Chapter 7

2154 Words
MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ “Hala! Mami! Totoong-totoo nga!” Agad kong tinakpan ang bibig ni Anne kasi lokang-loka ako sa kanya. Nasa labas kaya kami! Naloloka ako pero mas maloloka ako kung hindi ko sasabihin sa kanya ang tungkol dito lalo na at siya ang nagsabi sa akin tungkol dito. Ang package na dumating sa bahay mismo ay walang iba kung hindi ang ang pinag-usapan naming invitation galing kay Lady Maria. Kahit na ano pa kasing gawin kong pagde-deny, si Lady Maria ang babaeng sinagaw-sigawan ko kasi noong niligtas ko siya. Hindi lang iyon, alam kong totoo ang invitation dahil nakita ko na ito sa isa sa mga alaga ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang address ko, hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko, hindi ko alam kung paano niya ako napadalan ng invitation ng ganoon kabilis… pero heto na nga at wala ng punto kung papatayin ang sarili kakaisip ko kung paano. Sa mundo ng showbiz, kahit hindi ka artista o modela, sobrang prone na ang lahat sa ganito. Lalo na at napag-alaman kong close talaga si Lady Maria kay Sir Eos, Ma’am Selene, at kahit pati kay Sir Akio. Kahit na nga ba hindi pwedeng ipamigay ng mga boss namin ang kahit anong impormasyon namin, hindi lang naman sila ang pwedeng direktang source ni Lady Maria. Ganoon kalala ang mga pangyayari na dapat talaga ay huwag ko na masaydong pag-isipan kasi baka masiraan lang ako ng bait. As long hindi naman ako sinaktan o ang kahit sino sa pamilya ko, ayos lang. “Silly! Why are you even thinking that there is a possibility that this invitation is for hurting you? If gusto ko na talagang saktan ni Lady Maria dahil nilagtas mo siya, baka nga ikaw ang tinulak niya!” Naging sobrang dark na bigla ng usapan namin kaya umiling na ako at binago ang topic. “Paano kung tanggapin ko ‘yan tapos biglang mag hidden fees? Anong ibabayad ko?” Lalo akong tinawanan si Anne. “Mami naman! We’re talking about a tycoon here! Aanhin naman niya ang pera ng mga kagaya natin? Plus, ‘di ba nga sabi ko sayo, this kind of invitation is literally hand-picked by Lady Maria herself! Tignan mo, basahin natin ulit!” ✦ ❝ Miss Mayumi Gabriella Garcia, Greetings, my honored guest! I am Lady Maria of our humble paradise, Mistress Peitho’s Crib, and I am formally inviting you to join us for a vacation with us. This letter is an exclusive invitation written only for you, and rest assured that everything is prepared and handled well for your enjoyment in your future stay here. If this interests you, attached below are our contact information, and we will await your confirmation of the trip. If this does not, please do not hesitate to let us know. This letter also includes an ID you must present with our agent to confirm that this invitation is authentic. I am very much excited to see you in our paradise. With all the love, Lady Maria ❞ ✦ “Oh, see! Everything is prepared and handled na raw all for your enjoyment. Tsaka may agent ka pang mami-meet kaya for sure mae-explain pa sayong mabuti lahat.” Tuwang-tuwang sabi ni Anne pero agad niya rin akong sinimangutan. “Mami kapag ‘to hindi mo tinanggap…” Natawa ako doon at tinignan ulit ang sulat na hawak ko kasama ang sinasabi nitong ID. Isa iyong gold card na naka-engrave ang pangalan ko. Hindi na nga ako magugulat kung malalaman ko na totoong gold talaga ito. Kung tutuusin, maliban sa katotohanan na natatakot ako sa kasi baka may hidden fees na kasama ito, kinakabahan talaga ako kasi baka dito na nagpasya si Lady Maria na pagalitan ako dahil sinigaw-sigawan ko nga siya. Hindi ko alam kung kakayanin ko iyon ng hindi kusang lumulubog sa lupa. Pero may punto rin kasi talaga si Anne. Aanhin ni Lady Maria ang pera ko kung hindi naman na sikreto na hindi naman ako mayaman? Una sa lahat, alam na niya ang pangalan at ang address ko. Alam na niya ang estado ko sa buhay at alam niyang wala akong iba-bayad para makapasok sa paraiso niya, pero heto at may invitation pa rin ako. “You deserve to rest, mami. Alam kong napapagod ka lalo kapag sinasabihan ka naming deserve mong magpahinga pero ayan na ‘ha! May legit excuse ka na!” Sa magwa-walong taon kong nagtatrabaho sa Aitana Entertainment, totoong hindi ako kumukuha ng leave maliban sa mga holidays na kailangang kasama ko naman ang pamilya ko. Sobrang flexible rin ng day-off ko kaya naman nagagamit ko ‘yun ng kung kailan ko gusto hanggang hindi iyon nakakaapekto sa schedule ng mga alaga ko. Nilista ko na ito dati na sa mga leave na pwede naming kunin, halos dalawang buwan doon ang paid leave ko. Ang best part pa noon ay pwedeng-pwede kong kunin iyon ng buong-buo. Pwede akong mag-leave ng dalawang buwan na sumusweldo. Binalik ko na sa lalagyan ang sulat at ang gold ID ko. “Pag-iisipan ko pang mabuti. Syempre, ilalakad ko pa ‘yung leave ko. Hindi naman tayo sure kung maa-approve agad-agad.” Hindi pa ako sigurado kung matatanggap ko ang invitation sa akin pero itong ngiti talaga ni Anne parang alam na alam na niyang wala akong choice kung hindi ang pumunta. Kung magiging honest naman kasi talaga ako, gusto ko naman pero… “You might never have a chance like this, mami. Saan ulit tayo hahanap ng bakasyon mong libre?” ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ Wala naman sana akong balak mag-overtime pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Kailangan ko ng mas maayos na mindset bago mag-decide kaya naman bago ko pa mamalayan ay tinapos ko na naman ang mga paperworks ko. Ang hindi ko lang lalong inaasahan ay ang nandito pa Sir Eos at willing siyang isabay ako pauwi! Ang mahirap pa sa sitwasyon ko ay alam na alam kong kahit sinong nasa sitwasyon ko ngayon, isasabay at isasabay talaga ni sir kahit anong mangyari. Dinagdagan pa niya ng guilt tripping na hindi raw nito kakayanin kapag may nangyari sa kanya kung pwede naman siya itong isabay! Kaya naman kahit labag ng bonggang-bongga sa loob ko, wala na akong nagawa. “Just tell me where and trust me that I’ll drive safely.” “O-Okay po, sir.” Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng sinabi sa sarili kong napaka-gwapo ni Sir Eos. Sa tagal ko ng nagtatrabaho sa kompanya nila, lahat yata kami crush siya kasama ang sina Ma’am Selene at Sir Akio, at no joke talaga sa “lahat”! Mapa-lalaki, mapapa-babae, ma-straight or hindi talaga, lahat kami magkasundo sa obvious crush namin sa kanila. Pero iba pala kapag up-close… Hindi naman ito ang unang beses na makasama ko ng ganito si Sir Eos. May mga ganap pa nga na ako ang nagmamaneho sa aming dalawa para sa mga meeting at event na kami ang partners. Madalas kasi ganoon ang mga big bosses namin, kapag may ganap na involved ang mga talents namin, minsan ay kasama namin ang isa sa kanila na pupunta. Pero iba pa rin kasi talaga itong gabi na ito! Daig ko pa ang teenager na kilig na kilig! Nakakahiya! Inawat ko na ang sarili ko at sinabihan ng kumalma. “S-Sir, okay lang po bang sabihin ko sa nanay ko na sinabay niyo po akong iuwi? Kasama pa rin po kasi nila ako sa bahay at nagsasabi po talaga ako kapag ginagabi.” Ngumiti si Sir Eos at muntik ko na namang nakalimutang ikalma ang puso ko. Grabe. Alam ko naman ng hindi talaga suplado si sir lalo na sa aming mga empleyado niya pero kasi naman talaga! “Sure thing, Mayumi. By the way, how is Anne? I heard that she’s the talk of the town.” Mahiyain talaga ako pero alam na alam na yata nitong mga big boss namin kung paano ako pagkukwentuhin. Isang tanong lang tungkol sa mga alaga ko, kasama na doon lahat-lahat ng kwento! Proud na proud kasi ako sa mga alaga ko, at kahit na ba figurative aspect lang iyong nanay nila ako, feeling ko talaga mga anak ko sila at bawat achievement nila proud ako. Syempre hindi naman lahat sobrang positive lang, may ilan-ilan na ang problemang dumating pero reward na yata nila sa akin na hindi masyadong pinapasakit ang ulo ko. Nang malapit na kami sa amin ay nakita ko na agad si mama na naghihintay sa labas at agad akong natawa sa itsura ni Sir Eos! Nakalimutan kong ito nga pala ang unang beses na makita niya ang mama ko at ang reaksyon niya ngayon ay ang reaksyon talaga ng mga unang nakakita sa aming dalawa ng ganito! Nang makaparada kami ay agad na bumaba si sir para pagbuksan pa ako ng pinto. Kahit kailan talaga ay walang kupas ang gentleman ways ni sir. Tinanong ni mama kung siya na nga raw ba ang boss ko at pareho pa kami ni mama na nagulat ng magmano siya pagkatapos magpakilala! Nag-insist si mama na doon na siya mag-hapunan at agad namang pumayag si Sir Eos at sinabing ipaparada lang daw nito ng maayos ang sasakyan. Sinabi ni mama na basta sumunod na nga raw kami. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pinigilan ko si sir! “S-Sir, sure po ba kayo…” He chuckled and I swear to the heaven above that I have been starstruck. “I’d be delighted to meet your family, Mayumi.” ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ Hindi ko alam kung anong dapat kong unahin sa dami ng nangyayari. Una, ang invitation na galing kay Lady Maria. Pangalawa naman ang nakakalokang gabi kasama si Sir Eos. Tapos ngayon naman… “How are you, Mayumi? Sobrang ganda mo na lalo!” Pinigilan kong tumaas ang kilay ko pero alam kong hindi na talaga maipinta ang ekspresyon ko. Sa lahat ng taong makikita ko ngayong araw, talaga namang pinaglalaruan ako ng pagkakataon dahil itong lalaking ito pa talaga ang ihaharap sa akin! Nathan Cruz is my ex-boyfriend. Siya ang muntik ko ng makalimutan na dahilan kung bakit nga pala ako hindi ako no boyfriend since birth. Inaamin ko namang pwede ng ilista ang lahat ng mga kagagahan ko sa buhay at sa dami ng ginawa ko para sa kanya. Nakakahiya? Oo naman! Nakakagalit? Sobra, lalo na noon, pero ngayon… Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Simula noong naghiwalay kami, ngayon ko na lang siya nakaharap ng ganito. Nagkikita kami—sa daan, sa mga event, sa kung saan-saan pang pwede pero ngayon niya pa lang ako nilapitan ng ganito at kinausap. Gusto kong malaman kung anong nararamdaman ko pero wala talaga. Galit ako sa lalaking ito noon pero ngayon ay hindi ko na alam. “O-Okay naman ako.” Sinagot ko na ang tanong niya at ngumiti rin. “You look well too!” Dapat naka-move on na ako pero the more na wala akong maramdaman ngayon, the more na alam ko na mamaya pa magsi-sink sa akin ang lahat. Pareho kaming manager ng Aitana Entertainment noong unang taong ko pero umalis siya para sa ibang kompanya, pero sa totoo lang ay on and off na kami noong college pa lang. Sa tatlong taon naming dalawa, halos anim na taon talaga iyon na on and off. Nakaka-stress lang kapag naiisip pero iyon talaga ang totoo at wala naman na akong magagawa para mabago pa iyon. “Are you with someone?” Alam kong huli na ang lahat bago ko pa mapigilan ang kilay kong umangat. “No. Bakit mo natanong?” Tinawanan ba naman niya ako! “Ang suplada mo na naman sa’kin, Yumi. Nagtatanong lang kasi kung wala kang kasama, maybe I can ask you for some coffee—” “Nathan! Kanina pa kita hinahanap!” Hindi pa humuhupa ang gulat ko na gusto akong ayain na magkape ng lalaking ito pero maganda na rin na biglang may tumawag sa kanya dahil agad kong ginagawang rason iyon para umalis na. Dali-dali ko na lang sinabi sa kanya na aalis na ako kasi may gagawin pa ako at nag-walk out na ng hindi hinihintay ang sasabihin niya. Narinig ko pang tinatawag niya ako pero pinanindigan ko ang grand exit ko at hindi na siya nilingon pa. Hindi ko alam kung anong ginawa ko para ma-deserve ang lahat ng mga kaganapan ngayon pero ang makita ang ex-boyfriend ko ay ang pinakapangit sa lahat. Aba at gusto pa akong ayain na magkape ng hinayupak na iyon! Ano ba kami? Close?! Nakasakay na ako ng jeep at lahat ng dito ko pa lang maramdaman ang mga luha ko. Sobrang dramatic naman ng mga pangyayari na akala ko nasa music video tuloy ako! Akala ko okay na ako… pero mukhang akala lang talaga iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD