Chapter 8

2114 Words
MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ “Mayumi? Mayumi Garcia? What about her?” “Hahaha! Oh my goodness, Nathan, you’re so bad! We’re talking about your girlfriend Mayumi!” “Ha? Girlfriend ko? Kailan pa?” Kulang ang sabihin na estatwa ako ngayon sa kinatatayuan ko, at mas tama yatang sabihing literal na huminto ang mundo ko. Nanlalambot na ang mga tuhod ko at alam na alam kong konti na lang, nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko. Maging ang mga kamay kong hawak ang lintek na cake na ito ay nanginginig na. Ito na nga yata ang sinasabi nilang hindi ko na ikinatuto. Wala akong ibang pwedeng sisihin kung hindi ang sarili ko. “She is just someone I hang out with since, apparently, she spoils me a lot. Look at this watch? She got me this when I hinted to her that I may have liked this more than the cheaper options.” Lalong humigpit ang pagkaka-hawak ko sa cake. Totoo ang sinabi niya. Nag-iipon ako para sa pamilya ko pero ang lahat ng ipon ko na dapat para sa akin ay napupunta sa kanya. Mahal ko siya at kahit kailan ay hindi ko naisip na sayang ang ginagastos ko sa kanya. Oo ngat at hindi rin ito ang unang beses na mangyari ito pero… “Nathan, don’t you think it’s better for you to clarify some stuff with you? Nakakainis kasi na ang taas-taas ng tingin niya sa sarili niya na siya nga raw ang girlfriend mo where in fact hindi naman pala!” “True! There was one time I simply asked her where you were and tinignan ba naman niya ako ng masama! It’s not like I’m going to steal you away from her! Well, it’s not stealing if you had never been hers in the first place.” “Hahaha! Imagine her going around places and imaging things on her own! Nakakahiya!” Never been mine in the first place. Imagining everything. Nakakahiya. Hindi ko kilala ang kung sino man mga kasama ni Nathan ngayon, pero alam kong wala ang kahit sino sa kanila ang nagtatrabaho sa Aitana Entertainment. Wala akong kilala sa kompanya namin na kasing dumi ng pag-uugali nila. Bigla akong natawa sa sarili ko, hindi ko nga kilala ang mga kasama niya pero may ideya na akong ito na nga ba ang mga sinasabi niyang kaibigan niya sa bago niyang napupusuang kompanya. Naiintindihan ko naman na kung ano-anong pwedeng sabihin sa akin ng ibang tao, pero iba pala talaga kapag sa kanya na mismo nanggagaling ang lahat. Oo nga at nagpapakatanga na ako sa kanya pero hindi ko inaasahan na ganito na pala ang mga sasabihin niya. Tanggap ko naman na masasaktan at masasaktan ako pero kahit pala pagrespeto sa akin kahit bilang kaibigan ay wala na rin. Kaibigan? Gusto kong matawa. Pagrespeto nga sa akin bilang kapwa tao niya ay walang-wala. “Hala, Mayumi! I-I mean, I’m right, ‘di ba? You’re Mayumi?” Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para harapin ang tumawag sa pangalan ko at ngumiti pa. “Yes, tama ka.” Lumapit ako sa kanya at inabot ang cake. Hindi ko siya kilala pero obvious naman na papasok rin siya sa loob kung saan naghihintay ang iba pa. “Pakibigay naman ‘to kay Nathan. Salamat ‘ha?” Umalis na ako at hindi na hinintay ang sasabihin niya. May narinig pa ako na nagsabing “pathetic” pero hindi ko na iyon pinansin at nagtuloy-tuloy pa rin sa paglalakad. Kung may masasabi pa sila sa akin, ganoon talaga at wala na akong magagawa pero isa lang ang sigurado ko—ayoko na. ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ Hindi ako nakatulog ng maayos at alam kong hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko. Sa unang beses sa buhay ko, gustong kong um-absent, pero alam ko rin na wala iyong sa choices ng pwede kong gawin dahil may email si Ma’am Selene na kailangan niya ako ngayong araw. Hindi naman ako madalas ipatawag ni Ma’am Selene kaya lalong hindi ako pwedeng um-absent. Hindi ko pa alam kung para saan pero wala namang masasagasaang schedule ng kahit sino sa mga alaga ko kaya go na agad ako. Paglabas ko ng kwarto ay agad akong tinanong ni mama kung ayos lang daw ba ako kasi kagabi pa ako walang ganang kumain. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ayokong mag-alala pa sila dahil sa akin kaya naman ngumiti na lang ako at sinabi kay mama na pagod lang ako kahapon pero ayos na ako. Sana nga maging mas maayos na ako ngayon. Noong nag-break kami ni Nathan, wala naman akong masabihan ng mga hinanakit ko noon kasi nga ayoko silang mag-alala. Pero sino ang niloko ko? Kahit hindi ako nagsabi kay mama noon, alam niyang masyadong naging malaki ang epekto ni Nathan sa akin. Pareho sila na ni papa na walang kibo pero sobra ang pag-aalaga nila sa akin noong mga panahon na iyon. Kaya nga ayoko ng maulit ang pag-alala nila sa akin ng ganoon kaya hindi ko sasabihin ang mga nangyari. Baka ma-highblood pa sila lalo na si papa. “Yumi, anak, alam mo namang pwede kang magsabi sa amin ng papa mo, ‘di ba? Nagkaroon ba ng problema sa mga alaga mo? Galit ba ang boss mo dahil hindi niya nagustuhan dito sa atin?” “Hala, ma, hindi po!” Agad kong sabi. “Ma, sobrang nag-enjoy nga raw po si Sir Eos! Bakit niyo naman naisip ‘yun? Promise, ma, wala po ‘tong kinalaman kay Sir Eos!” Alam kong sobrang defensive ko agad para kay Sir Eos pero ayoko talagang magbago ang tingin nila sa boss ko. Isa pa, totoo naman na walang kinalaman si Sir Eos sa mga kaganapan ko, pero ayoko lang talagang may maisip ang mga magulang ko sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng inis. Ito na nga ba ang sinasabi kong wala talagang maidudulot na maganda ang Nathan na iyon! Ngumiti ako at yumakap kay mama. Alam kong sa ganitong paraan, mapapanatag siyang ayos lang naman talaga ako. “Ma, promise po magsasabi ako. Pagod lang talaga ako.” Nang humiwalay ako kay mama ay hindi ko inaasahang masasabi ko ang isang bagay na hindi ko namalayan na sigurado na pala ako. “Tsaka, ma, baka po mag-leave ako para naman makapag-bakasyon.” Doon na lumiwanag ang mukha ni mama. Matagal na akong sinabihan ni mama na magbakasyon para sa sarili ko. Hindi iyong bakasyon na isasama ko pa raw rila, kung hindi literal na bakasyon na ako lang daw ang aalis. Biniro ko pa nga si mama doon na gusto niya lang akong paalisin at sinasabi niya naman na oo nga raw para naman makapag-pahinga ako. “Sure na ‘yan, anak? Wala ng bawian?” Natawa naman ako doon! “Opo, ma! Lalakarin ko na po lahat para makapag-leave na ako.” Ayoko sanang nangangako pero nagawa ko na. Wala na talagang atrasan ito. ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ Buong akala ko talaga wala lang sa akin ang makita si Nathan pero buong araw ko na siyang iniisip. Hindi pa counted doon na siya ang napanaginipan ko kaya lalong sumakit ang ulo ko. Mali, hindi lang pala basta panaginip iyon, isa iyong malaking bangungot na ayoko ng maalala. Si Nathan ang nag-iisa kong nobyo at kahit hindi ko na ipangalandakan, siya rin ang nag-iisang sumira ng ideya ng relasyon para sa akin. Sinasabi ko nga na gusto ko ng magkaroon ng boyfriend pero mas alam ko naman sa sarili ko na natatakot ako. Maayos naman kami noong una kong naging kaibigan si Nathan. College kami noon at kahit magkaiba ng course, pareho kasi kami ng organization na sinalihan. Magaling sa tao si Nathan at sa phrase na “down to Earth”, totoong-totoo iyon pagdating sa kanya. Madali siyang pakisamahan at masarap kasama. Kung pumasok siya ng politika, sigurado ng marami siyang mabobola sa personality na meron siya. Hindi naman ako naghangad noon na maging kami. Kahit kailan nga ay hindi pumasok sa isip ko na magiging kami, pero matagal ko na siyang crush gaya ng kalahati ng mga babae sa amin sa org. Kaya naman isipin na lang niya ang saya ko noong sinabi niyang gusto niya raw ako. Ang bobo ko naman kasi noon at naniwala ako sa mga salita niya na walang laman. “Ang lalim naman ng iniisip mo, Mayumi.” Agad akong napatayo ng marinig ang boses ni Ma’am Selene! Totoong malalim nga ang iniisip ko kasi kung hindi pa siya magsasalita ay hindi ko malalaman nandito na pala siya! “Ma’am Selene, good afternoon po!” Natawa si ma’am at sa ilang segundo na iyon ay literal na natulala ako sa ganda niya. “Good afternoon to you, too. Sorry medyo late ako.” Nang maupo kami ni Ma’am Selene ay siya na ang um-order para sa amin. Naging honest na kasi ako kay ma’am na never pa akong napunta rito sa restaurant na sinabi niya. Sinabi niya naman na wala akong dapat ipag-alala. Buong akala ko, sa office lang kami mag-uusap ni Ma’am Selene pero noong nagpunta nga ako doon, sinabihan niya ako na mauna na rito sa restaurant na pina-reserve niya. Takang-taka naman ako pero sabi niya hindi pa raw siya kumakain at may isang urgent meeting pa siya, at heto na nga kami. “May nangyari ba, Mayumi? You look a little worn out.” Sobrang obvious ba stressed na ako? Alanganin akong ngumiti. “M-Meron po, m-ma’am, pero ayos lang po a-ako!” Hindi ko alam pero pagdating sa mga boss ko, hindi ko magawang magsinungaling. Hindi naman kasi kagaya sa mga magulang ko na natatakot akong mag-alala sila ng sobra, dito sa mga big boss ko ay sigurado akong mas maganda na talagang magsabi na lang ako ng totoo. Lalo na rito kay Ma’am Selene. Kapag sinabi kong hindi ka talaga makakapag-sinungaling sa paraan ng tingin niya sayo, seryoso iyon. “Pray tell?” Heto na nga ba ang sinasabi ko. Napakamot tuloy ako sa braso ko. Si Ma’am Selene ang parang ate naming lahat. Kung si Sir Eos ay mabait sa amin pero suplado tignan sa labas ng kompanya, si Ma’am Selene naman ay literal na darling of the crowd sa pagiging mabait at friendly niya. Ilang beses ko na rin narinig sa mga alaga ko na basta may problema ka at natanon na makakaharap mo si ma’am, automatic iyon na kakausapin ka niya. Ito na nga ang unang beses na mangyari sa akin ito. Wala ng pag-aalinlangan na sinabi ko nga sa kanya ang tungkol sa ex ko. “Hmmm…” Tumango-tango si ma’am matapos kong magsalita. “Do you want that fucker to lose his job? I could pull some strings.” “Hala, ma’am!” Natawa na ako doon kasi alam ko kung gaano siya kaseryoso. “Okay naman na po, ma’am, matagal na po iyon…” “But clearly not enough for you to fully heal. Ang ayoko sa lahat, ‘yung mga kagaya niya. I’m serious with my offer that I could make that boy’s life a living hell. Hindi niya deserve na maging maayos after all the trauma he gave you.” Hindi ko inaasahan na sa mga salitang iyon, sobrang gagaan ang pakiramdam ko. Hindi naman ako isang santo para hindi magtanim ng galit kay Nathan. Umabot na rin talaga ako sa punto na nasabi kong hindi nga niya deserve ang lahat gaya ng mga salita ni Ma’am Selene. Perhaps, hearing those thoughts is really helpful. Nakakagaan sa loob na hindi nga lang ako ang nag-iisip ng ganoon. Ngumiti ako at tumango. “Thank you, ma’am, kasi akala ko talaga demonyo na ako kasi naisip ko rin po ‘yan noon! Pero hayaan na po natin siya. Nakakainis po talaga siya pero ganoon naman po ang buhay. Unfair po talaga.” Ngumuso saglit si ma’am na parang batang nagtatampo kasi tinanggihan ko ang offer niya. Muntik na akong mag-fangirl sa sobrang cute ni ma’am! “Pero, please, Mayumi, never hesitate to tell us if something is bothering you like this. Don’t also forget that my offer stands. If ginulo ka na naman ng lalaking iyon, ako ng bahala sa kanya.” Hindi na ako nakasagot kasi dumating na ang mga order namin. Nalula pa ako kasi sobrang dami nito pero agad na sinabi ni ma’am na ‘wag akong ma-pressure at kainin lang ang kaya kong kainin. “Oo nga po pala, ma’am, bakit niyo po ako pinatawag ngayon?” “Ah, yes!” Ma’am Selene grins. “How do you feel about being our manager?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD