Chapter 3: Damage

1671 Words
Chapter 3: Damage Saic Edrian's POV "I'm sorry, Sir. We found out that the one who passed is your sister, Keana Feri Caleb." I shook my head again from my thoughts. Naaalala ko na naman noong gabing sinabi sa akin ng doktor na ang kapatid ko ang namatay sa car race na 'yan. Ilang gabi rin akong hindi nakatulog, bagsak sa trabaho, bagsak pa sa nararamdaman ko. Ang sakit-sakit kasi. Hindi ko inakalang mawawala ang kaisa-isa kong kapatid. Ngayon ay nandito ako sa puntod niya at binibisita siya. Isang taon na rin siyang wala sa tabi namin ni dad pero nakayanan naman namin. Si dad naman ay nanghihina na rin dahil siguro sa pagkawala ni Feri. Pinipigilan din ako ni dad na sampahan ng kaso si Celeste kasi wala naman daw siyang kasalanan. Aksidente ang nangyari at walang may gusto dito. Pero kasalanan niya pa rin kung bakit nawala si Feri. Kung maingat lang siya sa pagmamaneho at hindi desperadang manalo, malamang nandito pa si Feri sa tabi namin, nakangiti at masayang nakikipagkulitan. Feri is the one who deserves to live and Celeste is the one who deserves to die. Naisapo ko na ang mga kamay ko sa mukha ko kasi nag-uumpisa na namang tumulo ang luha ko. I shook my head and sighed. "Good bye, Feri. I love you. See you again." Umalis na ako at umuwi na. Gusto ko lang makapag-isip at mawala na lang ang kalungkutan na 'to. Gusto ko kasing makuha ang hustisya ni Feri pero hindi ko alam ang gagawin ko. Pagkadating ko sa bahay ay sobrang tahimik ng paligid. "Dad! Dad!" Tinawag ko si dad pero walang sumasagot. Ngayon lang siya hindi tumambay dito sa sala ah. Kadalasan kasi lagi siya dito sa sala at nanonood ng TV. Pero ngayon tahimik at sarado ang TV. Tinawag ko siya ulit pero hindi pa rin siya sumasagot. Nasaan naman kaya siya? Wala naman siyang trabaho dahil nagretiro na siya sa company at sa akin na napamana ni dad kaya ako na ang laging nandoon. Pumunta ako sa kwarto niya at nakita ko siya na nandoon at nakadapa sa kama niya. "There you are." Masaya kong sabi. Mukha namang tulog na tulog siya. "Dad. Are you okay?" Tanong ko sa kanya habang papalapit ako at nang makalapit ako ay hinawakan ko siya. Sa sobrang pagtataka ko ay iniharap ko siya at laking gulat ko nang... "What the f**k?" Napabulong ako. "Dad! Dad! Dad! No! It can't be. Dad!" I'm shrugging him. Meron siyang hawak na bottle ng gamot at nang makita ko ang bote na ito may nakalagay na poison warning. No, it can't be. Hindi kayang gawin ni dad ito sa akin. Nagsimula na akong kabahan at hindi ko na alam ang gagawin ko, tumutulo na rin ang luha ko. Tumayo ako at naghalukipkip sa buong kwarto at may nakita akong sulat mula sa kanya na nakalagay sa side table. I couldn't take it anymore, Saic. Just be with yourself and take care of our company. Feri and I are okay now. We're home. You'll always be my son. I love you, Saic. 'Yan ang nakalagay sa sulat niya at hindi ko magawang makapaniwala sa laman nito. Bakit? Bakit nagawa 'to sakin ni dad? Dinial ko ang number ng hospital at maya-maya lang ay nandiyan na sila agad. Pagkalabas ko sa bahay ay agad na may nag-imbestiga na pulis at mga media na kinukuha ang opinyon ko tungkol dito. Hindi ako nagbigay ng impormasyon. Sikat kasi si dad at ang company dahil isa siyang billionaire dito sa Pilipinas. Ito na yata ang masakit na nangyari sa akin. Isang taon pa lang ang nakakaraan pero iniwan na ako agad ni dad. Ang sakit na mawalan ka ng taong mahalaga sa buhay mo.  Celeste's POV "But, ma?! What the?! I can't!" Sigaw ko kay mama. "Makisama ka naman, anak. Para rin naman 'to sa kapakanan mo at sa papa mo. Anak, wala tayong pagkukuhanan ng pera kung hindi ka susunod sa gusto namin ng papa mo." Pakiusap sa akin ni mama. "Hindi ako papayag ma, tsaka isa pa, ayokong magpakasal sa lalaking 'yon! Para niyo na rin akong binenta mama!" Tumulo na ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan at umalis ako sa harapan nila. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni papa pero hindi ko na ito pinansin. The hell I care! Ayoko talaga. Ikaw ba namang ipakasal sa Saic na 'yon. Si Saic na ginawan ko ng maraming kasalanan at hanggang ngayon ay ako pa rin ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Feri. Pero may kasalanan din naman ako doon dahil ako ang nagyaya sa kanya. Aksidente ang nangyari at hindi namin ginusto 'yon. Ngayon tinatakot niya ang pamilya ko na kapag hindi ako nagpakasal sa kanya ay tatanggalin niya sa kompanya niya si papa at kahit saan mag-apply ng trabaho si papa ay hindi na makakapasok dahil hawak niya ang lahat ng kompanya at konektado sila sa isa't-isa. Ganyan kasi ang pagkakakilala namin sa Caleb. Hawak nila ang lahat. Sila rin ang gumagawa ng ilegal na droga pero nababayaran nila ang batas. Alam ko sila, alam ko ang pagkatao nila kaya galit na galit ako kay Saic pwera lang sa kapatid niya na bestfriend ko, si Feri. Mabait at malayo ang ugali ni Feri sa kuya niya. Kung bakit nagdadalawang-isip ako sa pagpapakasal sa kanya ay dahil baka ito na ang simula ng paghihiganti niya sa akin at higit sa lahat si papa ay matagal nang empleyado sa company niya at kung hindi ko siya papakasalan ay papatalsikin niya si papa dahil patay na si Mr. Jaime na siyang kaibigan ng papa ko kaya nandoon sa company nila. Mawawalan na kami ng pagkukuhanan ng pera. Halos magkandalugi-lugi kami nang ipagamot nila ako. Naibenta ko na rin ang dalawa kong racing car at naisanla namin sa bangko ang lupa at bahay namin na ngayon ay tinitirhan namin at sa pagkakaalam ko, wala na kaming pambayad doon kaya kukuhanin na ang bahay at lupa namin na pinaghirapan nila papa at mama. Nang dahil sa disgrasyang 'yon nawala ang lahat sa amin. Masakit pero tatanggapin ko na lang. Wala na kaming alam na pag-uutangan at baon na rin kami sa utang. Third degree burn is not an easy to have a surgery. There are a lot of skin grafting. I even have a physical therapy after several surgeries. Marami kaming gastos. Umabot ng milyon. Kaya ngayon, isang taon na ang lumipas simula nang nangyari ang disgrasya ay heto ako, okay nga ako pero lubog naman kami sa utang at isa lang ang tanging paraan para mabayadan ang lahat at maibalik ang lahat ng sa amin, ang pakasalan ko si Saic Edrian Caleb.  Mas lalong tumulo ang luha ko. Ang hirap ng sitwasyon namin. I think it's time. Kung sasaktan niya man ako deserve ko din naman ito. Papayag na akong pakasalan siya alang-alang kila mama at papa. Ayoko kasing kuhanin ng bangko ang bahay na pinagpundaran nila simula pa noong naging magkasintahan sila. Ito na lang kasi natitira na ayokong mawala sa kanila kaya papayag na ako. Kahit pa mahirap kakayanin ko. Kahit pa ito ang paghihiganti niya sa akin kakayanin ko. Ayoko lang kasi mahirapan sila mama. Nawalan ng trabaho si mama simula nang mahospital ako dahil sa marami siyang absent kaya nalabag niya ang policy ng pinagtatrabahuan niya at inalis siya agad. Sobrang lungkot ni mama noon, dahil sa akin, dahil sa pagmamagaling ko sa karera nawala ang lahat ng sa amin. Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko sila mama at papa sa kusina at nag-uusap sila. Mukhang malalim at seryoso sila. Tumigil muna ako sa kakalakad at pinakinggan ko sila. "Hindi ko alam ang gagawin ko. Sasampahan tayo ni Saic at kukunin niya pati bahay at lupa nating nakasangla sa bangko. Paano na 'yan Cedric?" Naiiyak na tanong ni mama kay papa. Lumapit naman si papa sa kanya at saka siya niyakap. "Hindi ko din alam ang gagawin ko. Ang tanging makakasalba sa atin ay ang anak natin." Anya ni papa. "Kailangan niyang pakasalan si Saic dahil 'yon ang kabayaran sa mga nagawa natin sa pamilya niya." Dugtong pa ni papa at humagulgol na ng iyak si mama. "Ayaw ni Celeste. Ayaw ng anak natin. Paano na 'yan?" Tumulo na rin ang mga luha ko. Ayokong makitang nahihirapan ang magulang ko kaya kakayanin ko ito. Kakayanin ko ang lahat. "Hayaan mo, kukumbinsihin ko siya mamaya dahil siya na lang ang pag-asa natin." Kumbinsi ni papa kay mama at lumabas na ako sa pinagtataguan ko saka nagpakita sa kanila. Agad kong pinahid ang mga luha ko at saka ako humarap sa kanila. "Ma, pa, payag na po ako. Payag na akong magpakasal sa kanya. Kung ito rin lang ang paraan, payag na po ako." Nakayuko kong saad saka sila lumapit sa akin at niyakap ako. "Sigurado ka anak?" "Opo. Tsaka ayoko rin namang nahihirapan kayo nang dahil sa akin. Ma, pa, napag-isipan ko na po ito. I will marry Saic." "Thank you, anak. I love you." Sabi ni papa at niyakap ako. "I love you, too." The next thing is we ate our dinner.  - "I thought that you're not gonna marry me, Cel. Why're you here?" Mala-demonyong ngiti niya ang bumungad sa akin. Naiinis at naaasar ako sa pagmumukha niya. "I'm here to take your offer. I'm going to marry you." Matapang kong sabi at dahan-dahan siyang lumapit sa akin hanggang sa ilang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha namin. "Well, that's good. Ikaw talaga ang gusto kong paghigantihan." Mapang-asar niyang sabi. Napasingahap ako nang hawakan niya ang mukha ko at marahang hinaplos ito. Bumilis ang t***k ng puso ko at iniwas ang tingin ko sa kanya. "Stop that." Pigil ko sa kanya at iniwas ang mukha ko. "Bilog ang mundo, Cel. Kung sa tingin mo nanalo ka na dati, pwes tanggapin mo ang pagkatalo mo ngayon." Then he pushed me away and hold my hand so tight. Halos mamula na ang balat ko sa sobrang higpit ng hawak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD