Chapter 22

3473 Words
ZYPHIRE "Dun na lang kayo sa bahay ko kung ganun..." hindi ko na tiningnan ang nagsalita dahil sigurado akong sya yun. Napayuko na lamang ako. 'Naguguilt ako... Hindi ko manlang kasi pinakinggan sya ngayong araw sa niisa nyang sinabi sakin... Nagbabalik sa tenga ko lahat nang sinabi nya sakin ngayon' '...you will not open that door' '...madami daw sila,siguradong hindi mo kakayanin yun,mag isa kalang...' '...sure kaba talaga??' Hindi ko manlang sya pinakinggan ngayon ni isang beses. Hindi ko din pinansin yung mga sinasabi nya. Hindi ko din alam kung pano sya suyuin haayyys. "Kung ayos lang sa inyo?? Dun narin muna ako kung sakali..." dugtong nito at nakayuko parin ako. Napuno ako nang guilt. Tiningnan ko yung kamay ko na may tali. "Ayos lang samin... Mas mafifeel naming safe kami..." saad ni Vinnie. Ang focus ko lang ay ang kamay ko. Hindi ko sya kayang titigan. 'Nalulungkot ako sa nangyayare huhu' "Ayos lang din samin... Mas okay yun dahil sa kalagayan ni Zyphire ngayon..." saad naman ni Sadie at naiangat ko yung paningin ko nang banggitin nya ang pangalan ko. Napatingin ako kay Kuya na nakatingin sakin na parang walang pake. Napayuko na lamang ako sa tingin na yun, hindi ko kaya. "Sa inyo... Katie at Wayne?? Ayos lang ba??" saad nito na mukhang tinatanong sila Nay. "Mas ayos samin yun,Zyre... Kung ayos lang din kay Zyphire..." saad ni Tay Wayne pero hindi ko iniangat ang paningin ko. Nasasaktan ako sa pagtingin nya sakin na parang walang pake. "Ayos lang ba sayo ang tumira sa pamamahay ko??" walang gana at parang blanko na tanong ni Kuya Zyre. Nanginginig ang kamay ko sa lungkot nang marinig ang tono nya. "K-kung ayos sa kanila... A-ayos lang din sakin..." saad ko. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak nang luha ko pero pinigilan kong humikbi kaya hindi halatang umiiyak ako. "Tara na kung ganun... Kesa gabi tayo pumunta... Tulungan na kita, Wayne sa mga bag na iyan..." saad nito at ramdam kong ang pag-alis nya. Siguro dala nya yung ibang bag na dala nila Wayne. Pinunasan ko muna ang luha ko at iniangat ang paningin ko. "Tara na, Fire??" saad ni Vinnie at tumango na lamang ako. Pagtayo ko ay sumunod nadin naman sila palabas at nandun agad ang van ni Kuya Zyre. "Mauna na kami, Fire... Baka gabihin kami... Ingat..." saad ni Walt. "Mauna narin kami ni Shu... Sabay sabay nadin kami... Mag ingat kana sa susunod..." saad naman ni Cleo. "Una na ako... Text moko if kailangan mo nang kausap... Sige na... Bye ingat..." saad naman ni Shu na yumakap pa. "I-ingat sa byahe... Salamat" saad ko at nginitian na lamang sila. Nauna muna sina Shu kese kinukuha panila yung mga bag nang damit namin. Gustuhin ko man ay ayaw nila kaya nakinig na lamang ako. Hindi parin ako kinakausap nang ayos ni Kuya. 'Hayyyysss' "Sumakay kana..." saad nya bigla na parang blanko ang emosyon kaya sumunod na lamang ako. Sa buong byahe namin papunta sa bahay nya dito sa village ay nakayuko lang ako. Katabi ko sya dahil sa tabi ako nang driver's seat nya pinaupo pero walang kibo ang nangyari. Nang makarating kami ay hindi nya ako pinagbuksan. Sobrang cold nya sakin na parang ayaw nya sakin. Binuksan ko na lamang ang pinto ko kahit masakit dahil sa meron ang kamay ko. "Wooowww mas malaki pa ang bahay mo sa bahay namin dun..." saad ni Sadie nang mapasok namin iyon. "Oo nga... Ikaw lang talaga mag-isa rito??" tanong naman ni Vinnie. "Ahhh oo eh... Thank you" napatingin ako dito nang ngitian nya yung dalawa. 'B-bakit sila nginingitian nya??' Umiwas na lamang ako nang tingin nang makita ko yun. Naglakad ako at napunta ako dun sa pool na katabi nang bahay nya. Ang clear nang pool na yun. "Fire... Punta ka muna sa kwarto mo..." napatingin ako dun na biglang nagkagana pero hindi pala sya yun. 'Tatay Wayne' "S-sige po" saad ko at naglakad na kasabay nito. Pagdating namin ay nagtatawanan silang tatlo nina Kuya Zyre. "Dun pala yung kwarto nyo..." saad ni Kuya Zyre na hindi parin ako kinikibo. Nang ituro nya ang kwarto nang dalawa ay tiningnan nya ako na parang basurang walang silbe. Masakit man pero tiniis ko, yumuko na lamang ako upang hindi makita ang tingin na yun. "Dun ka sa kwarto na may black na pinto..." utos nya sakin na walang emosyon at dinaan ako na parang hangin. Hindi na lamang ako kumibo at kinuha yung bag na dalawa na may mga gamit ko. Masakit kasi yung sugat ko nadadali pero kailangan. "Kami na dyan, Fire... Baka mapano ang sugat mo..." saad ni Sadie na pilit na kinukuha ang bag na hawak ko. "Kaya ko... Salamat na lang..." saad ko at dinala na yun at umakyat. 's**t yung sugat ko' Nang marating ko ang black na pinto ay pumasok agad ako. Pagpasok ko ay isinarado ko agad ang pinto. Nabagsak ko ang dala ko nang makita ang paligid. "P-puro litrato naming dalawa..." bulong ko at tuluyan nang tumulo ang luha ko. May mga litrato namin na naka frame sa dingding. Ang saya saya namin. Yung mga araw na hindi kami mapaghiwalay. Yung walang g**o at puro walang katapusan na saya. Kinuha ko na lamang ang bag ko at inilagay sa closet sa gilid. Pagtapos nun ay nilapitan ko ang litrato namin sa batanes. "H-hindi ko kaya yung ganito, Kuya... W-wag ka naman g-gento... Ramdam ko para akong b-basura... W-walang silbi s-sayo..." Nahiga na lamang ako at hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Tanging sakit ang nararamdaman ko. Lungkot, dilim, at kung ano ano ang nararamdaman ko. Masakit. Mas masakit pa sa break up ko yung sakit. "Mukhang mali talaga ako... Ang bobo ko... Tanga... Inutil..." natawa nalamang ako nang may maalala ako. "Oo nga pala... Wala nga pala akong pakinabang haha... Mukhang tama kayo Mom at Chairman... Antanga tanga" Tumulo nang tumulo ang luha ko. Mainit ang luhang iyon. Naiinis ako sa sarili ko. Sana hindi ako toh. Ang bobo ko. Tanga ako. Inutil ako. Palpak ako. Makasarili ako. Hindi ako marunong umintindi. VINNIE FELLIX Lumipas na ang dalawang oras at hapunan na. Hindi ko parin nakikitang bumaba si Fire. Nag-aalala ako na baka sinumpong sya. "Nakita moba si Fire??" tanong ni Sadie sakin. Nandito kasi ako sa room ko nagpophone. Insta insta tapos twitter ganyan lang. "Nagpapahinga siguro... Bakit??" tanong ko dito at lumapit sakin ito. "Dinner na daw tayo... Patawag naman oh, Vinnie... Tatawag pa kasi ako kay Sweety eh..." saad ni Sadie at tinanguhan ko naman ito. "Sige sige... Sunod nalang kamo kami..." saad ko nang lumabas na ito sa kwarto ko. Lumabas na ako sa kwarto ko at pinuntahan ang kwarto ni Fire. Black ang pinto nito. Masama ang pakiramdam ko nang tumapat ako roon. Binuksan ko nang dahan dahan ang pinto para hindi magingay.Sumilip ako roon at kita kong nakahiga ito. 'U-umiyak nanaman sya' Namamaga ang mata nitong nakapikit. Pumasok ako roon at tinabihan sya. Maraming beses ko na syang nakita na gento. "F-fire... Fire... Gising na..." saad ko at inuga uga ito. Nabaling ang tingin ko sa balikat nito nang ugain ko. Pamilyar ang sugat na ganun. Ngunit hindi nya magagawang mag ganun. 'Naglalaslas ba sya??' "Fire... Gising na... Magdidinner na daw tayo" saad ko na lamang. Gusto kong maiyak sa nakita ko sa balikat nya. Mahaba at malalalim ang mga iyon. 'Saang parte pa ang meron, Fire??' "Hmmmmmm" tugon nito at dahan dahang minulat ang mata. "Busog pako..." saad nya na pumikit uli. Tumayo na lamang ako at pumunta sa pinto. "Baba ka nalang pag gutom ka..." saad ko at isinara ang pinto. 'Anong sasabihin ko sa kanila??' Naglakad na lamang ako papunta ron na bagsak ang balikat. Nag-aalala ako sa nangyayari sa kanya. Inatake nanaman sya nang ganun at mas malala pa. Mukhang bago bago lang ang laslas na yun. Namumula pa kasi ang isang yun. Hindi ko namalayan na nasa dining na ako at nakaupo. "Nasaan si Fire, Felli??" tanong ni Nay Katie sakin. Gulat akong napatingin dito. "S-susunod daw po..." saad ko at kumuha na sila nang pagkain sa harap. Kumuha na lamang din ako at kumain. Hindi parin matanggal sa isip ko ang nakita ko. Malami at malalim yun. Nang matapos ay naupo lang muna kami sa dining at puro na sila kwentuhan sa nangyari. "Tapos na kumain pero wala pa si Fire, Vinnie..." saad ni Zyre sakin. *LUNOOOKKK* 'Magsasabi nalang ako nang totoo' "S-sa totoo lang sabi nya... Busog pa daw sya kaya mauna na tayo..." saad ko at tumango lang ito. "Sayang naman... Ako na ang maghuhugas nang plato..." saad ni Sadie. "Ikaw bahala... Mauna na ako... Masyadong nakakapagod ang araw na ito." saad ni Zyre at nagsitayuan narin kaming lahat. Umakyat na lamang ako para pumunta sa kwarto nang makita ko ang pinto ni Fire. Napahinga na lamang ako at pumasok sa kwarto ko. *AFTER AN HOUR* Hindi ako mapakali ngayon. Naiisip ko parin si Fire lalo na yung laslas na yun. Napatayo na lamang ako at naglakad lakad sa bahay. Pumunta naman ako sa kwarto ni Zyre para sabihin iyon ngunit wala sya. "Nasan naba yun??" bulong ko habang nililibot ang bahay nya nang mapunta ako sa pool. 'Si Zyre' Nakatayo ito katapat ang pool. Kailangan nyang malaman ito. Lalo na at hindi nya pinapansin si Zyphire. "Z-zyre..."saad ko at napatingin naman ito sakin. "Anong ginagawa mo rito??" saad nya na humarap na sakin. "Pasensya na kung naabala kita sa pagmumuni mo... May kailangan ka kasing malaman..." saad ko at tumabi rito. "Ayos lang... Anong kailangan ko namang malaman??" saad nya na parang nagtatanong ang mga mata nya. "Tungkol toh kay Zyphire..." saad ko at napatingin ito sakin nang deretso. "Anong tungkol sa kanya?? May magagawa ba ako dyan nang hindi nya ako pinuputol??" saad nya na medyo sarkastiko. "Huwag ka namang ganyan sa kanya... M-may hindi ka alam sa kanya... May pinagdadaanan sya..." pasigaw kong saad dito at kita ang gulat sa mukha nito. "At pano naman ang hindi nya pagsunod sakin?? Ano bang pinagdadaanan nya?? Pagiging hindi masunurin... Pag gusto gusto??" saad nito na may galit na. Napayuko na lamang ako at huminga nang malalim. "Alam kong may gusto kang ipunto pero... Wala kaba talagang alam sa kung anong meron sya ngayon?? Kung ano yung pinagdadaanan nya sa sayang pinapakita nya satin... Na okay lang lahat..." saad ko dito at kita ang hindi nya maintindihan na mukha. "Hindi mo kailangan ipaalam ang nalaman mo tungkol sakin, Vinnie... Kaya kong tiisin ang pagsusungit nya... Okay lang naman ako eh" nagulat ako nang may magsalita galing sa likuran ko. 'Zyphire' "Pero alam kong... Mas nahihirapan ka... You are depress, Zyphire!! Bigla kang inaatake nang depress at anxiety mo!! Anong okay dun??" ZYRE RAIN "Pero alam kong... Mas nahihirapan ka... You are depress, Zyphire!! Bigla kang inaatake nang depress at anxiety mo!! Anong okay dun??" Nagulat ako sa sinabi ni Vinnie kay Zyphire. Napatingin ako kay Zyphire na ngumiti nang mapait samin. "Kung kakayanin ko... Okay lang naman... Tsaka ayos lang ako wag mo kong alalahanin... Pasensya na sa pangaabala... " saad nya samin at umalis na. 'H-hindi ko alam yun ah' "K-kailan pa sya nagkaganun??" saad ko at napatingin kay Vinnie. "Hindi ko alam... Pero nakita ko sya... Isang beses... Nagising ako nang madaling araw... Nakarinig nang paghikbi galing sa kwarto nya... Sumilip ako... Nakita ko syang umiiyak... Iyak sya nang iyak... Parang may pinagdadaanan sya nun... Hanggang sa araw araw ko syang sinisilip nang ganong oras at ganun parin ang ginagawa nya... Nag-aalala ako sa kanya... Hindi na normal ang pagiyak nya nang paulit ulit... "saad ni Vinnie. Bumigat ang loob ko sa sinabi nya. Nakokonsensya sa ginawa ko."Kanina... Ako ang tumawag sa kanya... Pagpasok ko ay magang maga ang mga mata nya... Kakaiyak palang nya nun kakatulog palang... Inalog ko sya at ginising kaya lang... Nakaagaw pansin yung shoulder nya, Zyre... Natatakot ako... Baka kung ano pang gawin nya... "saad ni Vinnie na umiiyak na at napatingin ako sa kanya. "Anong meron sa balikat nya??" tanong ko sa kanya. Umiling ito nang umiling na parang hindi makapaniwala. "Malaki... Mahaba... Malalim na mga guhit sya, Zyre... Mapula ito na may dugo pa... Laslas ang tingin ko dun..." saad nya na kinagulat ko. Hindi ako makapaniwala. "Pumunta kana sa kwarto mo... Kailangan ko syang makausap..." saad ko at hinanap si Zyphire. Pumunta ako sa kwarto nya pero wala. Sa sala pero wala. Sa kitchen pero wala rin. Kinakabahan ako na may pag-aalala. Hindi makapaniwala sa sinabi sakin ni Vinnie. 'Kala ko ayos ka lang' Napatigil ako sa garden nang makarinig ako nang hikbi. Lumapit ako roon at nakita ko si Zyphire na nakaupong magkadikit ang binti. Nakayuko ito na umiiyak. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko manlang napansin yun ni isang beses sa pagiging close namin nang kapatid ko. "Ang tanga tanga ko!! Bobo!! Inutil!! Pag gusto gusto!! Hindi masunurin!! Napakaraming mali sakin!! Sana hindi nalang ako etoh... Puta!! Durog na durog nako..." sigaw nya. Nakatalikod ito sakin kaya hindi ko sya nakikita. Narinig nya ang mga sinabi ko. Kala ko hindi na nya dinadamdam ang sinabi sa kanya nila Dad. Lumapit ako dito at tumabi sa kanya. Napatingin ito sakin. Kita ko ang pamamaga nang mata nya. Naiinis ako sa sinabi ko. Hindi ko rin alam kung saan nanggaling ang mga salita na iyon. "Sorry... Sorry, Kuya Zyre... Hindi ko alam na ganun pala ako... Kala ko okay lang sayo... Kala ko mas kilala moko kesa sa sarili ko... Sorry kase umasta akong alam ang lahat... Tama sila... Tanga. bobo. inutil. walang silbe. basura.  pag gusto gusto. hindi masunurin. bastos. ang dami pa na alam kolang ay mali ako... Maling mali ako... Sorry Kuya... "saad nya sakin na iyak nang iyak. Umiiling pa ito habang umiiyak. Naluha ako nang makita syang ganyan. Sinisisi ko ang sarili ko kase hindi ko alam. Kala ko wala syang pake sa sinasabi nang iba dahil sa akto nya."Pero the way na tignan mo ko kanina... Parang ang sakit kasi... Yung tingin na yun... Natingin na sayo nang ibang tao... Pero yung napagkakatiwalaaan mo tiningnan kadin nang ganun... Ang sakit... Ang hirap... Tapos yung tingin na yun.... Pinaparamdam nya sakin yung mga sinasabi nang iba... Ang sakit... "dugtong pa nito na kinaiyak ko na din. "Sorry, Zyphire... Hindi ko alam... Wala akong alam... Nagulat lang rin ako... Kese... Ano..." wala akong masabi at napatingin sakin ito. Ngumiti sya pero hindi tulad nang dati. "Kese lagi akong masaya?? Kese hindi mo pako nakikitang gento ka lungkot?? You don't have to be sorry... Hindi mo kasalanan... Ako lang ang may kasalanan... Kese nga diba.... Pag gusto ko gusto... Hindi ako marunong sumunod... Paggusto ko yun edi iyun... Ang tanga tanga ko talaga!!"saad nya at napailing na lamang ako. "Hindi ka tanga... Hindi ka bobo... Hindi ka inutil... Hindi ka ganun, Zyphire..." saad ko sa kanya. "Pero ikaw na mismo nagsabi... Sabi mopa kay Vinnie na paggusto gusto... Hindi masunurin... Baka naman kase yun ang nakikita nyang paraan para protektahan kayo... Baka naman kase may mga dahilan sya... Kese yung taong ininsulto mo, Kuya Zyre... Mahina sya... "saad nito at napayuko  na lamang. "Sya yung tipo nang tao na... Feeling nya sya yung pinakamahinang tao sa buong mundo... Sya yung pinakamasama sa buong mundo... Kaya nyang ngumiti basta mapapangiti din kayo... Kaya nyang tumawa basta tatawa rin kayo... Kaya nyang gawin lahat basta maging masaya kayo... Ayaw nya na malaman nyo eh... Bakit?? Kese baka itanong nyo nalang lagi yung okay ka lang?? Kaya pa?? Kese hindi ko alam ang isasagot pag yang mga tanong ang itatanong nyo... Baka masabi kong lang na... Hindi eh... Gustong maging okay pero pano?? Sa paanong paraan?? Patawanin nang patawanin?? Eh yung kaya ko pa ba?? Baka masagot ko dyan ay hindi na... Bakit nga ba?? Kese hirap na hirap na ako... Hinang hina na ako... Kese kahit yung taong pinagkakatiwalaan ko iniwan ako... Si Care Bear?? Kasama  na sya ni God... Si Clover?? Iniwan ako dahil sa sarap... Ikaw?? Eto kung tignan ako parang basura... Tatlo lang kayo... Pero sunod sunod rin kayong nawala... Masakit... Pero kasalanan ko parin haha.... Kese di ako marunong magpahalaga... Tanga tanga ako... Intuil walang kwenta... Di karapatdapat sa dugo nyo... Pasensya na ah... Gento lang kasi ako... Mahinang tao... "saad nya na pinunasan ang mga luha sa mga mata nya. "Hindi kita iiwan... Hinding hindi kita iiwan... Hindi ko nga kayang mawala ka... Iwan kapa kaya... Ayoko lang sa inasta mo... Pero hindi ibigsabihin nun ay iiwan na kita... Hindi ako tulad nila... Na yung isa ay sadya at yung isa ay biglaan... Nandito lang ako... Pwedeng pwede mong iyakan.... Pwedeng pwede mong pagsumbungan... Kahit ano ang gawin mo pwedeng pwede ako, Zyphire... Pero ang iwan ka... Hindi ko kaya... Ang Insultuhin ka... Hindi ko magagawa yun... Nadala ako nang galit... Pero hindi ko sadya yun... I am very very sorry... Hindi ko agad napansin ang gento mong side... "saad ko at pinunasan ang mga luha sa mukha ko. Tumingin ito sakin."Dahil ayokong yung gento kong side ay pati sa umaga... Madala kona... Na makita mo... Na makita nila... Depress?? Anxiety?? Mga kaibigan ko sa gabi... Sa dilim... Takot ako oo... Kese naghahanap ako nang comfort sa dilim pero sila... Sila ang nakita ko... Pag sumasaya ako na parang sobra na ang saya tinitigil ko agad... Baka kase mamayang gabi sobra din ang lungkot... At pagsisisi ko sa ginawa ko... I am depress but kinakaya ko... "saad nya sakin at napatingin ako dito. "I am sorry..." yun na laamng ang lumabas sa bibig ko. 'Naaawa ako sa kapatid ko s**t' "Ayos lang... Mas gugustuhin kong na sakin toh kesa na sayo or kung nasa pamilya at teritoryo ko... Mas gusto kong sakin na lamang ito..." saad nya at napatingin na talaga ako dito. "Bakit puro teritoryo mo at pamilya mo na lamang ang iniintindi mo?? Yung sarili mo... Bakit hindi yung sarili mo??" saad ko sa kamya at rinig ko ang mahina nyang tawa. Hindi man normal na tawa. "Kese yun ang nakatakda ko?? Sabi ni Care Bear sakin... Biglaan kasi yung pagbanggit nya pero naintindihan ko... Sabi nya... Ako lang ang babae sa lahi natin..." pagpuputol nya na parang bumalik sya sa alaalang iyon. "Ibigsabihin... Kailangan daw akong protektahan nang hari... At si Care Bear yun... Nagtipon tipon daw ang lahat... Bata ka palang daw nun Kuya Zyre... Tipon tipon ang lahat nang pamilya natin... Nang biglang may sumulpot na matanda..." biglang nagbago ang ekspresyon nya. "Anong meron sa matandang iyon??" saad ko dahil hindi ko na maalala ang isang yun. "Ligaw sya... Marumi... Madungis... Ang sabi nya at nakatingin pa daw sa mata ni Care Bear... Magkakababae na raw sa lahi natin... Tuwang tuwa daw sya nun kaya lang nagbago ang ekspresyon nang matanda..." pagputol nanaman nya at sumeryoso na ito. "Mala anghel ang mukha nang dalaga... Ngunit habang labing walong taon ito ay may mangyayaring masama... Ang batang iyon ay isang bagyo... Mahihirapan kayo sa kanya na ayusin... Umaapoy ang galit sa mata nito... Madamdamin rin ito... Masyadong malakas ang magiging nag-iisang babae sa lahi nyo... Mas malakas pa sa kung sino... Ingatan nyo sya... Gabayan... Dahil sa likod nang mala anghel nitong mukha... Kaya nyang maging demonyo pag dating sa mga mahal nya... Yun ang sabi nang matanda na bigla na lamang nawala sa harap mismo ni Care Bear... "saad nito na medyo nag-aalala. "Nahanap naman nila ang matandang iyon hindi ba??" tanong ko pero umiling ito. "Pinahanap nila sa buong mundo kahit sa ating bansa ngunit wala... Walang matanda na ganun ang itsura... Nawala na parang bula... Kaya hindi sila naniwala sa sinasabi nun... Alam nang buong bansa ang tungkol dun at hindi sila naniwala... Ngunit... Lumabas ako... Ang alam nila ay lalaki ako dahil yun ang sinabi nang Chairman kaya nakampante sila... Natakot ang buong pamilya natin... Tuwa nung una at takot nang tumanda... Lalo na't mag-e-eighteen na ako haha"saad nya. "Pero naniwala ka ba dun?? Kese ako hindi..." saad ko sa kanya at napatingin iti sakin. Nag-aalinlangan ang mga mata nito. "Ngunit may tumatak na sinabi nang matanda kay Care Bear..." saad nya bigla sakin. "Ano naman iyon??"tanong ko. "Isinumpa nya ang nagiisang babae sa lahi natin na bago sya mawala..." saad nya sakin na mukhang nalungkot. Kinabahan ako sa sinabi nya lalo na at sumpa iyon. "May magiging solution ba para mawala ang sumpa??" tanong ko. "Hindi rin nila alam ang solusyon dahil nawala nalang bigla ang matanda... Kaya nila hinanap iyon..." saad ni Zyphire na yumuko bigla. "Ano ang sumpa na iyon??" tanong ko. "Isinumpa nyang makakasakit ang babaeng iyon... Iba't ibang sakit na mga malalala... Magiging malungkutin... Mamamatay dahil hindi nya susunurin ang patakaran... Mamamatay sa harap nang buong pamilya at teritoryo nito... At mamamatay sya sa petsang 27..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD