Chapter 21

3092 Words
ZYPHIRE Nang mabasa ko ang poem na yun ay napatingin ako kila Walt at Cleo na mukhang naiintindihan ako. "Who ran away and hide?? Pano natin mahahanap yun??" saad ni Sadie. Napatakbo ako palabas nang room at tumapat sa pinto kung nasan ang tatlo. "You will not open that door, Fire..." saad ni Kuya Zyre. Napatingin ako sa kanila. "Kuya Zyre at Zyrille... Please cover the two girls... We need to confirm it..." saad ko at hinarangan nila ang dalawa. Napatingin ako kila Walt at Cleo. "Kaya mo bang pumasok??" saad ko kay Shu at tumango naman ito. "Are you sure?? He is just the man who ran away and hide... Do we need to confirm it??" saad ni Cleo sakin at tumango ako. "She is sure... Eh pano ang deal nung dalawa??" saad ni Walt sakin. "Edi ituloy... Yun lang ang pwedeng magawa..." saad ko at binuksan na ang pinto. Bumungad silang tatlo na nakaupong nagulat samin. "Nagbalik kayong tatlo na may kasama pa... Anong maiitulong namin??" saad ni Ryle. "The deal... It will continue... But last question natoh..." saad ni Walt at kita ang paglinang nang mata ni Miguel. "Tama sya... Tandaan mo ang quote, Jack..." saad naman ni Cleo at kita ang paglunok ni Jack. Napatingin naman sila sakin na tahimik lang. "Ano bang tanong iyan??" saad ni Ryle at lalapitan sila. May humawak bigla sa kamay ko. "Wag kang lalapit..." saad ni Shu. "Kailangan..." saad ko dito at lumuwag ang pagkakahawak nito. Linapitan ko si Miguel dahil alam kong sya lamang ang magsasabi nang katotohanan. "Alam kong ikaw lang ang..." hinila ko si Miguel at isinandal sa pader. "Alberto... Do you know him??" saad ko at tiningnan si Jack na kita ang gulat. "O-oo... Ang taong tumakas..." sagot ni Jack sakin. "Tumakas at nagtago... Hindi na muling bumalik nang makalipas ang labing walong taon... Pano mo sya nakilala??" saad ni Ryle sakin. Binitawan ko si Miguel at pinagpag ang kamay ko. "Wala ka pa noon..." saad naman ni Miguel. "The man who ran away with his family... Tama ba??" saad ko at tumango si Jack. "One last question... Makakabalik kayong tatlo sa tanong na ito..." saad ko at linapitan si Ryle. Tiningnan ko ito sa mata at kita ang pagtataka nito. "Inatake o pinatay??" nanggigigil na tanong ko. Nagtaka namana ng mukha nya. "SAGOT!!" "I-inatake!! Inatake.." saad nya at tinalikuran ko na ito. 'Sinungaling sya... Nawawalan tuloy ako nang gana' Lumabas na ako sa kwartong iyon kasunod silang tatlo at inilock ko iyon. "Anong nakuha nyo??" saad ni Kuya Zyre. "Alberto... Sya ang sunod..." saad ni Cleo. "Kapangalan nang Chairman nyo, Shu..." saad naman ni Kuya Zyrille at pumasok na lamang ako sa room. Kinuha ko ang board ko at inayos ang pagkakalagay sa Chairman. "Pano kita matutulungan??" bulong ko na lamang. Isinabit ko ang board ko sa may White board. Tiningnan ko mabuti ang mga larawan. Ang dami dami nila. "Bakit nandyan ang larawan naming lahat??" saad bigla nang katabi ko na si Shu. Hindi ko ito sinagot at inilagay ko ang pin sa picture ko. "Bakit inilagay mo ang pin sayo??" saad naman ni Cleo galing sa likod. Napatingin ako sa likod at huminga nang malalim. "Dahil ako ang kalaban nila..."saad ko at napatingin kay Cleo. "Pano moko nakilala??" tanong ko dito dahil gusto ko talagang itanong sa kanya iyon. "Sina Walt at si Chairman Zuello..." sagot nya sakin at napahinga na lamang ako. Lumapit ako kay kuya Zyre at tumalon sa likod nito at yinakap. "Oh bakit?? Napagod kaba princess??" saad nya sakin habang nasa likod nya parin ako. "Dun tayo sa elevator..." saad ko at naglakad naman ito papunta sa elevator. Kasunod namin sina Vinnie. Nang makaakyat na kami ay sinalubong kami ni Dad. Para akong lantang gulay na nawalan nang nutrisyon. "Oh anong nangyare dyan? Kamusta kayo, Fellixious at Die??" saad ni Dad. "Ayos naman po, Tito... Nakakatuwa nga pong HINDI NA takaw g**o si Fire..." saad ni Sadie na pinagdidiinan ang salitang 'Hindi na'. "Tama po si Die, Tito... UMIIWAS napo sya sa peligro..." saad naman ni Vinnie na pinagdidiinan ang salitang 'Umiiwas' na nakatingin sakin tulad ni Sadie. "Pero si peligro ang humahabol sa kanya tsk..." saad ko at bumaba na sa likod ni Kuya Zyre. "At sinong peligro ang humahabol sa prinsesa ko?? May maitutulong ba ako??" saad ni Dad at umiling lang ako. "Naah... I can handle it..." saad ko na katabi parin si Kuya Zyre. "Pwede mo bang ipakilala ang mga kalalakihang kasama mo, Fire??" saad nya na nakatingin sa tatlo. "Sya si Cleo, Dad... Isa syang Zuello... Boyfriend ni Die..."saad ko dito na mukhang hindi na kinig kanina kase nagulat pa ito. "Zuello?? Nice to meet you... You can call me Tito... Tulad nang tawag nang dalawa..." saad ni Dad at nakipagshake hands dito. "Walt Grisson... My childhood bestfriend... From the Grisson family..." saad ko at nakipagshake hands din ito dun. "At sya si Kyan Shu... The boy at the park... Isa syang... Riordan" saad ko na halos bulong na ang huling salitang binagsak ko. "Nice to meet you, Sir..." saad ni Shu dito na nakipagkamay. Kinamayan naman ito ni Dad na halatang hindi komportable. "Tito nalang, Shu... Bakit hindi nyo pala kasama sila Wayne??" saad ni Dad at napatingin ako kila Vinnie. 'Kung nandito sila... Kung ganun-' "Sino ang bantay nila dun??" taka kong tanong kila Vinnie. Kita sa kanila na parang nakalimutan iyon. Kinuha agad ni Sadie ang phone nya at tinawagan ang phone nito. "Sumasagot ba??" tanong naman ni Cleo pero umiling si Sadie. ' SHIIIITTT' "Ako ang tatawag..." saad ni Vinnie at tinry nya ngunit ganun din. 'The man who ran away and hide' Napailing na lamang ako sa naisip ko. Ibang lalaki ang sinasabi sa tulang iyon. Nagkamali ako sa pagkakaintindi. "Tinry na naming lahat pero hindi talaga sinasagot..." saad ni Walt. Kinuha ko ang phone ko at ako ang tumawag. Sinagot ito kaya niloud speaker ko ito. "Fire!! Buti napatawag ka... Naintindihan mo agad ang tula ko..." napailing na lamang ako na marinig ang boses na yun. 'Cinco' "Huwag mokong susubukan, Peligro... Hinding hindi mo gugustuhin kapag yang mga iyan ay nasaktan..." saad ko. Nanggigigil na ako sa kanya. "Binabantaan mo ba ako??" saad nya sa kabilang linya. "Hindi kita binabantaan... Binabalaan hindi rin... Sinasabi ko lang sayo..." saad ko na may pagkasarkastiko. "Wag kang babalik dito sa bahay!! Anak!! Madami sila!!" sigaw yun ni Nay katkat. 'Marami sila... Ano bang ginagawa nya??' "Masyado silang malalakas, Anak!! Hindi nyo kakayaning tatlo!!" sigaw naman ni Wayne at napahigpit ang kamao ko sa sinabi nila. "Tama na ang usapan... Ano, Fire?? Tutulungan mo paba sila??"saad ni Cinco sa kabilang linya. "Hindi ako duwag ni tanga para atrasan ang isang daga... Naiintindihan mo peligro?? Baka naman yun lang dimo pa naintindihan..." sarkastiko kong saad. "Naiintindihan ko ang isang yun, Demonyo!! Kaya lang gusto kong ikaw lang at wala kang isasama pagpupunta ka rito sa bahay nyo..." saad nya at natawa naman ako. "Sige ba... Siguraduhin mong aabangan moko peligro... Kasi ang demonyo kung saan saan sumusulpot mamaya... Nasa likod mo nako..." saad ko at natahimik ang kabilang linya. "H-hindi ako natatakot sayo!!" saad nya at pinatay ko na ang linya. "Madami daw sila, Fire... Siguradong hindi mo kakayanin yun... Mag isa kalang..." saad ni Kuya Zyre. "Tama si Zyre... Baka mapano ka dun... Delekado un..." saad naman ni Vinnie sakin. "Hindi yun magiging delekado... Kung may magiging kasama ako..." saad ko at kita ko sa tingin nila ang pagtataka. "At sino samin ang isasama mo??" pataray na tanong ni Sadie sakin. 'Si Cleo lang ang maaari kong isama sa gento pero mukhang di papayag ang girlfriend at ako baka mapano sya. ' "Ako ang sasama... Sasama ako sa kanya..." saad ni Shu pero umiling ako. "Walang sasama... Pero gusto kong manatili kayo dito... Kasama si Dad kung maaari... May magdadala kila Nanay dito..." saad ko at ibinigay kay Zyre ang bag ko. "Sure kaba talaga?? Sino naman ang maghahatid kila Katie?" saad nya sakin  na mukhang nag-aalala. "Pagnakarating sina Nay Katie kasama yung naghatid... Paglumipas ang tatlompung minuto... Puntahan nyo ko..."saad ko at lumapit naman sakin si Dad. "Hindi ka pwedeng mag-isa dun... Ayokong mapahamak ka..." saad ni Dad sakin. "Tama si tito... Ayaw ka naming mapahamak... Pasamahin mo kami..." saad ni Shu sakin. "Isama mo kaming lahat, Fire... Tutulong kami..." saad naman ni Sadie at napailing na lamang ako. "At mas lalong hindi ako papayag... Sila Nanay palang yun gusto ko na silang mawala... Pano nalang pag kayong lahat ay nandun?? Baka yung demonyo na sinasabi ni Peligro... Ay magkatotoo..." saad ko at kita ko ang gulat sa mukha nila. "Hindi mo magagawa yun, Fire... Nasa patakaran iyon..." saad ni Kuya Zyrille na nag-aalinlangan. "Nabuhay ako para mamatay ulit.. Yun ang tadhana ko... Magagawa kong maging demonyo kung kinakailangan..." saad ko at lumabas na ako. Sumakay ako sa motor ko dito at mabilis na pinatakbo yun. Nang makadating ako ay tinext ko na ang kukuha kila Nanay. Hindi ako dumaan sa harap. Nagparada ako sa likod kung saan walang kamera. Pumasok ako nang tahimik at sumilip sa loob. May mga bantay sa pinto at kung bibilangin ay bente. Hinanap nang mata ko sina Nanay. Napatingin naman ako sa pinto nang basement at may bantay dito na tulog. Malayo layo sa entrance ang pinto nang basement kaya siguradong hindi nya ako mapapansin. Dumaan ako sa kusina at hinila ang malapit sakin nang tahimik. Siniko ko sya sa batok at tulog na ito. Itinali ko ito at inilagay sa kusina. Ginawa ko iyon sa mga iyon at itinali rin. 'Mga mahihina ang bata mo, Cinco' Lumapit naman ako dun sa bantay na tulog. Siniko ko ito sa batok at nawalan naman ito nang malay. Itinali ko rin ito at dinala sa kusina. "Hindi manlang ako nakasuntok mga lintek.." bulong ko. Dahan dahan kong binuksan ang pinto nang basement ay nakatalikod sakin si Cinco na mukhang kausap sina Nanay. "Bago pa makapasok ang anak anakan nyo... Bugbog sarado na sya ng mga alaga ko!!" sigaw nya rito. "Hindi sya pupunta rito!! Sinabihan na namin sya!!"sigaw ni Tatay Wayne dito. "Duwag ang isang yun!! Isang duwag ang tinuturing nyong prinsesa!!" sigaw ni Cinco na kinagigil ko. Biglang namuo ang kamao ko sa galit. "Pagsisisihan mong sinabihan mo sya nyan!! TANGAAA!!" sigaw ni Nay Katie dito na akmang sasampalin na sana nya si Nay Katie nang patayin ko ang ilaw. "Hickory dickory dock Your sight will be in black~" pagkanta ko at pumasok sa kwarto at sinarado ang pinto. "S-sino ka??" kabadong saad ni Cinco na malayo pero katapat nang dereksyon ko. Pinuntahan ko sila Nay at tinanggal ang tali nila. "May susundo sa inyong babae sa labas... Kuhain nyo ang mga damit natin... Sumama kayo sa kanya..." bulong ko sa tenga ni Tay Wayne at tinapik nya ang braso ko. Nang makalabas na sila ay sinarado muli nila ang pinto kaya walang liwanag "I am your fear The end is near Hickory dickory dock~" pagtatapos ko nang kanta at ramdam ko ang pagkatakot ni Cinco. "SABING SINO KA EH!?" sigaw nya at pinuntahan ko ang likod nang sigaw nyang iyon. "I am... Death" bulong ko sa tenga nya at mabilis syang sumuntok sakin. Gumalaw ako agad at inilagan ang mga suntok nya. Sumuntok na sya nang sumuntok kaya sumuntok din ako. Bigla naman nyang nadali ang bibig ko na pinunasan ko ang dugo. *SHIINNGGG* Rinig ko ang paglabas nya nang sandata. "S-sige lumapit ka!! Papatayin kita!!" sigaw nya ngunit sumugod na ako. Tinatry nyang saksakin ako nang hawakan ko ang pantusok na yun at kinuha sa kamay nya. Nang makuha ko ito at nagasgasan ko sya gamit ang kutsilyo yun. Ramdam ko ang pagbagsak nya. Linapitan ko sya at sinuntok toh sa mukha at nakarinig ako nang pagbagsak. "Wag na wag ka nang magpapakita sakin..." KYAN SHU Ang tagal na naming naghihintay pero wala parin si Zyphire. "Hindi paba natin sya pupuntahan??" tanong ko at umiling sina Zyre. "Magdidilim lamang ang mata nun pag nahuli tayo, Shu..." saad ni Zyrille at napailing na lamang ako 'Sana okay lang sya... Buyset dapat pumayag syang sumama ako eh' "Fellixious!! Die!!" napatingin kami sa sigaw na yun at napatakbo ang dalawa sa dumating. "Dumating na kayo... Ayos lang po ba kayo?? Si Fire??" saad ni Sadie. "Katie... At Wayne... Ayos lang ba kayo?? Maupo kayo... Nasan ang naghatid sa inyo??" saad ni Tito. "Ayos lang kami... Wala syang nagawa samin... Umalis agad ang naghatid samin... Kaya lang... Si Fire..." saad nung Wayne at napatingin kaming lahat dito. "Anong nangyari sa kanya??" seryosong saad ni Zyre. Masama ang kutob ko sa nangyayari. "S-sasampalin na dapat ako nung Cinco nang biglang pumatay ang ilaw... Nakakatakot... Biglang may kumanta nang nursery rhyme... S-sobrang creepy nang lyrics nun..." saad nung Katie kay Zyre. "Pero... Nakita nyo po ba si Fire??" saad ko na naagaw ang pansin nila. "Oo... Nang nasa kalahati ang nursery rhyme ay bigla may bumulong sakin at pinapatakas nya kami... Sigurado akong sya yun..." saad naman nung Wayne. "Pero... Bakit hindi nyo sya kasama?? Hindi nyo ba sya hinintay?? Yung kasama nyo??" saad ni Tito dito at umiling naman yung dalawa. "Gusto namin syang hintayin, Zyre... Pero sabi nung sumundo samin wag na daw syang hintayin... Yun ang bilin daw ni Snow ang tawag nya kay Fire..." saad ni Katie at kinabahan ako bigla. Tumayo bigla si Zyre na kinaagaw nang pansin namin. "I need to go..." saad nya na naglakad papunta sa pinto nang biglang bumukas ito. Napatingin kami nang bumukas iyon. "Shit..." rinig naming saad ni Zyre kaya napalapit kami roon. 'Si Zyphire' Yakap yakap niya si Zyre at may tumutulong dugo. Nang bumitaw ito ay tiningnan ko ang kabuuan nya. Tumutulo ang dugo galing sa kamay nyang may tela na. Putok din ang labi nito na may dugo pa. "Tulungan nyo kong alalayan sya..." saad ni Zyre at lumapit ako agad at tumulong. Inalalayan namin sya papunta sa sala at pabagsak syang umupo sa sofa. "Anong nangyare sa kamay mo??" saad ko sa kanya. Ngumiti naman ito nang mapakla sakin. "Ulok kasi... Naglabas nang patalim... Edi hinawakan ko kesa itusok nya yun..." saad nya na nagbiro pa. Pinitik naman ni Zyre ang noo nito. "Hindi nakakatuwa ang biro mo... Zyrille tulungan mo ko dito..." saad ni Zyre at tumabi naman si Zyrille kay Zyre. "Gago!! Anong kamay yan?? Bat tumutulo nang dugo??" saad ni Zyrile at ginagamot ang kamay ni Zyphire. "H-hinawakan ko yung pantusok nang patalim... Hindi naman masakit eh... Masarap hehe" biro nanaman nya at ako na ang pumitik sa noo nya. "Anong masarap!! Halos maubos ang dugo mo, Zyphire.." saad ko sa kanya at lumungkot naman bigla ang mukha nya. "Sorry... Nagbibiro lang naman... Grabe kasi ang pag-aalala nyo sakin at ayaw ko yun.." saad nya. "Wala sa lugar ang biro mo teh!! Nakakatakot!!" saad ni Sadie na nakasilip kay Zyphire. "Kita mong natulo nang dugo galing sa kamay mo mismo natutuwa kapa aber!! Abay imortal ang isang toh..." saad ni Vinnie na nabatukan ni Walt. "Wala sa lugar ang pagbibiro mo... Kita mo nang nadisgrasya ang tao..." saad ni Walt dito. "Tumigil na kayo... Wag muna ngayon kayo magbatukan..." saad ni Cleo at tiningnan sya nang tatlo na nagmake face. "Pa-good boy kaghorl??" sabay sabay na saad nang tatlo na kinatawa bigla ni Zyphire at natawa narin kaming lahat except kay Zyre na seryosong ginagamot ang kamay ni Zyphire. 'Buyset ang tatlong toh... Seryoso dapat eh' "Ah... Dahan dahan naman, Kuya Zyre..." pagrereklamo ni Zyphire nang diinan ni Zyre yun. Hindi naman nagsalita ang kapatid nya sa sinabi nyang yun. Nang matapos ay tinalikuran na lamang kami ni Zyre na walang salitang ibinagsak. "Kakaiba ang kuya mo ngayon ah??" saad ni Vinnie. "Kaya nga eh... Anyare dun??" saad ni Zyphire. "Alalang alala ang kuya mo kanina sayo... Nang sabihin nila Katie na naiwan ka dun tumayo sya agad upang sundan ka... Yung nakasalubong mo sya... Papunta na sya dapat..." saad bigla ni Tito at kita sa mukha ni Zyphire ang gulat na nag-aalala. "Oo nga... Tama si Tito... Alalang alala ang kuya mo teh... Napatayo agad..." saad naman ni Sadie. "Kabado si Zyre kanina, Fire... Lalo na at sinabi mo daw sa sumundo kila Katie na iwan kadun..." saad naman ni Zyrille at kita ang guilt kay Zyphire. "Kahit ako ay magagalit sayo... Na sa kalagayan mong iyan ay nakukuha mopang magbiro..." saad ni Cleo sa kanya at napatingin sya sakin. 'Kahit ako' "Masyadong malapit sayo si Zyre... Nung mawalan ka nang malay... Takot na takot sya nakatabi ko sa bench... Alam mo ang tumatak sakin na ibigsabihin nya??" saad ko at nakita kong nasakin na ang pansin nila. "A-ano iyon??" tanong nya. "Takot sya... Takot na mawala ang nag-iisang babae sa buhay nya... Naging malapit na kayo kaya sya ganun... Hindi nya daw kakayanin ang mawala ka..." saad ko at napayuko na lamang ito. "W-what do I need to do??" tanong nya na nakayuko parin. "Ikaw lang ang makakaalam kung pano suyuin ang isang yun... Ikaw ang pinakamalapit sa kanya..." saad naman ni Walt. Inangat ni Zyphire ang paningin nya. "Ngunit... Hindi ko alam... Wala akong alam..." saad nya. "Sa tingin ko... Magagawa mo iyon kapag nakita mona sya... Babalik naman yun dito sigurado..." saad nung Wayne at napatingin dito si Zyphire. "Ayos lang ba kayo?? Naihatid nya ba kayo nang maayos??" saad ni Zyphire dito na iniba ang usapan. "Ayos na kami... Ikaw?? I-ikaw ba ang kumanta nang nursery rhyme na iyon??" tanong nung Katie kay Zyphire. "Ako nga, Nay... Yun lang ang paraan ko para matakot sya... Pasensya na kung natakot kayo..." saad ni Zyphire at umiling ang dalawa. "Naku, Fire... Wala yun... Naligtas mo kami at nagpapasalamat kami dun..." saad naman nung Wayne at kita ang pagngiti ni Zyphire roon. Napangiti na lamang ako nang makita ang matamis na ngiti na iyon. "Eh anak... Saan kayo titira nyan??" saad naman ni Tito. "Hala... Nandun paba sila Cinco??" saad naman ni Vinnie. "Yung mga bata nya ay naroon... Itinali ko sa kusina... Si Cinco pinatakas ko..." saad naman ni Zyphire. "Eh saan tayo titira netoh??" saad ni Sadie. "Dito nalang kayo, Anak..." saad ni Tito at umiling agad si Zyphire. "Maling mali yan, Dad... Puro putak nila Mom ang maririnig ko... Maririndi na lamang ako..." saad ni Zyphire. "Si Zyre lamang ang may bahay sa village nating ito... Wala akong bahay rito... Ayoko nang sariling bahay..." saad ni Kuya Zyrille at rinig namin ang sigh ni Zyphire. "Dun na lang kayo sa bahay ko kung ganun..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD