Chapter 6: Kiss

2343 Words
Chapter 6: Kiss Celeste's POV Dahan-dahang bumaba ang halik niya at hindi ko maisipang iiwas man lang ang mukha ko. Ramdam ko ang mga hininga niya at nang mahalikan niya na ako ay naipikit ko na rin ang mga mata ko. I don't know but it feels so damn good. He cupped my face and kiss me hungrily, wanting for more, so I open my mouth for his access. He explores my mouth and torridly bite my lower lip. I taste a stain-like fluid and I know it's my blood. Naisapo ko ang kamay ko sa batok niya at saka siya tumigil sa kahahalik sa akin at tinitigan ako. I saw so much desire in his eyes and a little lust. Inihawi niya ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko at saka niya ako hinalikan ulit. His kisses trailed down to my jawline and down to my neck. Napaliyad ako at nasabunutan ko na siya. It feels so damn good. I moaned and moaned. I breath and opened my eyes. Natigil siya at saka tinitigan ako. Ilang minuto rin ang pagtititigan namin saka siya umiling at umalis sa ibabaw ko. "No. I can't." He said. Naupo ako sa kama niya at saka ko siya tinignan. Damn. Bakit ang hot niya? Naka-topless lang kasi siya tapos litaw na litaw 'yong abs niya. Tapos nagpapawis pa yong mukha niya. He sighed and stares at me. "Matulog ka na at dalhin mo na 'yang pagkain sa baba. Bukas sasama ka sakin, may pupuntahan ako." Wala na namang emosyong sabi niya at sumenyas na umalis na ako sa kama niya. Umalis na ako at saka kinuha ang tray na may lamang pagkain niya. Sayang naman 'to. Dinamihan ko pa man din ang luto ko kasi akala ko kakain siya. Hindi na lang ako nagsalita. Para saan pa at magsasalita ako? Sarili lang din naman niya ang pinakikinggan niya. Palabas na ako nang magsalita siya ulit and this time nasa kama na siya kaharap ang laptop niya. "The kiss is nothing. Nadala lang ako. H'wag mong masyadong isipin 'yon." Nahinto ako sa kakalakad at napagtanto ko kung anong mga sinabi niya. Napaka niya talaga. Parang bato na ang puso niya at ang personalidad niya. Tuluyan na akong umalis at isinara na ang pinto ng kwarto niya. Kinaumagahan ay pinasama niya nga ako sa lakad niya. Sunday kasi ngayon at wala siguro siyang trabaho. Sakay-sakay kami ng Rolls Royce niyang kotse at siya ang driver. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, kinakabahan na ewan. Simula kasi nang madisgrasya ako ay natatakot na akong sumakay sa kotse, baka kasi mangyari na naman ang dati. Delikado pa at ang lalaking traydor pa ang kasama ko, baka ibunggo niya ito at kung saan ako dalhin at ipapatay nito, pero hindi naman siguro siya ganoon. Huminto kami sa isang hotel at syempre hindi niya man lang ako inalalayang bumaba ng kotse niya at nauna pa siya sa paglalakad habang ako ay lakad-takbong sinusundan siya. Pagkapasok namin doon ay ang gara ng loob. Pangmayayaman at higit sa lahat ang mga nandoon ay executives and businessmen. Walang-wala ang suot ko sa mga suot ng mayayaman na babae na nakagown pa. Nakakahiya. Bakit kasi hindi sinabi ni Saic na ganito pala dito? I'm only wearing a simple dress, above the knee and one-inch heels sandals. Wala pa nga akong make-up na nilagay sa mukha ko at pulbo lang tsaka light lipstick shade. Nakakahiya. Halos kasi lahat ng tao sa amin nakatingin ni Saic. "Good afternoon, Mr. Caleb." Bati sa kanya ng isang receptionist. Tinignan din ako at ngumiti lang ako. "So, yeah. Where's the lads?" Baritonong boses ang narinig ko mula sa kanya habang kausap ito.  "That way, Sir. Third table of executives. Thank you, Sir." May pinirmahan si Saic sa log book at saka na kami umalis. Wala kaming hawakan. Siya na nakaformal attire at ako na sumusunod na parang alalay niya lang. Nagsimula na kaming maglakad at ang kupal humintong bigla at nauntog ako sa likod niya kasi sa iba ako nakatingin. Hindi ko agad kasi nakita kaya nawalan ako ng balanse. Ayos na sana, akala ko walang nakapansin, 'yon pala meron, meron siya kasing kausap at nahinto sila sa pag-uusap nang kumapit ako sa braso ni Saic para hindi ako tuluyang matumba. "s**t!" Kunot-noo siyang tumitig sa akin. Nakita ko rin kung gaano nainis ang kausap niya at nagulat ako nang si Phana ito. Nandito rin pala ang pugita. Nakakainis. "Pwede bang mag-ingat ka naman? Can't you see?" Galit niya na namang sabi. "Oh! You again?! The slut-b***h assuming nanny of my boyfriend? How clumsy." Sabi niya na naman sa akin at saka niya ako tinapunan ng nakakaasar na ngiti. Kumapit pa ang pugita sa braso ni Saic at saka ako hinarap. Hindi ko mapagtanto ang reaksiyon ni Saic, parang naiinis at naiirita pero bakas rin sa mukha niya na concern siya. Kanino naman? Sa akin? Kelan pa naging concern sa akin 'yan? "How dare you calling me b***h and slut?! Are you describing your self? You know friend, try to ask your boyfriend for who I am, you w***e!" Sa gitna ng kainisan ko sa pugitang ito ay nasabi ko ang hinanakit ko at hinding-hindi ako hihingi ng sorry dahil nasa tama ako. Namula ang mukha niya at nagpalipat-lipat sa aming dalawa ni Saic ang tingin niya. "You b***h! Let me slap this motherfucking b***h!" At akmang susugurin niya na ako pero nagulat ako nang iniharang ni Saic ang katawan niya sa akin para hindi ako masampal ng pugitang 'to. "Stop! Tama na! Naiirita na ako sa inyong dalawa. And please, Phana, don't call her a b***h or a slut or else I'm the one who calls you worst than that. Stop judging her for she is only my nanny." Tiim-bagang sabi ni Saic sa harap niya. Namumula siya sa galit at ang mga mata niya'y nanlilisik sa aming dalawa. "Get your ass out of me! I don't know Saic but I hate you! You choose her over me?! You're such an asshole! Let's break up!"  Nagulat ako nang hinila ako ni Saic at mahigpit na hinawakan sa kamay. "I don't f*****g care, Phana. Kahit kelan hindi naman naging tayo. Huwag mo ngang lokohin ang sarili mo." At saka kami umalis sa harap niya at ngayon ko lang napagtanto na marami na palang nanonood sa amin. Jusko. Nakakahiya. May mga media pa at kinukuhanan kami ng litrato. Syempre nakakahiya kasi hawak pa ni Saic ang kamay ko at isa pa, sikat siya na racer at sikat din ako na racer dati. Binitawan niya na ako nang makarating kami sa taas at pumasok sa elevator. Hindi kami nagkikibuan pero nararamdaman ko na pinapakiramdaman niya rin ako. I cleared my throat at pinaglaruan ko na lang ang mga daliri ko. Kelan ko nga pala nasabi na wala akong cellphone na dala ngayon kasi pinaiwan niya ito sa akin? Ayos 'no, mas masahol pa siya sa papa ko. Nagulat ako nang pindutin niya ang stop button ng elevator. We're in a 16th floor pero nagsalita siya. "This suit sucks." At hinubad niya ang tuxedo niya. Naiinitan siguro kasi pawis na pawis siya. Naiwan ang polo shirt niya at inihagis niya lang sa lapag ang suit niya. I cleared my throat again and start to speak. "Hindi ba nakakahiya na nakagawa tayo ng eksena kanina at kay Phana Cammond pa?" "Don't mind her. Dapat lang sa kanya 'yon. Mas nakakahiya siya." Huminto siya at tinitigan ako, 'yong titig na parang may mali sa mukha ko. "Are you okay?" Then he press the 'go' button of the elevator. Tumango lang ako sa kanya. Hindi siya nagsalita pero nakatitig pa rin siya sa akin. "Damn. You're turning me on." At bigla siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi. Punong-puno ng pagkasabik ang halik niya na mabilis na nakapasok ang dila niya at parang espadang nakipag-espadahan sa dila ko. "Saic hmmm." I accidentally moaned his name. Ang sarap kasi sa pakiramdam ng halik niya. Biglang tumigil ang elevator at nagbukas ito na siyang nakapagpatigil sa ginagawa namin. Umiwas siya ng tingin at saka hinila ako palabas kasi may sasakay na mga staff siguro ng hotel. "Let's go inside." He said. Nagulat na lang ako nang nandito kami sa isang parang bar. Hindi ko maipaliwanag pero ang ganda. Sobra. Isang luxury bar siya. Biglang nagsilapitan sina Doyle, Kev, at si Ella. Gosh nandito rin pala ang bestfriend ko. Akala ko nasa New York pa siya. Meron pang isang lalaki na kasing edad siguro namin pero hindi ko siya kilala. "Ella!" "Baby girl!" Masayahing sigaw sa akin ni Ella at nagyakapan kami. Sa wakas nagkita na kami at sa hindi pa planadong pagkakataon. Simula kasi nang mangyari ang aksidente ay hindi na kami nagkikita. Sa video call na lang kasi sobrang busy niya at ako naman itong nakatali kay Saic. "You changed a lot, baby girl! Ang galing talaga ng surgery, pinasexy ang bestfriend ko." Biro niya sa akin. "Silly. Ang sama mo talaga. Ngayon na nga lang tayo magkikita, ganyan ka pa." Drama ko sa kanya. "Asusss. Porket may asawa ka na. Ano? Kamusta naman siya sayo?" Tanong niya at napatingin kay Saic na ngayo'y umiinom na ng alak at nasa counter ng bar kasama ang tatlong lalaki. Hinila ko siya sa isang tabi at naupo kami. "Oh, ano?! Bakit parang takot na takot ka?" Tanong pa niya. "Hindi naman sa ganoon. Naninigurado lang ako, Ella. Ayos lang naman siya sa akin ang kaso lahat ng bagay siya ang lagi ang nasusunod." Paliwanag ko. "Syempre, asawa ka niya. Ano ka ba? Hindi mo pa ako inimbitahan sa kasal niyo. Bakit nitong nakaraang araw umiiyak ka? Pinaiyak ka ba niya?" Sa totoo lang walang wedding ceremony na naganap, pirmahan lang sa marriage contract. "Hindi! Ano ka ba? Namimiss ko lang sila mama noon kaya umiyak ako. Tama na nga ang usapan natin tungkol sa kanya. Uminom na lang tayo." Pagsisinungaling ko. "Yes! Inom na lang tayo!" At tinawag niya ang waiter at saka siya nag-order ng alak. Habang hinihintay namin ang order ay nagkukwentuhan lang kami. Tungkol sa modeling career niya, sa relationship nila ni Kev na nagpasakit sa dibdib ko. Yes, may pagtingin ako kay Kev pero masaya ako sa kanila. Perfect naman sila, maganda at gwapo. Dumating ang order namin ni Ella at excited na akong tikman ito. Akmang iinumin ko na nang may humawak sa kamay ko. Natigil ang tawanan namin ni Ella nang makita ko ang mukha ni Saic na seryoso at tinabig niya sa kamay ko ang alak. Kumunot ang noo ko sa kanya. "Sinong nagsabi sayong uminom ka?" Seryoso at galit niyang saad sa akin. Hindi na ako nakapagsalita pati si Ella ay tumahimik na rin. "Aalis na tayo dito." At saka niya ako hinila palabas ng bar. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Ella at umalis na kami. Kita ko ang pagtipid na ngiti ni Ella sa akin nang papalabas na kami. "Sa lahat ng ayoko ay makita kang umiinom. Makakasira sa plano ko 'yon." Seryoso niyang sabi nang nagmamaneho na siya paalis. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nang huminto kami sa isang liblib na lugar at may nakasulat na Angel's Home ay doon ko na nalaman na bahay-ampunan pala 'to. Pumasok kami sa loob at maraming mga bata ang sumalubong sa kanya. "Kuya Ed! Kuya Ed! Nandito ka ulit!" Maliliit na boses ang narinig ko sa mga bata na sumalubong sa kanya. 'Yong iba kumakapit pa sa kanya at niyayakap siya habang buhat-buhat niya ang dalawa. Nandito naman ako sa labas habang pinagmamasdan siyang nakangiti, at hindi lang basta-basta na ngiti, isang matamis na ngiti at masayang ngiti niya sa mga bata. Nagsilapitan naman ang mga madre at saka siya nagmano sa mga ito. "Oh, Edrian! Nandito na naman pala ang gwapo nating hijo." Sabi ng isang madre sa kanya. Nakita ako ng isang madre at pinapasok niya ako. "Edrian, anak hindi mo man lang sinabing pupunta ka at may kasama ka pa, pinagluto ko sana kayo ng tinola o 'di kaya'y nilaga." Sabi ng isang madre. "Sorry sister, hindi rin naman kami magtatagal. Napadaan lang ako at gusto kong kamustahin ang mga bata. Magbibigay din po ako ng budget para sa pangangailangan nila." Sabi niya nang nakangiti. Ang ganda niyang pagmasdan kapag nakangiti. Parang anghel. Sa kabila pala ng kasamaan niya sa akin, ganito siya kabait sa mga batang inabandona ng mga magulang. Binaba niya ang dalawang bata at saka hinalikan ang mga ito. "Magpapakabait kayo para bibigyan kayo ng maraming toys ni Kuya Ed niyo." Sabi ng isang madre. "Yes po sister Gail." Sabay-sabay na sabi ng mga bata. "Good. Oh sige, maglaro na ulit kayo. Hinay-hinay lang." Nagsitakbuhan ang mga bata at naiwan kaming apat dito. Inabot ni Saic ang tseke niya sa dalawang madre. "Hope this helps sister Gail and sister Jane. Pasensya na po at ngayon lang nakadalaw." The two sisters smiled at him. "Thank you, Edrian. Naku hijo, pagpalain ka ng Diyos. Malaking tulong ito sa mga bata." "Welcome, sister. Sige po alis na kami." Saad niya. "Edrian, kumain na ba kayo?" "Opo." Napansin ako ng isang madre at ngumiti sa akin. "Ang swerte mo hija at siya ang napangasawa mo. Mabait na bata 'yang si Edrian. Marami na siyang napag-aral na bata at natulungan dito." Hinaplos ang kamay ko ni Sister Jane. Paano niya nalamang asawa ako ni Saic? "Salamat po sister. Mauuna na po kami." Hindi na ako pinagsalita ni Saic. "Sige, hijo. Pagbutihin mo ah. Salamat din. Alagaan mo siya." Huling payo ni sister Gail at hinalikan na siya sa noo ni Saic. Nakipagbeso rin ako. "Mga anak! Magpaalam na kayo, aalis na si Kuya Ed niyo." At nagsilapitan at nagsiyakapan sila kay Saic. Ewan ko pero ang saya-saya niyang nakikipag-usap sa mga bata. Seeing him happy like that. Sana ganyan na lang siya sa araw-araw. Ngayon ko lang na-realise na mabait pala siya pero hindi sa akin. Sa mga bata lang. I like him, the way he smiles at the kids. I like his smiles.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD