginagaya pa ang mukha ni Kyan. Nagsuot na ako nang helmet at sumakay."Saan kaba kase galing teh... Pag-alis nyo aasikasuhin sana ni Rain sila Cleo tapos biglang dumating ung nurse sabi kailangan daw si Rain sa O. R. ni Thunder daw... Kasama ka siguro dun noh??" saad nito nang sumakay ito sa kotse nya. "Ayts dami mong sinasabi... Basta pinuntahan ako nung lalaking yun para tulungan sya sa O. R. Tara na nga.." saad ko at pinaandar na lamabg ang motor ko. *BROOOOMMM* Saglit lang ang byahe namin dito sa Muntinlupa kese hindi naman trapik sya maluwag nadin kaya nga hindi trapik.Pagpasok namin sa bahay ay sinalubong agad kami ni Katkat. "Typooonnn... Nag alala talaga kami nung sinabing nasa ospital ko oh jusko... Gusto nyong magdinner??" saad ni Katkat na hinaharangan kami sa daan papasok nang bahay. "Busog na po kami ni Zyphire eh... Papasok lang po sana kami para magpahinga na deretso..." saad ni Sadie at pumasok na kami. Paglampas sa living room ay dederetso na ako sa Taas. *BOOGSHH* Napahinto kami ni Sadie nang marinig ang malakas na suntok na yun. Nagkatinginan pa kami at tumakbo sa kung saan namin narinig yun. 'Sa basement...' Patakbo kaming tumakbo dun at ang bumungad samin ay si Vinnie na naiyak. Niyakap ito ni Sadie at natigilan lang ako. Nakaharap ito sa kung saan. "Bakit ka umiiyak, Vinnie?? Tahan na... Shhhh" saad ni Sadie. Tiningnan ko ang tinitingnan nya at kinalabit ko si Sadie. Nakita naming pereho si Wayne na tatay tatayan ko na galit na galit at yung kamao nya ay puro dugo. Medto madilim sa basement kaya binuksan ni Sadie ang ilaw at bumungad samin si Heru na putok ang labi at puro pasa ang mukha pero ung katawan nya ay ayus lang,mukhang mukha lang ang binangasan ni Wayne. *PAK* *PAK* Sinampal ito ni Sadie nabg magkabilaan na sa sobrang lakas ay tumabingi na halos ang mukha nya at nagsitalsikan din ang dugo. "Hayop ka, Kuya!? Buyset ka!? Sumugal sugal kapa kung hindi mo din naman tatapusin!? Lintek ka dapat lang sayo yan!?" sigaw ni Sadie at ipinunas ang kamay sa damit nung Kuya Heru nya. "S-sorry na, Vinnie... P-please patawarin m-mo na ako... T-totoo naman k-kasi eh... G-ginamit lang k-kita..." saad ni Heru na kinainit nang ulo ko. *BOOGSH* *BOOGSH* Sinuntok ko ito nang dalawang sapat na suntok na sinakto ko sa tyan nito. "Potek na panggagamit yan!?Panong panggagamit ba ang ginawa mo!? Alam mo ba nung naging kayo nyang kaibigan kong yan ay hindi ko na makita yung totoong sya!? Alam mo bang nagbago yang kaibigan namin dahil sayo!? Sumugal kayo!? Ang tali talino mo naman para gamitin ang isang babae!? Alam mo kung hindi lang kami pinaghintay netong mabait kong kaibigan ay mas malala pa dyan ang aabutin mo!? Pasalamat ka at humupa ang galit namin!? Lakas nang loob na bumalik dito... Isa pang makita kita dito at pinipilit yang sarili mo..."saad ko dito at lumapit sa tenga nya at may binulong. "Tong mala-anghel natoh ay mas magiging demonyo pa sa demonyo..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD