Chapter 1: Mock
Saic Edrian's POV
"Congratulations, dude!" Nakipagkamay sa akin si Kev.
"Yeah! I'm f*****g the race track." Sabi ko sa kanya habang inaabot ang kamay niya.
"That's mah boy!" Humalakhak pa siya.
Pagkatapos kong makipagkamay sa kanya ay nakita ko ang babaeng nakalaban ko sa car race, si Celeste Golbach, isang babaeng hindi marunong tumanggap ng pagkatalo.
Naghihiyawan ang mga taong pumusta sa akin at hinahagisan ako ng kung ano-anong pera pero pinapakuha ko lang 'yon sa alalay ko.
Mataman ko kasing tinititigan si Celeste mula sa kotse niya na ngayo'y malungkot na naman ang mukha.
Kelan pa ba naging mukhang mabait 'yan? All of my twenty six years of existence hindi ko pa siya nakitang ngumiti sa akin. Hindi ko alam pero ganoon na siguro siya, hindi niya kasi matanggap na ako lang ang tatalo sa kanya.
Umalis ako sa mga fans ko at nilapitan ko si Celeste na ngayo'y nakasandal sa pinto ng kotse niya.
"How are you, babe?" Tanong ko sa kanya ng mapang-asar.
Inis ang lumabas sa nakakaasar niyang mukha at inirapan lang ako.
Kwinelyohan niya ako at mataman niya akong tinitigan.
"Don't you dare play with me, you small d**k!" Matapang niyang sabi sa akin at binitawan na ang pagkakakwelyo sa akin.
Natawa na lang ako sa mga sinabi niya at kinindatan siya.
Small d**k? Ipakita ko pa sa kanya kung gaano kalaki 'to.
"Sayang ang ganda mo kung lagi kang maiinis sa akin, hindi mo ba matanggap na talunan ka?" Pagkasabi ko ay dahan-dahan kong kinuha ang kamay niya at inilalagay sa parte kung saan niya sinabihan na maliit.
Nagulat siya sa mga sinabi ko at agad na binawi ang kamay niya matapos na maramdaman kung ano 'yon.
"You! Perv! Magbabayad ka sa nagawa mo!" Mabilis siyang umalis sa harapan ko at pumasok sa loob ng kotse niya.
Mabilis niyang pinatakbo paalis ang Ferrari niya at naiwan akong nakatingin sa tumatakbong kotse.
Celeste Golbach is really an amazing racer.
Magaling siya sa car race kahit na babae siya, in fact siya lang ang nakakalaban ko na nahihirapan ako. Magaling kasi ang pagharurot niya at ang pagkabig niya. Magaling siya sa drag race, drift and even sprint pero mahina lang siya sa circuit race, lagi siyang naiiwan. Pero mas magaling pa rin ako sa kanya kasi ako lang ang nakakatalo sa kanya kaya inis na inis siya sa akin.
"Celeste Golbach really challenged you, isn't she?" Tinatapik ako ni Kev habang ako naman ay hinarap siya.
"Yeah, she is." Tinapik ko din si Kev. "I'm going home, Kev. Baka hinahanap na ako ni Feri." Paalam ko.
Tumango siya at nagpunta na ako sa mga fans ko na ngayo'y naghihiyawan at nagbibigayan pa rin ng pera.
Sinabihan ko na lang ang alalay ko na siya na ang magmaneho ng Rolls Royce ko at ako na sa pinangkarera ko na Bugatti Veyron.
As a racer I have a lot of sponsors lalo na dahil ako yata ang racer na undefeated. I have a lot of race cars and I have a lot of money. Kaya wala na 'yang mga pusta ng mga billionaire businessmen dahil ako na ang pinakamayaman na racer sa lahat.
But I have a lot things to do including helping the needy; street children, charities, hospital bills of poor people, in short I belong to NGO or Non-Government Organization here in the Philippines. But don't think that I'm good at all. I am also bad, no, I mean, I'm the worse billionaire in the country. I have a lot of records, but I intend to pay all debts that I created in all violations that I have.
Pagkarating ko sa mansion ay nakita ko agad si Feri na ngayo'y nanonood ng Captain America: The Civil War habang may hawak na popcorn at todo ang kain dito habang nanonood.
"Feri!" I called her. She pauses the flat screen 65" TV and stared at me.
"Kuya!" Mabilis siyang nakarating sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit. "I missed you so much!"
"Ah!" I groaned.
Mahigpit kasi masyado 'yong pagkakakawit ng braso niya sa batok ko. "I... Let me go, Feri. I have something to tell you."
"Kuya! Ano? I'm so excited to know." Maingay niyang sabi sa akin.
Hinila niya ako sa sofa at doon ako naupo at naupo siya sa lap ko.
How cute she is. Siya na talaga ang nagpapawala ng stress sa akin lalo na kapag pagod ako mula sa car race.
"I won!" Masaya kong sabi sa kanya at pumalakpak siya habang sumasayaw.
"Congratulations, kuya! You're the best!" She announced and hug me again.
"Thank you." Niyakap ko lang siya pabalik.
Feri is two-years younger than me. Siya ang kaisa-isa kong kapatid. Siya ang nagbibigay lakas sa akin. Hindi ko na yata kayang mabuhay ng wala siya sa tabi ko kasi sa buong buhay ko siya ang laging nandiyan sa akin parati.
Simula nang mapulot kami ni daddy sa lansangan ay naging maganda na ang buhay namin.
Dati kasi kaming palaboy-laboy sa lungsod ng Maynila, ako na tagatulak ng kariton, naghahanap ng makakain namin sa buong araw ni Feri. Iniwan kasi kami ng nanay namin, si tatay naman lasenggo at nasa kulungan na ngayon kasi tinangka niyang gahasain si Feri noong limang taong gulang pa lang siya at ako ay pitong taong gulang pa lang. Hindi ko alam pero bakit kaya nagawa niya 'yon sa mismong anak niya.
Tumakas kami sa bahay ampunan dahil kailangan kundi mamamatay kami sa panlalait ng kapwa namin bata doon. Tinakas ko si Feri at sa apat na taon naming pagala-gala sa Maynila ay nakilala namin si Mr. Jaime Caleb. Siya ang nagpalaki at nag-alaga sa amin. Mabait siya sa mabait pero mahigpit siya sa mahigpit.
Walang anak at asawa si Mr. Jaime o kung tawagin namin ay dad. Tinuring niya na kaming parang anak niya.
Tinulungan ko kasi siya noong mga panahong nakuha ang bag niya na naglalaman ng bilyon-bilyong halagang tseke. Hinabol ko ang mga bata at binawi sa kanila, nasaksak pa nga ako noon sa tagiliran pero nabawi ko rin mula sa kanila. Agad kong binalik kay dad at doon na nagsimula ang pagtulong niya sa amin.
Matapos noon ay pina-hospital niya ako at dito na kami tumira sa mansion niya. Hanggang ngayon ay lubos pa rin ang pasasalamat ko sa kanya sa lahat. Kung hindi dahil sa kanya ay wala kami ngayon ni Feri dito at wala ako na Saic Edrian Caleb na isang sikat na racer sa buong Pilipinas.
Nagulat ako nang magsalita si Feri habang yakap-yakap ko pa rin.
"So, you defeated Celeste?" Tanong niyang bigla.
"Yes, I won the race. Natalo siya."
"What the?! I told you not to defeat her, Saic! She's my bestfriend." Saad niya at humiwalay na sa yakap namin.
"What do you mean?"
Oo nga pala, matagal nang magkaibigan si Feri at ang babaeng 'yon. Simula kasi pagkalipat namin ni Feri dito sa bahay ni dad ay kinaibigan na niya si Celeste kahit pa si Celeste ang bully sa kanilang dalawa. Feri is friendly though. She have a lot of friends. She is jack of all trades typical kind of girl.
"She wants to win, kuya! Dapat pinagbigyan mo na."
"Nope. Hindi ko naman gagawin 'yon. I have priorities, Feri. In fact, may nag-ooffer na naman sa akin ng race and malaki ang matatanggap ko sa sponsors." Paliwanag ko sa kanya at nagpunta ako sa kusina para kumuha ng maiinom.
Sinundan niya lang ako at halata ko sa mukha niya ang pagkadismaya.
"You're such a good man, but do you really prioritize me?"
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang baba niya tsaka ako ngumiti.
"Of course, my princess."
"Then why did you let yourself win even though my bestfriend wants?"
Natawa ako sa tanong niya at pinisil ang mukha niya.
"Iba ka naman sa bestfriend mong 'yon, mas mahalaga ka sakin kasi ikaw ang kapatid ko."
"But..."
"No but. Tapos na. Ako ang nanalo, you're not happy what I've got, Feri?" Yumuko siya at nag-pout pa. Parang bata talaga 'to.
"Happy." She said and I lift up her chin to see her face. "But by next time, love my bestfriend as I love her." She said.
Niyakap ko lang siya ng sobrang higpit.
"I will, but first, she will like me too and I will do the rest. I think she don't like me."
"Yeah. She told me that she don't like you 'cause you're such an asshole and arrogant aside from her."
"Nope. I'm not. Tama na nga. Ako ang nahihirapan kaka-english mo, Feri."
Tumawa lang siya at parang batang tumakbo paikot sa akin. Hinabol ko lang siya at nang maabutan ko na ay natahimik kami dahil biglang pumasok si dad.
"Love is in the air, huh?" Dad greets us.
"Yeah, dad."
"By the way, Saic. Congratulations!" Bati sa akin ni dad at nag-thumbs up siya sa akin.
Kumuha siya ng dalawang bote ng beer at inalok ang isa sa akin.
"Thanks, dad." Sabi ko pagkaabot ng bote at uminom ng konti.
Hindi pa ako kumakain kaya parang hindi pa kaya ng sikmura ko kaya konti lang muna.
"Bakit wala sa akin dad?" Tanong ni Feri kay daddy.
Natawa na lang kami at ginulo ko ang buhok niya.
"Ikaw talaga, bawal ang har-" Naputol ang sasabihin ko nang biglang may nag-door bell.
Nagkatinginan kami.
"Ako na ang magbubukas." Sinabi ko at tumango si dad. Nagtungo ako sa main door at binuksan ko ito.
Nagulat ako nang mga pulis ang bumungad sa akin at may hawak na papel at posas.
"Saic Edrian Caleb, you're under arrest." The police officer announced.
Kinuha ang dalawa kong kamay at pinosasan ako. Nakita ko sila dad na puno ang pagtataka ang mukha habang nakatingin at pinipigilan ang pulis.
"We-we-wait. Anong kaso ko?" Tanong ko sa kanila.
"Violation against illegal setting of car race inside private property." Sagot sa akin.
What the heck? Sino na namang may kagagawan nito?
"I will come back dad! Feri just take care of yourself and daddy." Sabi ko kila Feri pero si Feri ay dismayado ang mukha. Hindi na ako umapela at sumunod na lang sa mga pulis.
Nang makarating kami sa prisinto ay hinarap ako agad ng hepe para sa imbestigasyon nito.
Nagpapataas lang 'to ng ranggo sa kapulisan kaya siguro ako inaresto.
Ilang beses na kasi akong pabalik-balik dito sa prisinto pero hindi pa ako nakakatapak sa selda. Bakit? It's simple, binabayaran ko ang mga pulis para ipakansela ang kaso ko.
Pagkaharap ng hepe sa akin ay gulat ako nang iba, hindi yong dating nababayaran ko at nakakausap ng maayos. Sa ngayon ay mukha siyang mahigpit at hindi ko yata makakamit ang hustisya.
"Sit down, Mr. Caleb." Utos niya at sinunod ko ito. "First record, huh?" Tanong pa niya.
Kung alam mo lang. Matagal na akong pabalik-balik sa prisinto na 'to.
"Sinong nag-file ng kaso ko?" Tanong ko sa kanya.
"It's Ms. Celeste Golbach." Sagot niya ng diretso.
Tanginang yan! Hindi niya ba talaga matanggap na talo siya? Putangina talaga.
Lumapit ako sa hepe at bumulong, "Sir, mapag-uusapan naman natin ito sa madaling paraan. Handa akong bayaran kung magkano ang serbisyo. Busy kasi ako sa car race."
Umiling-iling siya. "My service is not for sale, Mr. Caleb. Hindi ako bayarang pulis."
Natigil ako. "Do you really know me?" Panakot ko na tanong sa kanya.
Magkakaalaman na kami dito.
"Yes, you are Mr. Saic Edrian Caleb. You are the undefeated car racer in the country, am I right?" Nagkatinginan kaming dalawa.
My teeth gritted.
"Kapag ako nawala ng anim na buwan na pagkakakulong, sino na lang ang haharap sa media na Saic?" Mariin kong tanong sa kanya.
"Ako!"
Gulat akong napatingin sa nagsasalita.
"Celeste?! What the heck?!" Malakas kong sabi.
Si Celeste nandito siya habang nakangiti ng mapang-asar sa akin. Nang-aasar pa talaga siya ah.
"Yes! Celeste Golbach. Why Mr. Caleb?" Tanong niya pa rin ng mapang-asar.
Ugh s**t. This is crazy!
"f**k you!" I'm starting to kill her in my imagination. "You will pay for this! Kasali ka rin naman sa car race!"
Tangina. Naisahan ako ni Celeste. Tangina talaga. Hindi niya ba matanggap ang pagkatalo niya at nagawa niya pa akong ipakulong?
"Kasali nga ako pero ikaw ang nag-organize, Mr. Caleb." Sabi pa niya at kinindatan ako saka ngumiti ng mapang-asar.
What the s**t?! Magbabayad talaga siya dito.
Hindi na lang ako umimik at kinuha na ako ng mga pulis para makapasok sa kulungan.
Tangina. First time kong makapasok sa kulungan dahil diyan sa Celeste na 'yan.
Nang makapasok na ako ay nakita ko pa siyang ngumiti ng mapang-asar at saka ako nilapitan.
"Masaya ka na?" Tanong ko sa kanya.
Kung hindi lang babae 'to, nasuntok ko na. Kaso babae siya, may respeto pa rin naman ako.
"Yes! Nakabawi na rin ako sa nagawa mo!" Masaya niyang sabi sa akin tsaka siya umalis.
"Magbabayad ka sa nagawa mo, Celeste Golbach!" Sigaw ko sa kanya.
"Kung magagawa mo!" Sagot niya at saka nawala siya sa paningin ko.
Tangina. Ano namang gagawin ko dito?