Chapter 2: Race
Six months later
"Saic Edrian Caleb, laya ka na." Pagkasabi ng pulis ay binuksan niya ang selda ko. Sumunod lang ako sa kanya.
Six f*****g months I stayed there in a cell. Tangina. Buti kinaya ko. Buti na lang kasi tinatrato nila ako ng maayos at mabuti dahil binibigyan ko sila ng pera. Ang kaso lang, sirang-sira ang imahe ko sa publiko. Nawala ako ng anim na buwan at hindi ako nakapaglaro. Naibalita rin kasi kung anong nangyari sa akin, sa kaso ko.
Putangina kasing Celeste 'yan. Pagbabayaran niya ang lahat ng ginawa niya sa akin.
Pumirma ako ng maraming papel bago ako ilabas sa office at nang makita ko si dad at si Feri ay nakaramdam ako ng saya.
"Kuya!" Sigaw sa akin ni Feri at kinawit ang kamay niya sa leeg ko habang niyakap ako ng mahigpit. "I missed you so much! I miss you!" Malambing niyang sabi at hinaplos ko lang ang likod niya.
I miss her too, so much. Hindi ko alam na kahit isang yakap lang mula sa kapatid ko ay sumasaya na ako at nawawala ang galit ko sa Celeste na 'yon.
Tumingin naman ako kay dad at saka ko siya nilapitan at niyakap pagkatapos ay nag-fist bump kami. That's us, we're like buddies.
"You look like you're all grown up man, my son." Komento niya sa hitsura ko at saka ako tinawanan ni Feri.
"Yeah, kuya! Your mustache are little bit long, but don't worry, I'll go and shave that later." She said and wrap her arms around me.
Natawa na lang ako sa mga sinabi niya. I like having them at my side, always at my side.
Matapos noon ay umuwi kami sa mansion. Agad akong sumalampak sa kama ko. Sobrang namiss ko 'to. Hindi ko maipaliwanag na mas komportable dito kesa sa selda.
Trinato naman ako ng mga pulis as a special prisoner. I paid them. Binabayaran ko sila para minsan makalabas-labas ako at sumama sa barkada ko, sila Kev, Doyle, Vaughn, and also Finn. I know him. Siya ang best buddy sa akin. Palihim nga lang akong tinatakas at minsan may escort kapag nandiyan daw ang Chief nila, pero kapag wala naman, mag-isa akong lumalabas pero tatawagan ko na lang sila kapag babalik ako.
That's how money did. Mabilis ang tao kapag pera na ang pinag-uusapan.
I got up from my bed when I saw Feri. May dala-dala siyang pagkain at nakangiting pinatong ito sa side table.
"Kumain ka na kuya and after that aahitan kita ng bigote at balbas mo tapos magkukwento ako sayo. Marami, sobrang dami." Nakangiti niyang saad at saka ako nilapitan.
"Thank you, little sis." I said and kissed her cheek.
Napakabait talaga ng kapatid kong 'to. She's so bubbly, sweet, and I guess, she's innocent. Maraming nagkakandarapang manligaw sa kanya kaso lang alam kong tumatanggi siya sa kanila. She got that brain and beauty. She's a typical type of girl that when she walks on the street, everyone looks at her and make them drools.
As kuya, ayokong masaktan lang siya kapag nasaktan siya sa pag-ibig at sa lalake. Mahal ko si Feri at kapag nangyari 'yon baka ipapatay ko pa ang lalaking 'yon.
Kumain na ako ng inihanda niya at pagkatapos ay inahitan niya nga ako. Marami pa siyang ikinwentong katatawanan. Even her suitors kinwento niya, but I warned her kaya naintindihan niya naman ang ibig kong sabihin.
"Si Celeste! Si Celeste pala kuya, tinuturuan niya akong magkarera ng kotse!" Masaya niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. Kumakabog na naman ang dibdib ko sa galit kapag naririnig ko ang pangalan ng nagpakulong sa akin.
Hindi ba alam ni Feri na siya ang dahilan kung bakit ako nakulong?
"You should stop her for tutoring you. Hindi maganda ang mangarera kung alam mo lang, Feri." I calmly said but deep in my voice I'm serious.
Nahinto siya sa kakangiti at sumimangot sa akin saka itinigil ang pag-aahit sa bigote ko.
"Why you don't want me to have a race? Kaya ko naman na kuya. I'm on my legal age." Reklamo pa niya.
NIlapitan ko siya at hinawakan sa mukha saka ko hinalikan ang noo niya.
"It's too risky, Feri. Ayokong mapahamak ka at isa pa, mas magandang manood ka na lang, okay?"
Nagsalubong ang kilay niya at saka siya yumuko.
"But I promise to Cel that I'm having a race with her. Gusto kong sumama sa race event niya at sumakay sa kotse niya habang nakikipagkarera." She pleads.
What the hell? Nangdadamay pa talaga ang Celeste na 'yon.
"But..."
"I want to. Gusto kong maranasan 'yon kahit isang beses lang sa buhay ko, kuya! Please, please." She begs and make a puppy eyes.
Damn! Paano ko mahihindian 'to.
I heave a sigh at tumango.
"Yes!" Sigaw niya saka ako niyakap.
"But make sure Cel takes care of you. I just don't trust that woman. Isa pa, ngayon lang 'to at hindi na mauulit na sumama ka sa kanya, promise?" Mariin kong saad.
Ramdam ko ang pagtango niya at mas hinigpitan pa ang yakap niya sa akin.
"Thank you, kuya." She said happily.
Kinabukasan ay tinawag ako ni dad para sa welcome party namin. Hinanap ko si Feri pero sabi niya ay nasa car racing event daw ito kasama si Celeste. Nasabi rin ni dad na ngayon daw gaganapin ang karera ni Celeste kasama si Feri. Hindi ako makapaniwalang pumayag si dad sa gusto ni Feri.
Fuck! Dapat nandoon ako at nanonood kung paano sila manalo kaso mukhang hindi ako papayagan ni dad kasi kaharap namin ang mga business executives.
Sinasabi ko na kasi kay dad na ayokong hawakan ang company niya kaso siya itong mapilit. Hanggang ngayon kasi siya pa rin ang nakapangalan na presidente ng company kahit ako na ang kumikilos ng dapat niyang ginagawa.
Gusto ko lang naman kasi magpokus sa car racing ko at sa pagiging sikat at magaling na racer ng bansa pero nakakahiya namang ipagtapat kay dad kung ano ang gusto ko kasi siya na itong nag-ampon at nagpalaki sa amin ni Feri. Besides we are legally adopted by him and nagpapalit na rin kami ng pangalan.
Gusto ko lang din naman na bayaran ang kabutihan sa amin ni dad at sa lahat ng tulong niya. Kung wala siya, wala kami ni Feri ngayon dito.
Kasalukuyan ginaganap ang party namin sa isang luxury hotel dito sa Manila. Ipinapakilala ako at sinasabi ang pagbabalik ko sa karera.
Marami ring dumalo at lahat sila ay mainit akong sinalubong. Masaya raw sila sa pagbabalik ko. Natutuwa naman ako pero parang kulang pa rin talaga. Wala kasi ang kapatid ko. How stupid she is. Sumama pa kasi sa best friend niyang masama.
Nagpalagay ako ng wine sa baso ko at nang umalis na ang waiter ay biglang nagring ang phone ko na nasa suit pocket ko. Kaharap ko pa ang mga executives at nag-excuse muna ako sandali bago ko tinignan kung sino ang tumatawag.
It's unknown number, maybe it's business VIP too.
Umalis ako sa harapan nila tsaka ko sinagot ang tawag.
"Hello. Who's this?"
"Can I talk to Mr. Caleb right now?" The girl replied.
"Yeah speaking. What do you want?" Maawtoridad kong sabi sa kanya.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. My heart keeps on pounding so fast.
"I'm Ella, Cel and Feri's best friend. Sorry Mr. but Cel and Feri are in the hospital."
Nagulat ako sa mga sinabi niya.
"What?! No. No. No. What... What happened?!" Napalakas na ang boses ko dahil na rin siguro sa tensyong nararamdaman ko.
"They got a car racing accident, Mr. Caleb. I'm sorry but one of them has already passed."
Naguluhan ako sa mga sinabi niya.
"What do you mean by 'passed'?"
I'm sorry, I'm too slow because I'm shaking right now in so much nervous. I can't think straight.
The caller sigh. "I'm sorry Mr. Caleb, one of them is dead before rushing to the hospital. Hindi pa po nakikilala ang katawan nila kaya hindi pa kumpirmado kung sino ang namatay sa disgrasya, Sir. Sunog po kasi ang katawan ng namatay pero ang isa naman ay third degree burn lang."
"Okay, okay. I'm going. Can you tell me what and where the hospital is?"
Sinabi niya naman ang hospital at agad akong nagpunta. Hindi ko na nagawang magpaalam pa kasi sobrang importante nito.
Paano kung si Feri ang nawalan ng buhay? Huwag naman sana. Hindi naman sa pagiging masama pero mas okay na siguro kapag si Celeste ang binawian ng buhay. Kasalanan niya kasi 'to kaya dapat lang.
Nang makarating ako sa hospital ay maraming sumalubong na media sa akin. Hindi ko muna sila pinansin at nang makarating ako sa loob ay nakita ko ang mga doktor at agad naman nila akong nakilala.
"Please, please, tell me that Feri is not dead!" Pagmamakaawa ko sa kanila.
I'm losing my mind. I felt my eyes began to water. I know that it f*****g hurts.
Hindi sumagot ang mga doktor at pinasunod ako ng isa sa emergency room. Mayroong isang pasyente na ineeksamin nila.
"Siya po ang buhay sa aksidente, Mr. Caleb. Tara po sa isa." Yaya niya sa akin.
Hindi ko mapigilang maluha nang makita ko ang mukha niya na puno ng dugo, sunog din ito. Ang kanang bahagi ng katawan niya ay sunog. Wala pang malay ang pasyente na 'yon.
Sana nga si Feri ang buhay. Please lang, lahat gagawin ko para lang mabuhay ang kapatid ko.
Tumuloy at sumunod ako sa kanya. Nahinto kami sa morgue. Nandoon ang isa ring pasyente na sunog na sunog at may ginagawa ring test sa kanya.
Sumilip ako sa glass door. It looks familiar. Hindi ako nakapagtimpi at gusto kong pumasok pero pinigilan ako ng doktor.
"Sa ngayon, hinihintay pa po natin ang test sa kanilang dalawa. Kinukuhanan na sila ng DNA test para malaman kung sino sa kanila ang namatay. Hindi pa po kasi namin ma-figure out kung sino dahil sunog po ang mukha nilang pareho." Sabi sa akin ng doktor at pinaupo ako sa waiting area.
Sobrang kinakabahan ako sa mga eksaminasyong ginagawa. Wala na. Paano na lang kung si Feri ang nawala? Paano na ako? Paano na kami ni dad?
Tangina kasing Celeste 'yan. Dapat siya ang mawala dahil siya ang may pakana nito, kung hindi dahil sa kanya at sa pagmamagaling niya, hindi mangyayari ito.
"Hello." May bumati sa akin at tumabi siya sa kinauupuan ko.
Nalingat ako at tumingin. Isang magandang babae at maamo ang mukha ang nakita ko saka siya ngumiti sa akin.
"I'm Ella, I'm the one who called you." Pakilala niya.
Tumango lang ako at inilahad ang kamay ko sa kanya.
"Saic. Call me Saic." Sabi ko.
Inalo niya ang likod ko saka siya ngumiti ng may simpatya.
"It's really hard to loose your sibling. I bet no one dies but minute by minute I'm feeling nervous. I feel sorry about what happened. Isa sa mga mababait na kaibigan ko ang nawala, Saic."
"At maaaring kapatid ko ang nawala sa tanginang car race na 'yan." Hindi ko na napigilan ang bibig ko sa nasabi ko.
Nagulat naman siya at yumuko na lang ako.
"I'm sorry." Naisabunot ko ang kamay ko sa buhok ko.
Naiiyak na naman ako. Sana nga hindi si Feri ang nawala.
"Ano bang nangyari?" I try to calm my voice even though it sounds crying.
Inalo niya lang ang likod ko saka nagsimulang magsalita.
"Na-flat ang gulong ng sasakyan ni Celeste at nandoon si Feri. Two-termed car race kasi 'yon kaya magkasama sila. Nawalan ng kontrol ang kotse niya dahil sa pagkaka-flat ng gulong at dahil na rin sa sobrang bilis. Umikot-ikot ang sasakyan nila hanggang sa nabaliktad ito at nagsimula nang umapoy sa may makina. Hindi ko na alam ang gagawin ko nang makita ang eksena. Nandoon ako kasi ako ang organizer. Matapos ang ilang minuto ay sumabog ang sasakyan nila Feri. Nagulat din kaming lahat. Natigil ang event at na-rescue pa sila pero nakumpirma na ang isa hindi na humihinga." Paliwanag nito sa akin.
Tangina talaga 'yan. Mapapatay ko sila kapag nalaman kong kapatid ko ang nawala. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Si Feri, siya na lang ang kaisa-isa kong kadugo sa mundong ito pero mawawala pa siya.
Paano nga kung kapatid ko ang namatay sa pangyayaring ito?
Nahinto ako sa marami kong naiisip nang tawagin ako ng isang doktor.
"Mr. Saic Caleb, kayo po ba ang kapatid ni Keana Feri Caleb?" Tanong niya sa akin.
"Oo ako nga, ano nang resulta?"
Bahagyang yumuko ang doktor. Nanlamig ang pakiramdam ko.
"I'm sorry." The doctor said.